Kabanata 6

445 13 0
                                    



Lutang ako habang naglalakad, halos mabingi ako sa ingay na nagmumula sa takong ng aking sandal. May narinig akong palakpakan nang nakatapak ako sa marmol na sahig ng bahay nila Dalton, feeling ko madudulas ako kaya napakapit ako sa braso ni Dalton. Nagulat siya sa nagawa ko, aalisin ko na sana ang kamay ko nang hinawakan niya ito at iginiya ako nang dahan-dahan palapit sa hapag.



Para akong nanghihina, ang tuhod ko ay parang jelly. Parang bumalik ako sa pagkabata na kailangan pang igiya sa paglalakad. Saka lamang ako nag-angat ng tingin nang kausapin ako ni Tita.


" Oh God, you grown very beautiful Iyah." Panimula ni Tita, hilaw akong ngumiti at sinalubong ang bawat halik nito sa akin pisngi.

Hinigit ako ni tita para yakapin, saglit pang umangal si Dalton dahil nakakalas ako sa kanya. Sunod ko namang hinarap si Tito matapos akong halikan at purihin ni Tita.

"M-maganda gabi po." Bati ko bago hinalikan si Tito. Lumapi naman si mama sakin at hinaplos ang aking likod, ang laki ng ngiti niya ay nagpapahiwatig na masaya siya. Ganoon din si Papa sa gilid nitong halos maluha na sa di malamang dahilan.




Parang pinipiga ang puso ko, ganito siguro ang magiging reaksyon nila kung sakaling hihingin ang kamay ko.



"Mahal na mahal ka namin, anak." Hindi ko maintindihan dahil naging emosyunal ang mama ko sa pangyayaring ito. Ganoon ba ito ka-espesyal para sakanila?




Nakaupo sa gilid ni Tito si Tita, sa kabilang parte naman ang mama at papa ko. Umupo ako sa katabing upuan ni Mama gayundin si Dalton sa aking tabi. Sa harap naman ay si Mira, sa tabi nito ang kanyang ate at si Dexter katabi ang kanilang Mama. Tahimik akong kumain ng hapunan, hindi ako nakakasabay sakanila. Diretso lamang ang tingin ko sa isang putahe na inayawan ko.



Tang*nang kaldereta iyan!


Napasulyap ako kay Dalton nang maramdaman ang paghawak niya sa likod ng aking inuupuan. Dinungaw niya ako, kinunutan ko siya ng noo.

Nagtiim bagang ako, pasalamat ka narito at kaharap natin ang pamilya natin dahil kung hindi baka kanina pa kita kinutusan. At pwede ba? Alisin mo nga ang kamay mo!




Bigo akong maisatinig iyon, nilagyan niya ako ng kanin at ng ulam nang makita niyang halos maubos ko na ang nasa aking pinggan.


"Kumain ka pa, ang payat mo." Sabi niya.


Walanghiya! Gumawa pa talaga ng eksena para pagtinginan kami! At teka nga! Kailan pa ito naging mabait? At talagang concern ka dahil nangangayat ako? Excuse me?! Hindi ako payat, sexy ako! Letche ka.


Naputol ang titigan namin ni Dalton nang umubo si Dexter. Naghanap ako ng ibang matitigan dahil hindi ko kayang masulyapan siya, eksakto namang si Mira ang nahagip ng mata ko.



"Are you okay, love?." Matamis na tanong ni Entice kay Dexter.


Kumunot ang noo ko, hinintay ko pang sumagot si Dexter nang ngumisi si Mira.




Isa pa to, bat di kayo nagtabi ni Dalton. Kayo itong close.




"You know what ate, Dalton choose Klariyah over me." Biglang nagsalita si Mira. Napanganga ako, ang panget pakinggan ng sinabi niya.


" I mean, sa Prom namin. Sa cotillion kasi napili kaming sasayaw and it's sad that Dalton choose Klariyah over me." Paliwanag niya dahil nasa kanya na ngayon ang atensyo.


Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon