Kabanata 31

347 12 0
                                    

Nakadagan ang kalahating katawan ni Dexter sa akin. Sa sobrang pagod niya ay nakatulog na siya. Ilang oras din siyang bumiyahe at pagbalik sumabak sa....








Kinagat ko ang labi ko, ramdam ko ang mainit kong pisngi dahil sa naalala.







We really did it. Not only once, but thrice.













Dahan-dahan kong hiniwalay ang katawan mula sa mabibigat niyang katawan, namamanhid na ang kanang bahagi ng braso ko dahil nadaganan niya. Tumagilid ako at pinagmasdan siyang nakahiga nang padapa. Ang laki ng katawan niya, mabuti nagkasya kami sa queen size bed ko. Bumangon ako at saglit na natigilan, naramdaman ko ang hapdi ng akin. Kumagat ako sa labi para iwasan ang pagsinghap. Inayos ko naman ang kumot at tinakpan ang kalahating katawan ni Dexter.










He is even hot when sleeping.











Sinubukan ko siyang hilain para makahiga nang maayos pero sa bigat niya hindi ko man lang nagalaw kahit ang braso. Gusto ko siyang gisingin at ayain sa hotel, humarap sa pamilya namin pero ayaw ko namang maputol ang mahimbing niyang tulog.












Lumabas ako nang kwarto at tinungo ang kusina. Kailangan ko yata ng gatas bago umalis. Naabutan ko naman sa sala si ate Len, sinilip ko ang oras kanina ang alam ko pasado ala una na ng gabi. Kumunot naman ang noo ko nang makita ang cake sa refrigerator.







"Aalis na po ba tayo o magsasabay kayo ni Sir Dexter?," walang preno niyang tanong.








Wait, what?!










Nagsalin ako ng gatas sa baso, ininom ko iyon, hindi ko na sinagot si ate Len patungkol kay Dexter.








"Aalis na tayo ate, magbibihis lang ako," sabi ko. Hindi ko naisip kanina na maaaring gising pa si ate Len dahil sa bilin ni Mama.









Palihim kong sinita ang sarili, kung sakali man, hindi namin maamin kaagad, lalabas at lalabas ang katotohanan na may kung ano sa pagitan namin. Kaya bago pa man iyon mangyari, mas mabuti nang isiwalat, kahit ako na muna, sa sarili kong pamilya.










Mahimbing pa rin ang tulog ni Dexter nang makapasok ako sa kwarto. Naghanap ako ng susuotin, hinubad ko ang damit niya na suot ko at nagpalit ng bago.











Sleep tight baby










Hinalikan ko siya sa pisngi, tatlong halik dahil parang hindi naging sapat ang isang halik para sa akin. Kaagad naman kaming tumulak nang makalabas ako ng kwarto. Hindi na ako tinanong ni ate Len patungkol kay Dexter.












Mahigit limang minuto ang tinagal ng biyahe, bukod sa madaling araw ay wala ring mga sasakyan kaya hindi naging abala ang kalsada. Dumiretso ang sasakyan sa basement at nang nakapag-park kaagad din kaming umalis ni ate Len. Maraming bitbit na gamit si ate Len kaya kahit na kinukuha niya ang dala kong handbag ay hindi ko na ibinigay. Hindi naman ako lumpo, I'm just sore.











Hindi ko alam kung anong room number nila Mama, hindi ko rin alam kung na saan sila, tumawag ako pero hindi naman sinasagot. Sana nagkaayos sila ni Papa, gusto kong malaman pero una kong pupuntahan ang kwarto para sa akin, sa palagay ko susunod din si ate Len kaya iyon na ang una kong ginawa. Pinindot ko ang tamang numero at kaagad din namang nakarating sa tamang palapag.














Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon