Kabanata 27

339 11 0
                                    

Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog matapos naming mag-usap, nagising na lamang ako ng alas diez sa umaga at nagkagulo sa bahay dahil na rin sa mga pinsan ko.











Laglag ang panga ko nang makita ang nangyari sa sasakyan, basag ang headlights nito at maraming gasgas. Galit akong bumaling kay Marco.








"What did you do? That's my dad's gift for me!" Sigaw ko, halos umusok na ang tainga ko sa galit.









Cielo, Stacey and Marco are very sorry pero hindi iyon madaling tanggapin lalo na kung ang sinira nila ay isa sa napakahalaga sa akin. My dad just gave me that car yesterday at hindi ko pa man nagagamit, nasira at nagasgasan na nila. Gusto ko silang bugahan ng apoy, gusto kong magalit nang magalit pero alam ko wala na rin akong magagawa dahil nangyari na.














"Klariyah, san ka pupunta?" Umalis ako sa sala, tumakbo ako sa labas nang nakakuyom ang mga kamay.








Tirik na ang araw at ngayon lang nilang naisipang umuwi! Their parents already left, hindi na sila hinintay at hindi ko alam kung anong magagawa ng parents namin kung nakita nila ang lahat ng ito.






"Klariyah, sasakyan lang iyan. Dapat magpasalamat ka dahil okay kami! Okay si Marco!" Si Stacey.







Umirap ako sa kawalan bago siya binalingan.








"Thank you ah, thank you dahil okay kayo, thank you dahil maliit na bagay lang naman ang sasakyan ko, thank you ah dahil regalo lang naman ni Papa ang sinira niyo!." Mataman kong sinabi. Galit din siyang tumitig sa akin at mukhang nagtitimpi.







Tuluyan nang naputol ang litid ng pasensya ni Stacey.






"Ang daling ayusin niyan, hindi ka mawawalan ng malaking pera para umasta nang ganyan! Napaka-childish mo!." Dinuro pa ako ni Stacey.





Tinabig ko ang kamay niya. Ilang pulgada lang ang tangkad niya sa akin.







"Hindi mo naiintindihan! Regalo nga ni Papa sa akin, hindi mo ba gets?! Hindi ko pa nagagamit at ipinagkatiwala ko sa inyo tapos uuwi kayo nang ganyan 'yan?!"sabay turo ko sa sasakyan na halos hindi na makilala.






Nagtiim bagang si Stacey at makaraan ang ilang segundo ay lumapat ang palad niya sa aking pisngi. Para akong nawalan ng kaluluwa sa ginawa niya, napahawak ako sa masakit na pisngi habang ang mga mata ay nangingilid na sa luha.




All my life, my parents never laid their hands on me!







"Ang kapal ng mukha mo! Hindi mo ba alam na napaaway iyang si Marco dahil sa kalandian mo?!." Umawang ang labi ko, hindi pa rin nakakabawi sa sampal ni Stacey. 




Ayaw ko man umiyak sa harapan niya, ayaw ko mang makita niyang nanghihina ako pero kusang bumuhos ang luha sa aking mata.









"Anong pinagsasabi mo! Wala kang karapatang sampalin ako!." Hinampas ko siya sa braso.






Hindi ako kailanman nagkaroon ng kaaway, at kung meron man lagi akong mahinahon pero ngayon, hindi ko yata kayang tanggapin ang mga pinagsasabi ng pinsan kong ito! Sakanya pa nanggaling na malandi ako!




"Nararapat lang iyan sayo, pinag-aalala mo kami, naghanap kami sayo, napaaway tapos makikita naming may kalandian ka sa kwarto mo?!" Sigaw niya. Dinaluhan kami ng dalawa pang pinsan at maging si ate Len ay dumalo na rin.






Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon