Kabanata 1

995 20 2
                                    


Kumunot ang noo ko sa huling linya ng pangungusap na nabasa mula sa libro. Mabilis ko itong tiniklop at pinatong sa arm chair ko, hinanap ko sa classroom si Bea na siyang may-ari ng fairy tale book na binasa ko.




First love never dies...


"Hoyy, tara na. Gutom na gutom na ako eh." Si Donnalyn na kakapasok lang ng classroom.


Tumayo ako para sumabay sa kanya patungong canteen, nagugutom na rin ako. 30 minutes lang ang break namin, siguro lagpas sampung minuto ang tinagal ko sa pagbabasa lang ng isang kwento sa libro ni Bea.




Maingay ang hallway ng third year building, kaliwa't kanan din ang chismisan ng aming mga ka-batchmate. May napadpad pang mga lower grade na sa tingin ko ay pumupunta lamang dito para silipin ang kani-kanilang mga crushes.




"Oh my God, Iyah! Papalapit si Dalton!!." Ngumiwi ako, isa lamang si Dalton sa campus heartthrob. No, actually sila ng mga kagrupo niya ay kabilang sa listahan ng mga hinahangan sa aming school.





"Ano naman, Donna? Hindi ako interesado sakanya." Sabi ko.





Bukod sa hindi ko siya crush, hindi rin kami magkasundo. Ewan ko ba sa gunggong na iyan, simula elementary hanggang ngayong high school ay never kaming naging magkaibigan kahit magkapitbahay lang kami. Nagpasalamat ako na hindi ko siya naging classmate sa third year dahil nakakasuka ang araw-araw na pagsusungit niya sa akin. May pagkakataon pang binabara niya ako sa klase, minsan nama'y kinokontra niya ang mga sagot ko.


Masyadong mataas ang cognitive skills ng mokong pati na rin pala ng kasungitan, parang nakaluklok ng isang garapon ng tableta. Letche!!


Nilagpasan ko ang grupo nila, naantala naman ang pagsunod sa akin ni Donna dahil kinausap siya ng pinsan nito na barkada ng Lazzaro na iyon! Minsan iniisip ko na dinudungisan niya ang apilyedo ng kuya niya, ng pamilya niya dahil masyadong niyang binababa sa kajejehan niya.



Pababa na ako ng building nang sumigaw si Donna ng hintay, hindi ko siya hinintay bagkus nagpatuloy ako sa pagbaba. Sinabit niya ang kanyang kamay sa braso ko, para na namang tuko itong si Donna pero in a good way. Siya lang ang naging close ko talaga bukod sa iba ko pang kaklase.



"Sana hindi tayo maubusan ng siomai, Iyah! Nakakainis ka kasi. Hindi ka pa sumama noong nag-cr ako." Pagmamaktol niya.


Kakaiba kasi ang lasa ng pagkain na ito, ibang-iba sa natikman namin. Konti na lang maniniwala na akong may magic spell iyon.

Napabuntong hininga na lamang ako nang papalapit na kami sa canteen, dinumog ng mga estudyante ang canteen namin. Mahaba ang pila at halos okupado na ang mga upuan at lamesa.



"Hayaan mo na, ask mo na lang ingredients nila sa paggawa ng sauce. Gawa tayo sa bahay ng maraming siomai." Pag-aalo ko sa kaibigan.



Madali lang naman gumawa ng siomai, kahit ang sauce nito pero iba kaso talaga ang sarap ng sauce nitong canteen.



"Huwag na tayong umasa, secret recipe nila iyon. Business is business, Iyah." tumango-tango na lamang ako at nakipila sa shawarma stall habang si Donna ay nakipila sa siomai-yan.



Inabot kami ng siyam-siyam, nagring na ang bell pero hindi pa rin kami nakakabili. Bigo si Donna sa paborito naming siomai, tanging shawarma lamang ang nabili namin sa recess. Pinaresan na lamang namin iyon ng lemonade bago nagpasyang umalis. Kumakain kami habang naglalakad, sinadya naming hindi magmadali kahit na halos kaming dalawa na lamang ang naglalakad paakyat ng building. Parang mabali naman ang leeg ng mga grade-8 nang paakyat na kami, isa sa mahigpit na policy ng school ay ang tardiness. Bawal na bawal ang late, kahit ano pa mang dahilan bukod sa reasonable reasons.





Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon