Kabanata 10

474 13 0
                                    

Umihip ang panghapong hangin, nakatunganga ako nang ilang segundo. Ang mga paa ay bahagyang nakapatong sa isa pang upuan habang ang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa libro.








Mabilis lumipas ang oras, para bang hangin lang na dumaan ang bawat segundo. Nakabalik sina Mama nang maraming binili na pasalubong. Kinamusta ang naging gabi ko, sinabi ko na lang na okay at nag enjoy naman ako. Ang mga larawan ng gabing iyon ay umugong sa social media, ang pinagtataka ko ay hindi na napag-usapan ang eskandalo na ginawa ni Mira.








Sino ba namang maniniwala sakanya hindi ba? Kailanman hindi ko pinangarap si Dalton. Nagsorry siya sa akin dalawang araw ang lumipas, nagsorry siya dahil pinahiya niya ako gamit ang mga salitang bago lang sa aking pandinig! How could she say na isa akong desperate girl next door?! Ang tanga rin eh no, ako magkakagusto sa kumag niyang bestfriend, wag na!





Nasa teresa ako, hinapon na ako kakaabang sa kabilang kwarto. Nanatiling nakasara ang itim nitong kurtina, ni hindi ko napansin na gumalaw iyon kahit panay ang paninitig ko. Ganoon ba ang mga business man? Kahit linggo babad pa rin sa trabaho? Walang pahinga, paano na lang iyong social life nila? Nakakapagparty pa rin kaya siya? Mall?






Aba shempre, at nagde-date rin yan!





Noong nakaraan napag-usapan ang celebration ng aming graduation ni Dalton. Biruin mo nakakabwisit na nga makita siya sa school pati ba naman sa social gathering naroon din siya, at ang malala pinagplanuhan pang icelebrate nang sabay. I know hindi pa kami bankrupt para makipag-isa sa selebrasyon. At saan gaganapin? Sa hotel lang naman ng mga Lazzaro.






I can't imagine my senior high life kung pareho pa rin kami ng school ni Dalton, sisiguraduhin kong magkaiba kami ng pinapasukan para less interaction.





"May chance pa bang magkabati kayo.?" Tanong ni Donna.






Nakaupo kami sa isang bakanteng upuan na may mesa sa quadrangle. Dito rin madalas nakapaskil ang anunsyo, wala nang nakalagay roon bukod sa paparating na graduation rites ng mga grade 10.



"Meron kung mawala siya sa paningin ko." Sabi ko.




Kapag naririnig ko ang pangalan ng asungot na iyon ay umiinit ang ulo ko.




"And speaking of.." anang Celine, papalapit sa amin ang grupo ni Dalton.





"Isa na namang bwisit na hapon." Bulalas ko pagkarating nila.





"Chillax, hindi kami pumarito upang humanap ng away." Dipensa ni Antonio, agaw pansin ang dimples nito kapag nakangiti.





Balik sa dati si Dalton, never na naging mabait sa akin simula noong hindi ko tinanggap ang sorry niya. Ano iyon? Magsosorry siya tapos uulitin niya rin? Parang tanga!




"Ano ba Paco, kalawak ng upuan ididikit mo talaga iyang balat mo sa akin." Sigaw ni Donna nang tumabi sakanya si Paco.




Nagtawanan ang tatlo na lalaki bukod kay Dalton, ganon din ang kambal.



"Eh sinusulit ko lang ang mga araw, hindi na kita makikita Donna babe." Ngumuso-nguso pa si Paco na animo'y bagay sakanya ang pagpapa-cute.





Napapailing na lang ako, sa kanilang tatlo si Paco ang pilyo, si Antonio naman ay mas nangibabaw ang pagiging chill pero may kapilyuhan rin, si Lucas ay may awra na palaging seryoso pero hindi kagaya ni Dalton na nakalunok ng bandehadang gamot pang sungit.



Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon