Kabanata 26

329 6 0
                                    

Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi, hindi ko na maalala ang nangyari basta ang alam ko masyado akong naging mapusok. Ang alam ko ay galit ako sakanya, ang alam ko ay naiinis ako at hindi ko aaminin na mahal ko siya pero....


Sa alak lang pala ako titiklop!


Alas tres na ng madaling araw, hindi ko kayang makipagtitigan kay Dexter dahil masyado akong nahihiya. Kani-kanilang ang pusok ko, ngayon para akong lantang gulay, namumulang kamatis sa kahihiyan!

"I'm sorry.." kinabahan ako, at kahit nahihiyang sumulyap sakanya ay ginawa ko pa rin.




Kanina, habang naghahalikan kami, habang pababa nang pababa ang halik niya ay bigla na lamang siyang tumigil. Hindi niya na ako hinalikan ulit at lumayo nang bahagya! Ako naman si tanga na naghahanap, nangtutukso kaya sa huli bumigay rin siya.


Halikan lang iyon pero para na akong nasa alapaap sa sobrang tuwa!




Ngayon na nagso-sorry siya ay para naman akong tinusok ng karayom sa puso! Nakakainis! Ang bilis magbago ng mood ko sa taong ito!




"W-why?? Am I not good enough? I will try to learn!." Totoo ngang nakaka-bobo ang pagmamahal!



Why I'm having a self pity! Nagso-sorry lang naman siya! Anong sorry?



"Of course not! Iyan ang huwag na huwag mong iisipin! I'll not gone mad if you're not good enough!." Maririin niyang sabi. Bahagya pa siyang natigil na para bang nahihirapan siyang magsalita.




"Then why are you saying sorry?! Ganito ka rin noon ah! Nagsorry ka lang matapos mo akong halikan, matapos mo akong gawing baliw!." Maririin ang bigkas ko sa bawat salita. Tumayo pa ako para ipakita sakanya na galit ako.



Galit na galit ako sakanya pero pinigilan ko, galit na galit ako sakanya pero heto pa rin ako, nasa harapan niya at nauulol!




"Bakit? Anong tingin mo sa akin? Laruan? Palipas oras?! Ano?! Shit hindi ko maintindihan!." Hinampas ko ang dibdib niya. Matangkad siya kaysa sa akin kaya ang matigas niyang katawan ang natatamaan ko.




Nasabi ko na noon na lumaki ang katawan niya, at ang nahahampas na matigas na bagay ay hindi malayong kanyang abs!




"Ginagawa mo akong tanga, Dexter. Hindi porket mas bata ako, ay may karapatan ka ng manggago!. Pumiyok ako sa huling salita.




Pinigilan kong huwag maging emosyonal, lalo na kapag dumating ang araw na magkita at makausap ko siya. Pero ngayon, nasa harap ko siya at humihingi ng tawad ay hindi ko mapigilan humagulgol.



Nakakapagod ka naman mahalin, Dexter! Lagi mo na lang ako sinasaktan!



" Hindi mo naiintindihan, Klariyah. Alam mo ba ano itong ginagawa ko sayo?! This is immoral." Sagot niya, hinuli niya ang mga braso kong umaamba ng hampas.



"Alam mo naman pa lang immoral, bakit mo ako ginagago?! Bakit mo ako hinahalikan?! Bakit mo ako binabaliw?! Bata pa lang ako, alam mo ng gusto kita, bata pa lang ako hinahangaan na kita. Pero kung ganito! Shit, gusto ko na lang mawala ang pagmamahal ko sayo!" I am trying my best to speak quietly.




Pero.. sa tindi ng galit ko ngayon, isang kalabit na lang ay sasabog na ako sa sobrang sakit.


"This is forbidden, baby.. Alam mo iyan." Hindi ako nagsalita. Tinikom ko ang bibig ko para mapigilan ang hikbi.





Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon