Panimula

2.4K 25 6
                                    




Hindi ko matandaan kung kailan ako nagsimulang mag-aksaya ng oras para sa isang lalaki, kung kailan ako nagtiyagang maghintay at sumulyap mula sa malayo. Kung kailan ako natututong maglihim ng nararamdaman.










Pasado alas siete na ng gabi at maningning ang kalangitan dahil sa mga bituin.




"Anak, halika na't kumain na tayo." Napukaw ang nanlalamig kong puso sa tawag ni Mama.






Nilingon ko si Mama mula sa bukana ng bahay, kalauna'y nginitian ko siya bago nagsalita.






"Opo, Ma. Susunod po ako," sagot ko naman mula sa patio.








Limang minuto pa Klariyah, bago ka magpasyang dumalo sa hapag. Limang minuto pa sa paghihintay.








Hindi man lang umabot ng limang minuto ay nakarinig na ako ng tunog na mula sa sasakyan. Napahawak ako sa puso ko bago mabilis na tumayo sa kinaupuan na bakal. Lagpas ulo ko kasi ang pader na pumagitna sa bahay nila at ng bahay namin. Inayos ko ang sarili bago tumuntong sa bakal na inupuan para makita siya. Bumukas ang kanilang gate at para naman akong sinabuyan ng malamig na tubig sa nakita.








"Thank you, Dex." Rinig kong sabi ng babae. Kumunot ang noo ko kasabay ng pagkuyom ko sa aking kamao.








Of course! Normal na magkaroon siya ng babae, I mean ng girlfriend man lang dahil nasa tamang edad na rin naman siya. 







"Klariyah! Halika na." Hindi ako natinag sa sigaw ni mama kung hindi sa mga matang mabilis na bumaling sa akin. Nagkatitigan kami, titig na tumagal nang halos limang segundo bago pa man ako hinila ni Mama.









"Sinisilip mo na naman si Dexter, hindi kana nahiya ah." Nag-poker face ako sa sinabi ni Mama.









"Akala ko si D-Dalton." pagsisinungaling ko.









Si Dalton Lazzaro ang nakababatang kapatid ni Dexter Lazzaro, siyam na taon ang agwat namin ni Dexter kaya hindi nahahalata ni mama ang tunay na dahilan kung bakit lagi akong naka-abang sa kabilang bakod. Sa tuwing nahuhuli nila akong sumisilip sa kabilang bahay mabilis kong nirarason si Dalton kahit na ang totoo ay mailap kami sa isa't isa. Suplado kasi si Dalton, kahit noong elementary kami hanggang ngayong high school. Suplado lang siya sa akin, samantalang sa iba kulang na lamang ay mapunit ang labi niya sa kakangiti.









Dumalo ako sa hapag kainan, nakataas ang isang kilay ni Papa nang umupo ako. Kaagad naman akong inasikaso ng nakaabang na si At Len.








"Anak, high school ka pa lang kaya hindi pa pwedeng mag-boyfriend." Sabi ni Papa. Kumunot ang noo ko, wala naman akong sinabi na magbo-boyfriend ako ah. Okay na sa akin ang silipin si Dexter sa kabilang bakod.










Hindi naman ako umaasa, college na iyon samantalang ako first year high school pa lang. Paano ako magkakaboyfriend? tsk.










"Pa, wala naman po akong balak. Tsaka, baka po mauna pang ikasal ang crush ko bago pa ako makagraduate ng high school." Sunod-sunod kong sinabi iyon nang walang preno. Nang matanto ang lahat ng mga sinabi ay sumubo ako ng pagkain.






Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon