Kabanata 20

383 11 0
                                    


I tried to move my fingers, from my point finger until I was able to move my whole hand. Warm thing covered it.



"Anak...." rinig ko ang boses ni Mama.




Gusto ko siyang tingnan pero hindi ko kayang imulat ang mga mata. Kumunot ang noo ko at mas lalong pinagalaw pa ang mga daliri.


What's happening to me?!


I tried to remember what happened but I couldn't. Hindi ako makapag-isip lalo ng marinig ang mama ko sa paligid, umiiyak at panay ang tawag sa pangalan ko.



I want to say mama, but I couldn't open my mouth to say a single word. After awhile, my surrounding became quiet. Nagpanik ako, natakot dahil hindi ko na nga maimulat ang mga mata ay wala pa akong naririnig na boses sa paligid. Tanging mahihinang tunog mula sa mga bagay kung saan.



Mama, don't leave me please.



I want to scream! Gusto kong sumigaw. Tila ba maraming nakabaon sa akin, sa puso kong nakakaramdam ng kirot at kabigatan. Wala akong ibang ginawa kung hindi magpagalaw ng mga daliri, unti-unti kong inalala ang nangyari at dahil doon sunod-sunod ang pagbuhos ng luha sa aking mga mata.


Fuck!


Alam kong hindi pa ako patay, pero kaya ko bang humantong sa ganoon para lang sakanya? Kaya ko bang isugal ang buhay ko? Makalimutan ko lang ang kung anong meron sa puso ko ngayon?


Gusto kong isigaw ang lahat pero lahat ng kinikimkim ko ay wala ni isang naisatinig man lang. Basta ang alam ko sunod-sunod ang patak ng aking luha.




Ngayon napatunayan ko na posible pa lang maghalo ang emosyon, sakit, pagmahal, pagkamuhi, pagnanasa, pagbabaka sakali kahit nasa binggit ng kamatayan.



Walang ibang may alam sa kung anong nararamdaman ko, posibleng alam niya pero hindi niya naman yatang iisipin na kaya kong masaktan nang ganito. Na masasaktan ako kapag na-reject!?


"Anak! Please wake up! Huwag naman ganito!!." Mas lalo lamang akong naiyak. Frustrated na rin ako sa nangyayari at marinig pa ang papa kong ganito ay mas lalo lang nagwasak sa puso ko.


Papa, mama


Nakatulugan ko ang pagdalamhati, hindi ko pa rin naimulat ang mga tama pero pakiramdam ko dilat na dilat ako; wala nga lang liwanag akong naririnig. Napapitlag ako nang maramdamang unti-unting bumangon sa kakahiga. Hindi ko na alam kung ilang oras o araw akong nanatilng ganito. Hindi rin lingid sa akin na nasa hospital ako, dahil iyon naman ang naririnig kong usapan sa paligid.



I never knew that I was too hurt until that night happened. Grabe pala ang sakit. Kung pwede ko lang ihinto ang pagsakit ng puso ko, kung pwede ko lang palitan ng bagong puso, siguro ginawa ko na.




Nagtiim bagang ako nang unti-unting lumiwanag ang paningin, awtomatikong gumalaw ang mga kamay ko upang sumangga sa marahas na ilaw.



Did I got eye injury?! Do I have an eye donor???! Bakit hindi puso ko ang pinalitan?!



"What can you see, Klariyah?." Hindi ko kilala ang magmamay-ari ng tinig na iyon pero pakiramdam ko isa siyang doktor at sa palagay ko siya rin ang nagtanggal ng bandange sa aking ulo.



Naramdaman kong guminhawa ang buong mukha, at sa palagay ko dahil na rin sa bagay na nagpipigil ng pressure.



"Anak? Klariyah, say something please."nagsusumamo ang tinig ni mama. I scanned the crowd for her eyes.


Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon