Pangwakas

1K 21 0
                                    

Kumalabog nang husto ang puso ko habang nililipad ng napakalakas na hangin ang iilang hiblang buhok na tumatakas sa magkabilang pisngi ko. Ang tanging ingay na maririnig ay ang ingay na nanggaling sa chopper at ang pagkalabog ng puso ko sa katahimikan ng talampas. Kita mula rito sa tuktok ng talampas ang kahabaan ng lugar, ang kalawakan at ang kabahayan sa dulo. Ang matayog na gusali at ang kasalukuyang ginagawa na bagong gusali ng hotel. 










"Calm down, everything will be okay." Dexter gave me his sweetest smile for assurance.







He is wearing a black T-shirt underneath his jacket, black pants, and boots. He looks so cool with his warm aura under the afternoon sky.  










"Are you scared?" maririin ang mga tingin niya sa akin nang magtanong ito. Siguro halata sa mukha ko ang takot, hindi naman ako natatakot noon pero iba ang sitwasyon ko ngayon.










" a little," I timidly answered, and he nodded at my response.









Today, we will be sightseeing the new structure of our hotel expansion. It has been constructed for the past three months, and aside from sightseeing, we're also expecting our parents' arrival today. Dexter had already told them about our relationship, but I remained silent. I promised to love him openly, but as much as I want to express my love, I am still holding back. I am still buying some time to formally announce our relationship when they arrive.










Malalim ang relasyon namin ni Dexter at sa makalipas na buwan ay ilang beses din kaming nagsasama sa iisang kama at sa mga panahong pinagsasamantalahan namin ang oras ay wala kaming sinayang na pagkakataon. Hindi lingid sa kaalaman ko ang kahinatnat n'on at kung may mabuo man wala naman akong magiging problema pero ang inaalala ko ay ang opinyon niya. Tinago ko ang nararamdaman ko, kahit malakas ang pang-amoy ni Dexter sa akin. Lagi niya hinihimas ang tiyan ko kahit pa man hindi siya sigurado.








"Naku, talagang may mabubuo! Ilang beses ba sa isang buwan?" tinakpan ko ang mukha ko dahil sa mga tanong ni Donnalyn.








Nasa Espanya siya ngayon at kahit hating gabi na rito sa Pilipinas ay hindi pa rin ako makatulog dahil sa pagsusuka.







"Hindi ko alam" amin ko, hindi talaga dahil hindi ko naman binibilang noong sunod-sunod na ang nangyayari sa amin. 








"Ano? Wala kang control? O hindi man lang nagko-control si Kuya Dexter?!" napahilamos ako sa mukha ko.







Dapat bang mag-control? Magpigil sa naramdaman?!









"Mag-PT kana, letche ka naman eh. Kapag ikaw napahamak, ewan ko na lang sayo! Nakakainis ka!" Sigaw niya sa akin, iyon nga ang problema ko. Hindi ako basta-basta nakaalis nang mag-isa, oo wala na si Miss Laida na laging nakasunod sa akin pero may inilaan namang driver si Dexter.











Iyon ang naging kondisyon niya sa akin, mawawala lang sa paningin ko si Miss Laida kung papayag akong magkaroon ng driver at dahil sa hindi malamang dahilan ay sinang-ayunan ko na kaysa makita ko araw-araw si Miss Laida. Nagpaalam ako kay Donna nang naduduwal na naman ulit, binigyan niya pa ako ng mga abiso sa kung anong pwede kong gawin. Aniya kailangan ko nang magpa-check up lalo na't dalawang buwan na akong delayed. 










Pagod na pagod ako buong araw, minsan nakakatulog pa ako sa trabaho at dahil advantage sa akin ang mag-OJT sa hotel ay walang naging problema pero lagi ko namang sinisikap na hindi antukin. Isang araw matapos ang huling meeting ay inaya  ko ang tatlong kaibigan na sina Kris, Hannah at Clarisse. Si Dorothy lang ang wala dahil sa kabilang bayan ang assignment niya.











Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon