Kabanata 14

384 14 0
                                    

It was a perfect summer vacation for me, perpekto kahit ako lang ang nakakaramdam. Minsan, nagtatalo rin ang puso at isipan ko, kung totoo bang nangyari ang halikan namin, kung tunay ko bang naramdaman ang labi ni Dexter noong araw na iyon.



"Matino ang isip ko pero ako'y sabog na." Katyaw ni Donna.


Inirapan ko lang siya at nagbigay pa ng kaunting oras para alalahanin ang nanyari.


"Pakiramdam ko.... Totoo ang lahat ng iyon, I mean.. na gusto niya rin ako." Pangatwiran ko, laman lagi ito ng isipan ko.

"Base sa kwento mo sa akin, sinagip ka lang n'on dahil akala niya nalulunod ka. Walang in love na ganon, Iyah." Lubusan ko nang nilubayan ang pagbabalik tanaw, ilang araw na rin ang lumipas simula ng araw na iyon.


Nagkawatak-watak kami sa araw ding iyon, hinatid lang kami sa bahay ng pinsan ko samantalang tumulak silang tatlo pauwi ng bayan. Wala na akong imik, kahit na lubusan din nila akong kinatyawan dahil sa pagkalasing sa mumunting inumin, pangatwiran pa nga ni Kyle na energy drink lang iyon.



Hindi ko tuloy alam kung saan ba ako nalasing, kung sa inumin ba o sa nangyari sa amin ni Dexter.


Tumayo ako at gayundin si Donna na kanina pang kinokontra ang pagmamalabis ko sa nanyari. Kakarating lang din ng mga kaibigan namin, at dahil sila ang hinihintay namin ay tumulak na kami para hagilapin ang information office ng unibersidad.


Hindi namin plinano na mag-aaral sa isang unibersidad, nagkaalaman na lang noong nakaraan.

"Donna babe, para sayo.. mag-aaral ako rito." Si Paco, nang tuluyan nang nakalapit sa amin.


Gusto kong matawa, kung hindi ko kilala si Paco at Donna kikiligin ako. Biruin mo, dahil sa pagmamahal niya kay Donna kaya niya pinili mag-aral dito, para di sila mawalay sa isa't-isa.

"Bolahin mo pa ako, alam ko namang hindi mo kayang mawala sa mga kaibigan mo."Nagsalita rin si Donna.


Nilakbay namin ang hallway ng student center patungong information office habang nagbabangayan ang dalawa.


"Hindi bola iyon, binahagi ko lang ang rason kung bakit dito rin ako mag-aaral." Sinasaway na sila dahil napapalakas ang boses ni Donna.

Katabi ko siya, katabi ko naman si Mark na katabi ni Paco. Ang mokong ay nasa likod kasama ni Lucas.


"Ang sabihin mo, hindi kana makaka-kopya kung hihiwakay ka sakanila. Tsaka pwede ba, hindi tayo close para mag-usap." Nairita na si Donna at nauna nang lumakad, kaagad naman sinundan ni Paco.



Umiilag si Paco nang nakalapit kay Donna dahil pinaghahampas na ito ng bag na dala.


"Ano ba, Donna babe, lumapit ako para maging close tayo. Hindi ko alam na, harsh ka kung magmahal." Humagalpak ang mga nasa likuran sa narinig na sinabi ni Paco.

Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon