Kabanata 13

375 10 0
                                    

Ramdam ko ang pamumula ng mukha dahil sa namumuong galit. Mahigpit ko ring hinawakan ang basang panyo ni Dalton.



"Bro, akala ko hindi na kayo tutuloy." Si Baldo ang nagsalita, noong nakalapit sa akin ay dinungaw ako. Iniwas ko ang tingin ko sakanya, nagbabadya na rin ang luha sa aking mga mata.



"Pwede ba naman iyon?." Si Entice naman ang nagsalita, nasa likuran ko sila. Hindi na ako nangahas na sumulyap, naiinis ako sa sarili ko. Kinakain ako ng sariling emosyon.



"Are you all right, Klariyah?." Ang mga boses na iyon ang nagpatuloy sa luha ko, kinagat ko ang kasi ko upang pigilan nito. Ramdam ko ang init na nanggagaling sa kanyang katawan, nasa likod ko siya at ilang pulgada na lang ang pagitan namin.



Nangangatog ang mga binti ko, hindi ko kayang manatili rito nang matagal kaya mabilis akong kumilos. Nilapag ang cellphone sa mesa at ang panyong hawak. Umiwas rin ako kay Kiko na sumalubong sa akin, lumabas ako ng cottage at tinungo ang hugis puso na batis.





Masayang silang naghahalakhakan samantalang ako nilamon na ng sariling emosyon. Ganitong-ganito ang pakiramdam kapag nagseselos ang lintik na pusong ito. Maayos naman ang lahat noong hindi sila dumating, bakit kailangang nandito sila? Bakit kailangan kong makita na magkasama at masaya sila?



"Walk-out queen, halika rito." May tunog na pang-aasar ang boses ni Kiko.



Tumuntong ako sa sementong haligi ng batis, natatalsikan na ako ng tubig na mula sa falls. Tiningala ko iyon, kahit nanlalabo ang mga mata ay nagawa ko pa ring puriin ang kagandahan. Marahan ang pagdaloy ng tubig sa bahaging kinatatayuan ko.







If this place mend-broken hearts, I would gladly offer my heart. That's what I need right now, gusto kong kumawala sa sakit na ako rin ang nagdulot. Gusto kong mawala ang nararamdaman ko, natatakot ako.. Natatakot akong pagdating ng panahong ay matuto akong lumaban, matuto akong sundin ang namumuong kong pagtingin.




Paharap akong bumagsak sa tubig, hindi ako natatakot sa ginawang pagbagsak. Magtatagal ako sa ilalim ng tubig pero aahon din ako, hindi ako nangamba dahil marunong akong lumangoy. Mas nangibabaw ang sakit sa aking puso.





Binalot ako ng lamig, ngumiti ako, isang pilit na ngiti bago pinikit ang mga mata ko. Umiyak ako sa ilalim ng tubig, sa malamig na tubig ko binuhos ang sakit, ang mainit na luha. Nakakatawa dahil kahit anong iiyak ko rito hindi iyon mahahalata, makikihalo sa lamig ng tubig ang mainit kong luha. Aahon na sana ako nang May naramdaman na lang ako bigla na bumagsak, ginalaw ko kaagad ang mga paa ko at natarantang umahon. Bigla kong naisip ang posibilidad na may hihila sa paa ko.


Nagdulot iyon ng taranta sa akin kaya hindi ko na gamay ang kilos ko sa ilalim ng tubig, naramdaman ko na lang na may humawak sa baywang ko at tinulungan akong makaahon.


"What the fuck?!" Malutong na mura ang narinig ko nang nakalanghap ng hangin, naramdaman ko ang mahigpit na yakap sa baywang ko pero mas nangibabaw ang pag-ubo ko.



Shit. Muntikan na akong mapaano, what a stupid action! Mabilis ang hininga ko, nasa tubig pa rin ako, hindi man subukang lumangoy ay hindi pa rin nalulunod dahil sa yakap ni Dexter sa baywang ko. Nakayuko ako, ang nakikita ko lamang ay ang basa niyang dibdib sa ilalim ng suot na damit.




Inangat niya ang mukha ko, mabagal ang kilos niya, dinaig ang mararahas kong sagap ng hangin. Nakaawang ang labi ko para sa hangin na kailangan, ang katawan ko ay nanghihina. Unti-unti siyang lumapit sa akin, mas pumirmi ako sa hawak niya nang lumapat ang labi niya sa akin. Hinila ko ang gahiblang pag-iisip na meron ako, lahat ng iyon ay naglaho. Nataranta ako sa paglapat ng labi niya, kumunot ang noo ko nang naramdaman kong binibigyan niya ako ng hangin. Tinutulungan niya akong huminga sa pagitan ng labi niya.



Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon