Author's note and Stories update

457 8 0
                                    

Hello, gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nag-follow sa akin dito sa Wattpad account ko. Salamat sa mga nag-aabang ng bawat chapters, thank you sa engagement na binibigay ninyo sa mga stories ko.






Taong 2013 ako nagsimulang magbasa ng stories dito sa Wattpad pero 2016 ako unang nagsulat ng kwento. Lahat po ng natapos kong kwento ay hindi dumaan sa masusing pagrebisa, wala po kasi akong oras para magrebisa ng mga natapos na.




Taong 2019 huli akong sumulat ng akda na may pamagat na "His Dad Is My Professor" medyo shallow po ang kwento dahil kasagsagan ng pag-aaral ko sa kolehiyo. Naantala ang pagsusulat ko nang nagsimula ang pandemiya hanggang sa nagtuloy-tuloy at naging mas mahaba ang pagkawala ko.





Nitong taon lang po ako bumalik sa pagsusulat. Masipag akong mag-update dahil natapos ko ang "Secretly Loving Mr. Lazzaro" nang hindi man lang nag-iisang buwan. Napagdesisyunan kong gawing series ang kwentong ito. So, aasahan ko kayo sa kwento ni Donna at ni Dalton.



Si Paco at Dalton ay kasama sa series na ito, pero ang kay Lucas ay nasa Yesterday's series. Kung nahihiwagaan kayo sa buhay ni Gwen ay pwede niyo ng mabasa iyon kasi completed naman na. First installment ng series ang kanyang story. 

S1: Secretly Loving Mr. Lazzaro ✅
S2: Secretly Married To Mr. Delgado- Paco
S3: Secretly Adoring Mr. Lazzaro- Dalton







Magpapatuloy po ako sa pagsusulat dahil wala na akong ibang ginagawa kung hindi ang trabaho at pagsusulat. Kung hindi niyo naitatanong, single ako sa edad na 26. Hahahaha wala pa akong pamilya kaya ituturing kong pamilya ang mga karakter na nililikha ko. Bukod sa pagsusulat at trabaho, busy rin akong manood ng anime! Kaya kung walang update, isa lang ibig sabihin n'on 🤣


Narito ang on-going stories ko.

Yesterday Series:
S1: Mistakes Of Yesterday- ✅- Lucas' story
S2: Scars Of Yesterday-
S3: Memories Of Yesterday-

Monteverde Series/ Night Series
S1: A Night To Remember-16 Chapters


Stand alone:

The lost Promise- about married couple so SSPG



PS: THANK YOU PO! THANK YOU SA LAHAT NG NAGBABASA.

Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon