Kabanata 7

436 11 0
                                    



Pinagtataka ko kung bakit hindi ko maramdaman ang excitement para sa araw na ito.

" Sa araw ding iyon ako niligawan ng papa mo." Maligayang baliktanaw ni mama sa high school life nila ni papa.



"Partner niyo rin po ba si papa? Sa cotillion or as an escort?" Tanong ko.




Ngayon ko lang nakita ang susuotin sa prom night. Hindi maalis ang tingin ko sa kulay abong ballgown, makinang dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking bintana. Isang square neck top na may mahabang maninipis na manggas.



Dalawang set ang susuotin ko, isang cocktail dress na para sa cotillion at itong ball gown para sa buong selebrasyon.



"No, hindi ko siya kailanman naging kapares sa prom namin anak. Ni hindi ko nga kilala." Bahagya pang tumawa si mama nang may maalala sa pagbabaliktanaw.



Binalingan ko ang cellphone dahil sa pag-vibrate nito, hudyat na May nagtext.


"Bumaba ka pagkatapos mo riyan, kokontakin ko lang ang make-up artist mo." Hindi na ako hinintay ni mama na sumagot, iniwan niya akong nakatunganga sa cellphone ko.

Binasa ko ang text mula kay Donna.


Donna Montanez:
Kinakabahan ako, baka bigla akong magkamali.


Me:
Mas nakakababa itong sitwasyon ko, I'm torn between dancing and ditching him.


Bumuntong hininga ako, lalong nagpapahirap sa akin ang nangyari pag-uwi ng bahay.


"Ano pong meron, Ma, Pa?." Tanong ko pagkababa ng sasakyan, sa labas pinarada ng driver dahil ang mga magulang ko ay naghihintay sa tapat lamang ng gate.


Humalik ako sakanila bago pasimpleng sinulyapan ang mga nakatayo rin sa labas ng bahay nila, ang pamilya ni Dalton.

"Napag-usapan lang namin iha na magsasabay kayo ni Dalton bukas." Gusto kong magprotesta ay kung hindi lang ako nahihiya kina tito ay kanina ko pa inayawan ang plano nila.




Hirap na hirap na nga akong umiwas sa kumag na Dalton, tapos mayroon pang ganito na mangyayari. Tila hindi umaayon ang tadhana sa napakasimple kong plano.




Binalingan ko si Tita nang lumapit ito, bahagyang hinaplos ang buhok ko. Nginitian ko siya nila ng tugon.



"Si kuya Dexter niyo na rin ang maghahatid sa inyo pagkatapos ng prom." Si tita naman ngayon ang nagsalita. Napakagat ako sa labi ko, nadagdagan lalo ang problema ko dahil magkapatid na Lazzaro ang makakasama ko.



"P-Po?." Hindi ko mapigilan ang sarili. May driver naman kami, meron namang sasakyan ay driver sina tita pero bakit si Dexter ang kukuha sa amin bukas?




"Mawawala kami ng tatlong araw anak, bukas nang tanghali ang alis namin. Wala ring ibang magsusundo dahil dadalhin namin ang sasakyan." Paliwanag ni Papa.


Bagsak ang balikat ko, hinaplos naman iyon ni tita.


"It's okay iha, bibilhan kita ng pasalubong. Ano bang gusto mo?." Ngumuso ako, hindi pa rin nakakabawi sa rebelasyon nila. Iniisip ko pa lang ihahatid kami ni Dexter ay hindi ko na kinakaya ano pa kaya kung susunduin hindi ba?



Wala na akong nagawa kung hindi sumang-ayon, wala naman akong puwang kapag negosyo na ang pinag-uusapan.




Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon