Kabanata 32

367 11 0
                                    

Ang buhay ay puno ng makabuluhang bagay, maaaring maganda, maaari ring hindi. Walang pinipiling panahon, edad, karanasan ang isang dagok. Minsan naiisip ko, bata pa ako. Hindi ako dapat nalalagay sa ganitong sitwasyon, hindi ako kwalipikado para mubuo ng desisyon. Pero, may tamang panahon ba para rito?








"Do you still remember?,"naantala ang pag-iisip ko dahil sa tanong ni Dalton.









Hindi ako nakasagot dahil inikot niya ako para sa isang bahagi ng aming sayaw. Nang humarap ako sa kanya ay napahawak ako sa dibdib nito. Binaba ko kaagad ang mga kamay na kaagad niya ring kinuha at inalalayan sa tamang pwesto. Dinala niya sa kanyang balikat ang kanang kamay ko, at ang kaliwa naming kamay ay pinagsalikop niya bago niya ako hinila nang marahan palapit.









Tumunog ang "Can I have this dance" na tugtog kasabay ng nag-iingayang mga yapak namin. Dumilim din ang paligid at umusok din, bago dahan-dahan umilaw at lumiwanag ang paligid.





"I still remember our first dance, sa prom," he started again.








Tumango ako at nagbaliktanaw. Marami kaming hindi napagkaunawan ni Dalton, iyon ay dahil sa ugali niyang magaspang sa akin. Pero, makalipas ang ilang taon, naging maayos ang turing niya sa akin. Kung bibilangin ang oras na magkasama kami, malalagpasan niya si Donna.







" I want to make you happy, my birthday wish for you is your happiness." he continued and paused.










Sinuri niya ang paligid at ganoon din ang ginawa ko habang sumasabay kami sa indayog ng kanta. His wish for me is my happiness. Seeing our families and friends happy, is an example of happiness to me. What else? What is the other meaning of happiness?









Is it... to be selfish? Self-centerd? Narrow minded?









Iyon ang kahulugan ng kaligayahan sa akin, subalit, hindi dahil gusto ko nang ganon ay gagawin ko na. Tutal, nagsimula ang lahat sa mahabang panahon, ito na rin siguro ang dulo. Matagal ko ng natamasa ang kaligayahan, hanggang saan ba ang gusto ko? Hanggang sa mawala ang lahat? Hanggang sa mawala ang pinaghirapan niya?










No... I already made a good decision. It'll hurt me, but at least only me.









"Your beauty and kindness made me love you, it isn't hard Iyah, I've been in love since that day..." hindi ko kayang ngumiti dahil sa sinabi niya. Mataman akong nakinig sa sasabihin niya matapos akong inikot.







" since when?" matapang kong tanong.








Mahalaga pa bang malaman iyon?!









"Remember our camping, on our eighth grade," inalala ko ang science camp noong grade-8 kami.







Marami akong naalalang magagandang karanansan, pero ang kasama siya sa mga iyon ay napaka malabo.






" I was so tired, I almost passed out but you helped me." Inalala ko iyon, wala namang kakaiba at ganoon talaga ang gagawin kapag nasa iisang grupo.











We're taught to help each other when things get hard. At sa panahong iyon, si Dalton ang nangangailangan ng tulong. Hirap na hirap na siyang umakyat ng bundok, naiwan kaming anim, si Lucas, Paco, Antonio, Donna, ako at siya. Si Donna ay inaakay na nina Lucas at Paco, samantalang si Antonio ay hinihingal na rin. Ako, hindi naman masyadong nahirapan dahil sanay akong umakyat ng bundok kasama nila Kyle.









Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon