Kabanata 2

617 15 0
                                    


Kinukulit ako ni Donna simula pa kahapon pagkatapos ng family day namin. Ayoko kasi siyang pagbigyan dahil hindi naman sigurado kung makikita o maabutan niya si kuya Dexter.




"Sige na, Iyah. Pinaalam ko kay Mommy na tuturuan mo ako sa pagbake." Isa pa itong baking tutorial na gusto niyang mangyari.

"Oo na basta akin lang iyon ah." Sabi ko, tunog possessive pero ganon talaga.


"Nangarap ka naman, eh may jowa nga iyon diba?." Sinamaan ko siya ng tingin.

Hindi niya na dapat pang sabihin iyon, obvious naman na. At sa gwapo ba naman ni kuya Dexter hindi na ako magtataka kung marami na siyang naging girlfriend.


Nasa labas kami ng school ni Donnalyn, hinihintay ang sundo ko. Hindi na nagpasundo pa si Donnalyn dahil sasabay siya sa akin, ang plano namin ngayong hapon ay gumawa ng siomai at gusto niya rin matutunan kung paano gumawa ng cake.

Nasarapan kasi siya sa binake kong cake noong family day. First time niyang makatikim ng gawa ko kaya ngayon gusto niya ulit matikman, saka gusto niya rin matutunan ang basic steps. Bukod sa pagbe-bake, gusto niya rin makita si Kuya Dexter. Hindi kasi sumama si Dexter noong family day at ang sabi ni Tita ay busy raw sa tinatayo nitong sariling business.

"Tsk, umambon. Silong tayo." Utas ni Donna, pinakiramdaman ko ang ambon. Unti-unti itong lumalakas kaya nagmadali kaming sumilong sa waiting shed.


"Teka, tetext ko si manong." Sabi ko. Hindi ko pa na-itext si manong nang tawagan ako ni mama.





"Ma paano po kami uuwi, may kasama akong kaklase." Sabi ko.

Mahirap makahanap ng taxi o kahit anu pang sasakyan kapag tag-ulan.


"Makakahintay ba kayo riyan o nagmamadali kayo.?" Tanong ni mommy sa kabilang linya.


Wala namang kaso sa akin kapag mahuli ng uwi, ang problema ay itong si Donna. Kapag natagalan kami rito ibig sabihin ay gagabihin din siya sa amin.

"Sige po ma, wait na lang po namin ang sundo." Binilinan pa ako ni mama na mag-ingat at huwag magpaulan.



Naghintay kami ni Donna sa waiting shed, nagkwentuhan kami para malibang ang sarili habang sinasabayan ng malamig na hangin at pagpatak ng ulan.



"Pssst. ppppssst."Luminga-linga si Donna.

" Si Dalton oh.." Nguso niya sa may likuran ko.


Pumihit ako para makita si Dalton, wow muntik na akong magpa-kain sa buong school nang makita ang bago niyang eskpresyon. Hindi niya suot ang lumang maskara o ngayon lang dahil tag-ulan, ay ewan ko. Napaka-bipolar yata ng taong ito!







"Tinawagan ako ni Tita, sumabay na kayo sa amin pauwi." Sabi niya, walang bahid ng kasungitan.

Napangiti ako at halos pumalakpak ako sa isipan ko, nagugustuhan ko ang pag-iiba ng ugali ni Dalton at sana lang ay hindi niya na ibalik ang kasungitan niya.

"Let's go." Mataray nitong utas pagkatapos ay iniwan ang payong na dala.


Napanganga ako, akala ko pa naman ay nagbago na ang isang iyon. Mukhang tinangay na ng hangin ang kabaitan ng mokong.





"Daig pa ang babaeng may kabuwanang dalaw." Asar kong utas sa lalaking naglalakad habang umuulan.




"Ayokong sabihin 'to ah, pero parang ganoon na nga." Singit naman ni Donnalyn.



Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon