Kabanata 29

321 10 0
                                    

Mabigat ang puso kong umalis ng bahay, ito ang unang pagkakataon na sinaway ko ang mga magulang ko. My mom is very gentle and kindhearted while my Dad is almost unknown when he's pissed and angry.











"Anong mali sa pagsusundo sayo ni Dalton?! Anong mali kung sinusunod ako?!" Pakiramdam ko kaunting pigil na lang ay magkakasakitan na kami. Kuyom ang mga kamao ni Papa habang si Mama naman ay nagpipigil sakanya.












Umiyak ako habang nakaluhod sa harapan nila. Sobra akong nasasaktan na ganito ang naging reaksyon ni Papa sa kahilingan ko.










"Papa, m-may sariling buhay po si Dalton. Hindi niya dapat ako inuuna." Sabi ko.









Mabibigat na hininga ang pinakawalan ni Papa, dinaluhan naman ako ni Mama at tinulungang makaupo nang maayos, kalaunan ay niyakap din ako.









"Hindi ikaw ang magdidikta niyan, Klariyah. Dalton is a good man. Hindi kita ipagkatiwala sakanya kung hindi!" Hindi ko na nakikita si Papa dahil sa yakap ni Mama pero ramdam ko na lumapit ito, naririnig ko ang yapak niya palapit sa amin.









Hinigpitan ko ang yakap kay Mama dahil na rin sa takot na masaktan.









"Pa, please. Tigilan niyo na po."hindi ko alam kung narinig ba iyon ni Papa.







" Tom, sige na, tama na. Pakinggan mo naman ang anak mo, hindi ka ba naawa? Nag-iisa mong anak, nagmamakaawa sayo!" Humigpit ang yakap ni Mama sa akin.







Aaminin ko, medyo gumaan ang pakiramdam ko nang magsalita si Mama. Hindi na nagsalita si Papa at kalaunan ay narinig ko ang mga yapak niyang palayo sa aming mag-ina.










Hinarap ako ni Mama, pilit na inangat ang mukha kong puno ng luha. Mas lalo lamang akong nasaktan nang makita si Mama na umiiyak rin.










"Patawarin mo ang Papa mo, anak." She cried. Nanginig ang labi ko, hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang umiyak.









Kaya ko naman iyon gawin, mapapatawad ko si Papa dahil Papa ko siya.








"He is just scared, our company is not stable anymore. Some of our investors had withdrawn their assets.  " napalunok ako.







Gaano ba kasama ang pagkalas ng investors? This is what I get, I never tried to learn anything from our company and hearing this statement from my Mom is making me completely incompetent. How could be the heir's of Dela Victoria knew nothing?









I knew some! First, my Dad is the co-owner of the worldwide leading shipping company, his assets is almost half of it's value! Second, he owns different commercial buildings around the city. Katulad ng mga Lazzaro he also owned some hotels, meron pa sa probinsya kaya nga lagi silang wala kasi ine-expand nila iyong nasa Samar!












Kaya bakit siya matatakot? Is it because I knew nothing? Dahil hindi ako interesado kaya gumagawa sila ng paraan para mapabuti ang hinaharap ko!









"Mama, I will study hard. Huwag lang po ganito." Pagmamakaawa ko.










Naalala ko si Kiko at Akira, they're getting married because of this. At hindi ko iyon hahayaan mangyari sa akin! Kaya hanggang maaga pa, hanggat hindi pa nila nakikita ang tsansa ay mas mabuti pang putulin ang ugnayan namin ni Dalton.









Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon