Kabanata 38

504 13 0
                                    

Nakahawak sa amin ni Kris si Dodoy nang lumabas kami ng kwarto. Tanging si Dorothy, Clarisse at Hannah ang naiwan sa loob.








"Ah, Kris, mauna na kayo sa lobby." Tumango naman ang kaibigan kong si Kris. Tumapat kami sa magkabilang lift, ako paakyat at sila naman ay pababa.





Naghihintay si Sir Christian sa kanila, hindi kasi pwedeng sumama sa amin si Dodoy dahil pang matatanda ang gimik namin. Hindi naman maganda na may bata kaming kasama habang naglalasing ang mga kaibigan ko. Sabay kaming pumasok nang tumunog ang elevator.  Kaagad naman akong nakarating kaya lumabas ako at nagmartsa palapit sa opisina ni Papa. Nadaanan ko ang function hall, wala ng katao-tao r'on at sarado na rin. Maagang natapos ang event at maaga ring magsisimula bukas kaya kailangan kong maghanda dahil isa ako sa guest speaker.







Hinalughog ko sa maliit kong bag ang itim na card, hindi ko iyon makita kaya nakasisiguro akong naiwan iyon sa loob. Ang opisina ng papa ko ay para sa trabaho pero anong ginawa ko sa nakalipas na araw? Mukhang binabahiran ko ng makamundo. Bumagsak ang balikat ko nang hindi nahanap ang card dahil hindi ako makapasok kung wala iyon, wala ring spares ang hotel n'on dahil exclusive lamang ang itim na card.










Nakikipagtalo pa ako sa sarili nang may humawak sa baywang ko. Naestatwa ako dahil sa hawak na iyon at nang maramdaman ko ang presensya niya sa likod ko ay napagtanto kong hindi pala ako nanaginip. Nakasuot na ako ng stilettos pero mas maliit pa rin ako kumpara sa laki niya at ramdam ko ang sintorin ng pantalon niya sa aking likod. Umamba akong gumalaw pero mas pinirmi niya ako at mas dinikit pa lalo sa katawan niya.










What the fuck is wrong with me?! Bakit parang may kuryenteng dumadaloy sa katawan ko?!








"Have you eaten your lunch?"
he asked casually.









Lumipas ang ilang segundo ay nanatili akong tahimik. Pakiramdam ko, sa oras na ibuka ko ang mga bibig ko ay kusa akong mabubuwal. Mabubuwal ako dahil sa kahinaan at takot din akong hindi makilala ang sariling boses. Pumikit ako at hinayang maramdaman ang presensya niya. Dati, takot akong may makakita sa amin at dati ay hindi niya ito nagagawa. Anong pinagkaiba ng nakaraan sa ngayon? bakit parang walang humahadlang? may humadlang ba sa amin n'on kung handa naman siyang humarap sa pamilya ko, kung handa naman siyang panagutanan ang namamagitan sa amin.











Tumango ako bilang sagot, tumikhim siya at akala ko ay iyayakap niya sa akin ang kanang braso pero nagkamali ako. Itinapat niya ang pamilyar na card, bumukas ang pinto, ilang segundo pa naming dinama ang malamig na hangin mula sa kwarto bago niya ako marahan na hinigit papasok. Ramdam ko ang init ng mukha ko, ang init n'on ay kumakalat sa buong katawan ko na para bang isang nakakamatay na virus. Nakakatakot na virus, kung hindi maagapan pwede kong ikatunaw.










Parang naapula ang kaunting init na naramdaman ko nang humiwalay siya sa akin, ang bakas ng pagpulupot ng kanang braso niya sa aking baywang ay nanlamig. Binagsak ko sa mga paa ko ang tingin dahil d'on, inaamin ko, nakaramdam ako ng lungkot. Hindi sapat sa akin ang gan'on, gusto ko lagi, bawat minuto nasa akin siya. Gusto kong maramdaman ang presensya niya. 










"You left your card here," basag niya sa katahimikan. Kinondisyon ko ang sarili bago nag-angat ng tingin sakanya.










Hawak niya na ngayon ang itim na card, nakahalukipkip siya at nakasandal nang bahagya sa babasaging lamesa ni Papa. Tumunog ang cellphone ko kaya naputol ang titig ko sa kanya, kaagad ko namang sinagot iyon nang makita si Christian ang tumawag.

Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon