Kabanata 21

356 9 0
                                    

Pinatong ko sa mesa ang dalawang braso bago ko dahan-dahang binagsak ang mukha nang paharap. Pagod na pagod ang katawan ko sa kakahabol ng mga requirements ko. Naririnig ko naman ang malalalim na buntong hininga ni Donna. Kahapon pa siya problemado dahil sa nangyari sakanila ni Paco.







Sinubukan kong pumikit, balak ko sanang maidlip muna pero itong kasama ko wala yatang balak patahimikin ang buhay ko.





"Aaarrrrg what the fuck? Alam mo iyon?!, mag m.u kami tapos malaman-laman ko na may nililigawan siyang iba?!." She groaned. Pagod akong bumaling sakanya, pumalumbaba sa mesa at napapapikit dahil sa pagod na nararamdaman.



Never kong naisip na mahuhulog siya kay Paco, o magkaraon sila ng mutual understanding. Dati-rati para silang aso't pusa kapag pinaglalapit. Bigla naman siyang tumahimik kaya kahit papaano ay nararamdaman ko ang pag-idlip.



Akala ko tumahimik siya dahil napagod na siya kakangawa pero hindi. Dumating si Dalton, Mark at Paco. Malungkot isipin na nalagasan kami ng kasama, I mean na hindi na namin nakasama si Lucas.



After the accident happened to me ay naaksidente rin si Lucas. Halos isang buwan ang tinagal sa hospital dahil kailangan bantayan ang progreso ng katawan. Hindi ko alam ang buong kwento, ang iilang alam ko ay nanggaling kay Donna. Siya rin nagkwento sa akin na nasa Germany ito at nagpatuloy ng pag-aaral doon.



" I'm so tired, I promise to myself, pagkatapos nito maga-out of town ako!." Si Donna.


Halos hindi ko makilala dahil kani-kanina lang ay para na siyang dragon sa galit at ngayon ay napaka-amo at bait ng boses. Napangisi ako, ganyan nga Donna.


We are not bestfriend for nothing. Dito tayo magaling, ang magpanggap!


"Saan ang punta natin Donna babe?!."umupo sa tabi ni Donna at umakbay.


Nag-aapoy sa galit ang aking kaibigan. Hindi ko na nasundan ang nangyari sa dalawa nang may naglapag ng tray ng pagkain sa harap ko. Ngumuso ako at tiningnan si Dalton.


It's almost two years since that incident. Hindi na nagbago ang trato niya sa akin at pakiramdam ko wala siyang balak baguhin. Feeling yata nito ay forever akong baldado.


"Let's eat." Anito bago madramang umupo sa tabi ko. Umubo ang mga nasa harapan namin kaya mabilis kong tinapunan ng masasamang tingin.


Huwag kamo sila magkamali ng iniisip!


Kumain ako nang matiwasay, ganoon din ang ginawa ng dalawa matapos makapag-order ng pagkain si Paco. We silently eat our own food, hindi na rin nagbangayan ang dalawa.


"Pare miss na miss ko si Lucas." Anang Paco.


Palabas na kami ng gymnasium at kakatapos lang ng aming rehearsal.


"I hope he's okay." Ang tanging naisagot ni Dalton.


Lumilipad naman ang isipan ko sa nakatambak na requirements. Akala noong mahirap na iyong ginawa ko noong high school, mas mahirap pa lang ganito ano pa kaya sa college?!


" He is, intindihin niyo na lang kung bakit hindi na kumontak. Sa lubha ng idinulot noong babae sakanya, ewan ko na lang kung makapag-girlfriend pa iyon ulit." May riing bigkas ni Donna.


Hindi ko siya masisisi kung bakit maging siya ay galit din sa babae. Maayos naman ang relasyon ng ilang buwan naming magsama.



Kung hindi siya guilty sa nangyari bakit hindi man lang siya nagpakita sa hospital, bakit wala siya? Bakit hindi siya nagparamdam. Lahat ng iyan ay pawang katanungan sa aming isipan.

Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon