Kabanata 3

541 14 4
                                    


Naghari ang katahimikan sa amin ni Dalton, bumigat ang nararamdaman ko habang nasa biyahe kami. Pakiramdam ko'y napakalayo ng biyahe gayong hindi naman gaano kalayo ang amin sa mall.







Padarag kong binuksan at sinarado ang pintuan ng sasakyan ni Dalton, narinig ko pa siyang humiyaw dahil sa ginawa ko pero binalewala ko iyon.




"Iyah, sandali."utas ni Dalton. Hindi pa ako nakakalayo sa kanyang sasakyan.




"Sorry.." Kumunot ang noo ko.




Pagkaraan ng ilang segundo, pagkatapos kong humugot ng hininga nagkaroon din ako ng lakas ng loob para harapin siya.

Lumipat kaagad sa aking mga mata ang kanyang titig, ngumisi ako dahil hindi ako sanay na makita siyang ganito, makita ang kanyang mga mata na puno ng emosyon. Sa tanang buhay ko, ngayon ko pa lamang nakita na may iba pa palang emosyon ang kanyang mga mata. Hindi katulad ng palagi kong nababasa sakanyang mga mata.






"Huh, LQ? nag-away ba kayo?." Napanganga ako nang may ibang boses na lumitaw. Napakurap-kurap ako, bigla kong nakalimutan ang nangyari at nakapagpokus na lamang sa lumitaw na boses ni Dexter.



Natigilan ako, ni hindi ko nakuhang tumingin sa gawi ni Dexter.



"Huwag niyong palipasin ang gabi na magka-away. Hindi 'yan healthy sa relationship." Anang Dexter. Para akong nabingi sa sinabi ni Dexter. Naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin.


Huli na ako nang mapagawi sakanya, nakapasok na siya sakanilang gate bago ko pa masagot ang tanong niya.




"Pasensya kana kay kuya, Iya----." hindi ko siya tinapos sa pagsasalita. Kumaripas ako ng takbo, padarag ko pang sinarado ang gate at nagbabaka sakaling maabutan ko si Dexter sa kabilang bakod.



Ngunit, huli na naman ako. Likod niya na lamang ang natanaw ko sa pagtungtong ko sa bakal na upuan.







Naging mailap ako kay Dalton pagkatapos ng nangyari, hindi dahil sa utos niyang magpanggap ako bilang Anna na siyang girlfriend kuno niya, kundi dahil kay Dexter.





Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko nakuhang sagutin ang mga tanong ni Dexter noong gabing iyon. Kung dahil ba sa kaba kaya umurong ang dila ko o dahil sa alam kong "nakakabatang kapatid" lamang ako para sakanya.





"Baby, pasuyo naman ako." Lumapit si mama sa sofa sa kung saan ako umuupo.


Hapon ng sabado ngayong araw, mainit ang panahon dahil papatak na ang summer season. Ibig sabihin niyon walang ng pasok at makapagbakasyon na rin.


"Ano po iyon, Ma?". Tanong ko sabay yakap sa mama kong pinagkaitan akong bigyan ng kapatid. Wala tuloy akong maasar dito sa bahay.


" Ang baby ko big girl na talaga, pwede kana magboyfriend baby ko."Niyakap din ako ni mama nang mahigpit.


"Nako Ma, wala nga po akong crush boyfriend pa kaya.?" Siguro kung kumidlat awtomatiko akong matatamaan sa pagsisinungaling ko.



"Weh? ang ganda-ganda ng baby ko walang boyfriend? Di nga?." Humiwalay ako kay Mama dahil sa sinabi niya. Hindi siya naniniwala na wala pa akong boyfriend.


"So okay lang po if magkaboyfriend ako? kahit 15 pa lang po ako?." kita mo tong mama ko, para na ako lalapain nang buhay noong sinabi ko iyon. Siya itong ginigiit na magboyfriend ako tapos ganito magiging reaksyon niya.

Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon