Kabanata 28

339 10 0
                                    

Mahigpit ang hawak ko sa manibela at mariin na inalala ang lahat ng turo sa akin. Ang clutch, gear at ang break!







"Sige try nating mag-park dito." My instructor said.








Humugot ako nang malalim na hininga bago sinunod ang huling pagsasanay para sa araw na ito. Dahan-dahan ang pagmaneho ko, takot na masagi ang ibang sasakyan at ang konkreto sa harap. Kaagad namang binawi ng instructor ko ang manibela. He maneuvers the wheel until he successfully parked the car.








"It's okay, you're almost there." Anito. Tumango naman ako at nagkalas ng seatbelt.









Nagpaalam ako kay Mr. Lim matapos ang isang sesyon ng pag-aaral para sa araw na ito. Halos araw-araw akong nandito, bukod sa linggo dahil day off ng instructor ko at family time na rin.









Hindi pa man din ako nakakalabas ng gusali nang may nag-park ng sasakyan sa harap ko. Kaagad akong sumimangot, alam ko na. Lagi naman ganito, hindi nga sila pumayag na siya magturo sa akin pero araw-araw naman ako sinusundo! Gusto ko tuloy madaliin ang pag-aaral. Hindi nagtagal ay lumabas ng sariling sasakyan si Dalton at pinagbuksan ako ng pinto. Bumuntong hininga ako at sinabing.








"Hindi mo naman kailangang gawin ito." Pabagsak akong umupo.








I don't want to be rude. Pero, kailangan ba lagi siyang nakasunod sa utos ng mga magulang ko? Hindi ba siya busy? Wala ba siyang ibang pinagkakaabalahan?!






"Okay lang, we'll visit the tailor's shop today and your cousins are already there." Sabi niya nang tuluyan ng nakapasok, he then started his car's engine.





Pinaglaruan ko na lang ang mga daliri ko, ngumuso ako bago hinimas ang brilyante ng aking sinsing.










It's been two weeks since we're engaged. Gusto ni Dexter na aminin sa pamilya ang relasyon namin, pero hindi ko sinang-ayunan. Hindi pa ako handa sa magiging reaksyon nila, hindi nila alam na may gusto ako kay Dexter and lalong hindi nila alam na gusto ako ni Dexter, na mahal niya ako. Ako na girlfriend at mapapangasawa ay hindi pa rin makapaniwala, sila pa kaya? I can't even imagine their reactions!








It's already half past two in the afternoon, and it's early in the morning in Germany. I just sent Dexter a good morning message before I entered the tailoring premises.










Lumapit kaagad si Donnalyn sa akin, inispatan naman ako ni Stacey, lumihis pa ang tingin sa lalaking nasa likod ko.








"Bruha, nag-post sa IG si Mira! Imbitado iyon?." Ipinakita niya rin sa akin ang kanyang cellphone.





Hinila ko naman siya sa gilid, hindi nag-iingat alam niyang nasa likod ko lang si Dalton.






"Malamang, sina Mama naman nag-asikaso. Basta sigurado akong 70 percent ng dadalo ay business partner ng parents namin." Noong nakaraan, idineklara ni Mama na sa hotel ng Lazzaro gaganapin ang kaarawan ko.






Eksklusibo ang araw na iyon, ang hotel ng mga Lazzaro. Hindi ko alam kung ganoon ba ako kamahal ng mga Lazzaro na nakuha pa nilang i-ekskusibo ang kaarawan ko. Buong araw gaganapin at lahat ng panauhin ay sa hotel din mamalagi. Siguro, sa dami ng kakilala at ng pamilya ay hindi na magkakasya sa 50th floor ng hotel.









Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon