Kabanata 11

417 9 0
                                    



Naging madalas ang palitan namin ng text messages ni Dexter, ngunit isang tipid na palitan ng mga mensahe. Para akong nakalutang sa mga ulap sa tuwing iniisip na may ganoong nangyayari sa aming dalawa.





Nitong umaga lang, bago pa man tawagin ang pangalan ko ay nakatanggap ako ng mensahe mula sakanya.


D:
Congratulations.




Hindi na makaila ang hatid na kilig ng simpleng text na iyon, kinikilig ako kahit wala naman siyang ibang kahulugan kung hindi bumati.






Kaliwa't kanan ang bumati nang dumating kami sa hotel na pagdarausan ng selebrasyon, kumpleto ang pamilya gayundin ang mga Lazzaro. Dumayo pa ang ilan dahil nasa karatig lugar. They even asked kung anong kukunin kong strand. Wala pa akong maisip, hindi na muna ako nagmadali dahil mas gusto kong namnamin ang bawat oras.





"Biruin ninyo, ang dating aso't pusa ay malalaki na ngayon." Si Mama, nasa isang parihabang lamesa ang pamilya.




Ang tinutukoy ay kami ni Dalton, normal lang sigurong pagtabihin kami sa upuan dahil kami ang celebrant kaya hindi na ako nagreklamo. Hindi ko lang gusto ko ang mga tinginan nila. Kung pagmasdan kami ni Dalton parang isang napakagandang tanawin, na para bang kaaya-aya kaming titigan na dalawa gayong salungat naman ang nararamdaman ko. Hindi ko gusto ang kaswal na pakikitungo ni Dalton sa pamilya, alam kong wala naman iyong kahulugan pero ayaw ko lang sa pakiramdam na may nag-iisang mata ang hindi kami kayang panoorin na nasa ganitong ayos.








Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya, may kinalukot sa kanyang cellphone bago nilapat sa kanyang tainga at walang pasabing lumisan sa silid. Bumagsak ang binuo kong saya nang makita siyang umalis.








Hindi ko rin alam kung bakit umaasa pa ako, kung bakit hindi ko tuluyan makalimutan si Dexter. Kung bakit ganoon lang kadali ibalik ang nararamdaman kahit pinapramdam niya naman sa akin na wala siyang nararamdaman sa akin, na kapatid lang turing niya, kung paano siya kay Dalton ay ganoon din siya sa akin. Kung bakit umaasa ako sa pasimpleng pagtugon niya sa messages ko.







Iyon ang tinanim ko sa isipan ko simula nang gabing iyon, hindi na rin siya bumalik sa selebrasyon, natapos at nagsiuwian na lang ang kamag-anak namin di pa rin siya bumabalik.
Sumama akong umuwi kina tito, ilang buwan ko ring hindi nakasama ang mga pinsan kaya pumayag ako kaagad nang imbitahan magbakasyon sakanila. Umuwi kaming probinsya, wala na rin akong balita sa kapitbahay ko simula ng gabing iyon.








"Huwag kang malikot, baka malaglag ka." Dumungaw ako sa teresa ng bahay. Nakita ko sa baba ang pinsan kong lalaki na may kasamang babae, hindi ko kilala ang babae.




"Hindi ako sabi magpapahatid!" Nagpupumiglas ang babae, Kumunot ang noo ko dahil hinawakan lang ng pinsan ko ang nakapulupot nitong kamay sa kanyang baywang gamit ang kaliwang kamay at pinaandar ang kanyang motorsiklo.




" A, ibinilin ka ni tita sa akin. Please sumunod kana lang. Ihahatid lang naman kita sainyo." Hindi na nagpumiglas ang babae, pinagbuksan sila ng gate bago tuluyang nawala sa paningin ko.





"Sinong tinitingnan mo riyan." Si Aria.



"Si Kiko, may kaalitan ata. Pero umalis na." Sabi ko, lumapit si Aria sa akin may nakasunod naman sakanyang kasambahay na may dalang tray. Inilapag nito ang meryenda na para sa dalawang tao.





Umupo si Aria sa harap ko, mataas ang gate ng bahay pero mas mataas naman ang teresa kaya kitang-kita pa rin namin ang bukirin, ang lupain na minana pa sa aming lolo.





Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon