Kabanata 23

333 9 0
                                    

Binalot ng katanungan ang isipan ko, kahit malayo na kami sa bahay ay tila naiwan pa roon ang isipan. Gusto kong maanigan nang mabuti ang lalaking nakatayo sa balkonahe. Hugis lalaki iyon, halata sa matitikas nitong katawan. Hindi man kita ang mukha dahil natatabunan ng kurtina ay sigurado naman akong iisang tao lamang iyon.






Si Dexter lang...







Umuwi na ba siya?! Is it for good? Handa na ba akong harapin siya? Anong sasabihin ko? Papayag ulit akong masaktan?!




"Ang lalim ng iniisip mo." Basag ni Dalton sa katahimikan na humari sa amin.



Binalingan ko ang stereo, nakuha niya iyon biglang isang hudyat kaya naman ay kinalikot niya ang playlist saka pumili ng kanta. Hindi gaano maingay ang tugtog, tama lang sa ambience ng kanyang sasakyan.




"Iniisip ko lang, baka kanina pa tayo hinaharap nila mama." Sagot ko kahit ang totoo nasa kanyang kuya ang buong diwa ko.


Alam kong sa sarili ko na galit ako sakanya. Galit na galit dahil sa maling desisyon ko, maling desisyon na bunsod ng hindi maintindihan na damdamin! Kaya ano na naman ba itong nararamdaman ko? Bakit pabago-bago ako ng nararamdaman?!



Paano nga naman ako makawala sa damdamin ko para sakanya? Kung gayong buong buhay ko ay inilaan lamang sakanya. Paano ko malalaman kung hindi ko subukang kalimutan?!





Sinubukan ko naman talaga, sa dami ng  dahilan upang magalit at mawalan ng nararamdaman sakanya ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit kumakapit ako sa letseng nararamdaman ng puso!



" I already texted them, you don't have to worry. Alam nilang kasama kita." He assured me as he drive his car to the basement of their hotel.



When he successfully parked his car, he immediately went out. Gayon din ang ginawa ko at hindi na siya hinintay pang pagbuksan ako ng pinto. Bumuntong hininga siya nang makita akong lumabas nang mag-isa, he then pouts his lips as we walk towards the lift. He pressed the button and we remained silent for awhile until it make sounds an indication that we are on the exact floor.



Halos maestatwa ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Nanlalamig ako sa hindi malamang dahilan, hindi pa man nakakabawi sa biglaan niyang hawak ay kusa namang nagpatianod ang sarili sa kanyang hila. Natanto kong nasa venue kami ng party binalot ng ingay at palakpakan ang bulwagan. Pakiramdam ko maputla ako sa panahong ito, tila ba takot na takot sa reaksyon ng mga tao, ng pamilya ko.



Pasimple kong hinila ang sariling kamay, pero mas lalo lamang hinigpitan ang hawak ni Dalton sa akin. Wala na akong kawala kaya muli na naman akong nahila sa kung saan. Bagsak ang balikat ko, sumuko na ako sa pagpupumiglas dahil halatang talo ako sa araw na ito.




"Congratulations mga anak, I never thought you'll grow up this good. Tama lang ang desisyon namin para sa kinabukasan niyo." Tita Samantha,  Dalton's mom.



She kissed me, and I kissed her back. My parents are just behind them. Nasa iisang table sila at pare-parehong tumayo nang dumalo si Dalton sakanila na hawak ako.



Everything feels surreal.




Tila nagkakaisa ang lahat upang ipagdiwang ang araw na ito. Masayang-masaya ako dahil sa achievements ko at wala na yatang mas iba pang mas sasaya kapag nakikita ko ang mga mata at ngiti ng aking mga magulang.



Dati, lagi kong hinihiling na magkaroon ng kapatid pero sa natutunghayan ko ngayon, naiisip ko na may kagandahan din pa lang dulot ang only child. I will always ask for my parents attention, I will be selfish for them, I will do anything for them.





Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon