Kabanata 15

375 9 0
                                    


Hindi ako nakasagot, nabitin sa ere ang pamamaalam ko at tila bang naubusan na ako ng tinig. Ang tanging  nangingibabaw sa akin ngayon ay ang pintig ng puso, sobrang lakas parang gusto na nitong kumawala sa hawla.



"Are you going to answer me or not, cause I don't have a magic to locate you exactly, baby."anito sa mababang boses.



Hindi ako makahinga, parang konting pigil ko na lang malalagutan na ako.



What's this? Am I dreaming? Lasing pa rin ba ako?



Sa mahinang boses, sa tinig na nalagutan ng hininga ay nasagot ko siya. Hindi ko alam kung naiintindihan niya iyon, hindi pa ako nakakabawi sa nangyayari. Lumilipad ang isipan ko sa maraming bagay, kung tunay ba iyon o isa lamang sa guni-guning meron ako.



Hindi ko nakumpirma kung sino ang kausap, hindi nagpakilala subalit alam na kaagad ng puso ko kung sino iyon. Sa nanginginig na kamay, mabilis akong lumapit sa isang stall. Bumili ng inumin nang mahimasmasan, at kahit anong laklak ko hindi pa rin nagsi-sink in ang nangyari. Panay rin ang sulyap ko sa cellphone, nag-aabang na may pumasok na mensahe. Hindi ko nasabi sakanya kung na saan talaga ako, kaya napagpasyahan kong lumabas at hintayin siya roon.



Saan nga ba ako maghihintay? Hindi ko alam.



Walang kasiguraduhan kung magkikita kami sa harap ng mall at gayundin naman sa parking lot, hindi ko alam kung madali bang mahanap ang isang tulad ko na tila nawawala. Nawala sa sariling diwa dahil sa klase-klaseng nararamdaman.


Torn between waiting in front of the mall or waiting at the parking space, sa huli pinili kong manatili sa loob ng mall. Sa unang palapag, malapit sa entrance nang sa ganon pagpasok niya ako kaagad ang makita niya.


It took time, I waited long just to found out na magkasama sila ni Entice. Sabay silang pumasok sa entrance, nagtagpo agad ang mga mata namin na para bang ako talaga ang hinahanap ng mata niya. Parang gusto kong tumakbo, hindi ko alam kung bakit tila gumuho ang damdamin ko. Nagpanic ako, mabilis akong tumayo at tumalikod. Alam kong nakasunod ang titig niya sa akin, siguro naman ay maiwala ko siya lalo na magkasama sila ng girlfriend niya.


Dire-diretso ang lakad ko, hindi alam kung saan patungo, kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Nagkunwari pa akong may tinatawagan pero ang totoo wala. Sumiksik ako sa dagat ng tao, may mall show at ng isang sikat na vlogger. Sa kagustuhang makawala kay Entice at Dexter ay nakipagsiksikan ako sakanila hanggang sa nasa gitna na ako ng mga naghihiyaw na madla.


Nagtiim bagang ako, bakit ako napunta sa lugar na ito? Wala sa sarili akong nakisabay sa lahat, ni hindi ko mawari kung anong dahilan ng hiyawan nila. Nabasa ko ang nakapaskil sa harap, kanina pang ala una nagsimula ang mall show at matatapos naman nang alas singko. Sinilip ko ang suot na relo, ilang minuto na lang din ay magtatapos na ang mall show, saka na rin ako uuwi nang mag-isa.

Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon