Kabanata 36

408 12 0
                                    

Bumalik ako sa bahay dala ang sariling sasakyan, sa hotel kasi dumiretso si Dexter pero hindi na ako sumunod sakanya. Pakiramdam ko nababasa niya ang isipan ko, pakiramdam ko sa bawat kilos ko ay lagi siyang nakaabang. Parang may dumagan na malaking bagay sa dibdib ko, hindi ako makahinga nang mabuti at hindi na rin ako mapakali. Alam ko ang mangyayari, magdi-dinner kami nang sabay, kasama ang pamilyang Lazzaro.













Tama nga ang hinala ko dahil pagkarating ko sa bahay ay sinalubong sa akin ang pagpunta sa hotel para maghapunan. Tumawag ako gamit ang telepono ng bahay, sinagot naman ng customer service, mabilis kong sinabi ang sadya at kaagad akong kinonekta sa ibang linya.













Si Mama ang bumungad, mukhang nagkakatuwaan sila base na rin sa halakhak ng nasa paligid. Nabosesan ko si Tita Amelia, si Stacey at Dalton.










"Yes, anak. Pumunta kana rito nang makapaghapunan tayo," bungad na salita ni Mama. Bumuntong hininga ako.







Madali namang umiwas, madaling mag-isip ng dahilan pero bakit nga ba? Dahil nand'yan siya? Paano kung wala?













"Sorry po, Mama. May tatapusin akong project," sabay-sabay na nagsinghapan ang nasa kabilang linya. Ano? Naririnig nila ako? O dahil sa reaksyon ni Mama???!















Hindi na ako pinilit ni Mama pero nagbilin siyang magpapahatid ng dinner para sa akin. Hindi nga raw nasabihan si Ate dahil sa hotel nga kami magdi-dinner at dahil may sarili akong dahilan kaya ganito ang nangyari. Sinang-ayunan ko iyon, nagbilin ako kay ate Susan na huwag ng magluto ng dinner dahil may ipapadala rito. Ilang minuto pa akong tumunganga sa kwarto ko, dinungaw at pinagmasdan ang madilim na kalangitan. Walang mga bituin at kapag ganito ang kalangitan tiyak na magbabad'ya ang ulan.















Sanay akong matulog nang bukas ang bintana ng kwarto sa kanang bahagi, kung saan kita ang likurang parte ng bahay. Pinalibutan lang naman ng puno at bulaklak, kaya sariwa ang hanging tumatagos sa kurtina ng aking bintana. Tumunog ang intercom sa aking kwarto, nagsalita si ate Susan kaya lumapit ako r'on upang tuguan.












"I'll just take a bath, ate, and you don't have to wait for me po." Sumagot din si ate, pinindot ko ang off button n'on bago tinungo ang banyo.














Hanggang kailan kong balak maglihim? Hanggang kailan ko ilihim ang nararamdaman ko? May pag-asa pa ba kung ngayon ko sasabihin? May posibilidad bang ako pa rin makalipas ng ilang taon? My feelings grew more after years of neglecting them, seeing him for the first time after years is beyond my imagination. Inaamin ko, makalipas ang ilang araw ng nangyari sa amin ay paulit-ulit iyon sa isipan ko, na kahit sarili kong puso ay hindi kayang magdesisyon nang tama, laging baliko, laging sakanya kahit na hindi sang-ayon ang isipan ko r'on.












Sa huli, kahit mas malakas ang sigaw ng puso ko ay mas pinairil ko pa rin ang isipan. Pinairal ko ang tama, pinairal ko ang sa tingin kong makakabuti para sakanya. Kahit hindi okay sa akin, kahit labag sa damdamin ko.












Nakatulugan ko ang pag-iisip, naalimpungatan lang ako sa katok na nanggagaling sa pinto ng banyo. Masyado kong nilunod ang sarili sa pagbabaliktanaw. Umahon ako mula sa bathtub, sinuot ang roba bago ko inihipan ang lavender scent candle.













"Ate Susan?" tawag ko sa pangalan ng kasama sa bahay. Nag-alala siguro siya dahil anong oras na rin at hindi pa ako naghahapunan.










Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon