Kabanata 8

377 12 0
                                    




Para akong lutang habang sumasabay sa ritmo, ni hindi ko matitigan ang kaharap. Hindi ko kayang tumitig nang matagal sa mga mata nitong tulad ng dati ay parang may hinanakit sa akin.






Napapikit ako ng pinaikot niya, at pagdilat ay nasa mga bisig niya pa rin.






"Kinakabahan ka." Hindi isang tanong kundi isang pahayag na napansin sa akin.





"Kukunin kita ulit." Aniya bago ako pinaikot muli at sa pagpihit ay iba na ang kaharap ko. Saka lamang ako natauhan.



Pakshit, Dalton!








Sumayaw kami ng kapares na grade 9, nakapabilong ang mananayaw. Ang mga babae sa loob ng bilog at mga lalaki naman ang nagmistulang pader. Tinaas ng partner ko ang kamay ko at sunod sa ritmo akong umikot at napunta ulit sa ibang lalaki, nginitian ko si Antonio. Sumilay kaagad ang pares na dimple nito sa makabilang pisngi, sakanilang apat siya itong pinakamabait sa lahat sunod kay Paco na puro kalakohan.






"Dumadamoves ang Pare namin, may pag-asa ba.?" Tanong ni Antonio sa pagitan ng mga paa naming malayang nakikisabay sa indayog.








"H-huh?." Naiwan sa ere ang tanong kong iyon nang muli na naman akong pinaikot at balik sa unang pares.




Pinilit ko pang intindihin, binigyan lamang ako ni Antonio ng bagay na gugulo sa aking isipan. Malamig na palad ang humaplos sa aking kamay, sinikop niya ang mga kamay ko at dahan-dahang nilagay sa kanyang mga balikat. Awtomatiko ko namang niyakap ang mga iyon sa kanyang leeg, isa sa mga bahagi ng sayaw namin. Ang mga kamay niya ay humahaplos sa baywang ko, nanigas ako sa bawat haplos niya sa akin. Gusto kong tumigil sa pagsasayaw, gusto kong huminto.




"Wow our dancers nailed their performance, partner." May nagsalita sa background.



"Indeed partner."




Napalitan na ang musika, tanda na nagtapos na ang aming sayaw. Nagmartsa ako nang walang nililingon na kasayaw, kung hindi lang ako naabutan ni Donna baka magtuloy-tuloy ako sa entrance at hanapin ang dalawang kasama para makapagbihis.




"Gusto sana kitang samahan kaso magpapalit din ako eh." Sabi niya, tumango lamang ako.






"Don't worry natext ko na sila. Magkita na lang tayo later, kay?." Saka kami naghiwalay na dalawa.







Ang sabi nasa labas sila, pero pagkalabas ko wala akong makita. Sumandal ako para du masyadong masaktan ang mga paa.





"Ma'am pasensya na po, nahirapan kaming hanapin si Sir." Nagkukumahog lumapit sa akin ang kasambahay na may dala-dalang dress. Tumango lamang ako at sinenyasan silang sumunod sa akin.








Dire-diretso ang lakad ko sa nakitang comfort room kanina, madilim ang paligid at ang tanging naiilawan ay ang stage. Pagkapasok ay kaagad ng nilock ng make up artist ang pinto, tinulungan naman akong magbihis nito.





"Nako Ma'am nagmukha kayong si Cinderella" puri ng kasamang kasambahay.







Suot ko na ngayon ang Ball gown, kumikinang ang beads nito. Ni retouch na rin ako ng make-up artist at nang matapos ay nagpaalam silang mauuna na.





"Ano ba, nasa paligid lang ako. Babalik na rin sa upuan." Sabi ko sa tumawag na kaibigan. Nagmartsa, tumutungo sa tuwing may nasasaging panauhin. Ang bukadkad ng aking dress ay tumatama sa bawat na dadaanan.

Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon