Kabanata 25

373 9 0
                                    

Marami pa kaming pinag-usapan kagaya na lamang ng bakasyon at ang eighteenth birthday ko. Napaka-ipokrita ko kung sasabihin kong hindi ako excited! I am very much excited. Marami akong plano para sa kaarawan ko.









Sumunod ako sa mga pinsan ko nang bumaba sila ng sasakyan. Mahigpit ang hawak ko sa aking bag habang nagpatianod kay Ceilo. Naunang maglakad ang pinsan kong si Marco na akala mo nanghahamon ng away sa porma, nakahalukipkip pa ito at preskong-presko sa pakiramdam, bahagya pa nitong sinuklay ang buhok.









I never seen a guy like him!








Inalala ko si Mark na walang ibang ginawa kung hindi magsunog ng kilay. Si Paco na pilyo at pa-cute lang! Si Dalton na dating masungit ay naging malambing! Si Lucas, pogi iyon at malakas din ang dating pero hindi katulad nitong Marco na presko sa sarili at iyong isa ko pang unggoy na pinsan na si Kyle.







Paano naman si Dexter?! 







Si Stacey naman ay nagmistulang kandidata sa patimpalak ng mga magaganda. Package deal ang pinsan kong ito, may pagka-bitch nga lang ang ugali. Minsan hindi ko alam kung mabait ba siya sa akin o nagpapakitang tao lang. Habang si Cielo na nakaalalay sa akin ay neutral lang. Siya iyong tipong walang pake sa mundo pero maraming alam.









Pumasok kami sa isang gusali, hindi naman siya mukhang bar at sobrang tahimik ng lugar. Nagtaka ako nang pumasok kami sa isang restaurant, magaan sa pakiramdam at bumagay naman ang suot ko sa temang meron ito. Uupo na sana ako nang hilain ulit ako ni Ciello.








"Hindi pa tayo nakakarating." Bulong niya. Halos mapakamot ako sa ulo, akala ko iyon na iyon!







Sumunod lang kami kay Marco na nangunguna at Stacey na agaw pansin sa suot na sheer fitted dress, hindi ko iyon napansin kanina pero ngayon kitang-kita ko na ang balat niya!

Oh gosh!

Natigil ang pagsusuri ko sa suot ni Stacey nang binuksan ng isang lalaki ang pinto. Kung titingnan mo sa labas ay para ka lang papasok sa isang banyo!





Ginawa kong panangga sa sensitibong mata ang mga palad ko dahil masyadong maliwanag at iba't iba ang mga kulay ng ilaw sa loob ng silid. Wala na akong time pang suriin ito nang halos maggitgitan na ang mga katawan namin ng mga dumaraan.


Shit!


"Huwag ka ngang kabahan, napaghahalataan kang first time eh!." Bulyaw sa akin ni Stacey. Nagulantang ang diwa ko, nanlalaki ang mata nang humithit ito ng sigarilyo sa harap ko.




Tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sofa! Mabuti na lang nakailag ako sa table kung hindi magkaka-injury pa yata ako sa kalokohan nilang ito!



" Umamin ka nga? First time mo bang uminom?." Tanong nito matapos bumuga. 


Umiling ako, dahil ang unang beses ko ay noong sixteen ako!



"Huwag mo ngang lasingin iyan, lagot ka kay Tito! Unica Hija niya iyan!." Banta ni Ciello na preskong umopo sa tabi ko. 


Naka-skirt din naman ako pero hindi kagaya ng suot niya na lumilihis at halos kita ko na ang tinatago niya! Marahan kong hinila ang palda niya, tinampal naman nito ang kamay ko.


"No, that's a big no no. Pang-akit 'to, kaya hayaan mo na iyan." Anito, tinutukoy ang paldang umaangat hanggang singit!


Hawak ang isang bote ng rum. Napalunok ako nang may bote rin ng alak sa aking harapan. 



Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon