Kabanata 9

374 8 0
                                    


"H-hindi na ako sasabay sa inyo, uuwi na ako." Hindi sumagot ang kabilang linya. Pinahid ko ang luha at bahagyang tumingala.






"Pakisabi po sakanila na puntahan ako, nasa..." natigil ako dahil hindi ko alam kung na saan ako, naghanap ako ng maaaring sasabihin sa katawag.





Hindi ko na nadugtungan dahil siya na mismo ang nasa harap ko, hawks ang sash na tinapon ko kanina.  Umupo siya ay pinantayan ako, tiningnan ko ang cellphone ko bago siya binalingan. Humikbi muli ako dahil sa naalala.


Kunot ang noo niya, pinulot ang sandal ko gamit ang kaliwang kamay.



"What happened?." Mas lalo tuloy akong naiyak sa boses niyang malalim. Para akong na-bobo dahil hindi ko maintindihan kung para saan ang bagong luha.






"Shsss, stop crying. Hush." Bahagya siyang lumapit sa akin, naging hudyat iyon upang manghina ang katawan ko. Kung hindi siya nakahawak sa likod ko ay baka nakahiga na ako ngayon sa malamig na simento.




Napapikit ako nang maramdaman ko ang mainit niyang palad na dumampi sa aking pisngi. Marahang pinalis ang luha, hindi iyon matigil sa kakapatak lalo na nang sinikop niya ako at binuhat. Mas lalong nadepina ang hikbi ko, para akong bata sa kanyang bisig. Nilamon ng pagtangis ko ang lamig ng gabi sa ilalim ng kanyang bisig.



Ngumuso ako habang kinakapa ang susi sa kanang bulsa niya gamit ang kanang kamay ko habang buhat-buhat niya pa rin ako. Tinigil ko ang pag-iyak dahil nakakahiya, nakaabala pa ako sakanya.



"Click it." Utos niya nang pinakita ko ang susi, tumunog ang sasakyan. Mabilis niyang binuksan ang passenger seat.




Dinapuan ako nang kaba, baka nasa loob ng sasakyan ang dalawa kong kasama. Pero wala akong nakita nang ibaba niya ako sa upuan, nakaharap ako sakanya habang siya ay nasa labas hawak ang pinto. Tumungo ako dahil sa kahihiyan, hawak niya pa rin ang sash at sandal ko. Halos niya magkasya ang suot ko rito sa passenger seat, nakalawit pa ang sobra at tumatama iyon kay Dexter.



"Bakit ka umiiyak? Hmm." Tanong niya. Nakatungo pa rin ako, nangangapa ng isasagot sa kuya ng kumag na iyon.





Paano ko ba sasabihin na si Dalton ang dahilan, si Dalton at si Mira na kapatid ng nobya niya. Papanig ba ito sa akin? Kung ang dalawang taong malapit sakanya ang sanhi ng pag-iyak ko, hindi ko alam at wala akong planong alamin. Pakiramdam ko madudurog lang ako kung sakali.





Hindi ko siya sinagot.

"Na saan nga pala sila? uuwi na kami." Tanong ko, malat ang boses. Kung gaano karami ang luha ko gayundin katuyot ang lalamunan ko.




"Inuwi ko na." Simple niyang sagot. Hindi pa rin ako makatingin sakanya.




Nabunutan ako ng tinik nang umalis siya sa harap ko, mabilis ko naman inayos ang sarili. Ni hindi ko na alam kung anong itsura ko ngayon. Natigil lamang ako nang bumalik siya, iniwan lang pala ang bitbit sa likod at ngayon ay may hawak ng bottled water. Inilahad niya iyon sa akin, tumango ako at umamba ng kukunin nang hindi niya iyon ibinigay. Siya na mismo ang nagbukas bago inilapit sa aking bibig.




Shit!


"A-Ako na." Sabi ko sabay iwas ng sarili sa bote. Bumuntong hininga siya bago binigay sa akin.




Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon