Kabanata 5

518 12 0
                                    

Lutang ako sa hindi malamang dahilan, bigla-bigla ring nagbago ang nararamdaman ko. Mula sa mainit unti-unting nanlamig.

Kumaripas ako ng takbo matapos magpaalam sa trainor namin, narinig ko namang nagpaalam din si Donna at sumunod sa akin.

"Iyah! Saglit lang." Sigaw nito pero hindi ako nagpapigil at nagpatuloy sa pagtakbo.

Hiningal ako nang nakalayo na sa gymnasium. Nasa quadrangle na ako ng aming paaralan, hingal din akong hinawakan ni Donna sa balikat upang pigilan.

"Ha-Ha. Easy ka lang" hindi niya maayos ang kanyang sasabihin gawa ng matinding paghinga.

"Letcheng Dalton! Pinapahiya yata ako." Kulang na lamang ay tirisin ko si Dalton sa inis ko sakanya.


Nakabawi na ako mula sa nangyaring pilian ng pares, walang umangal dahil kagaya ni Paco kung sino man ang naunang pipili ng kanyang kapareha ay papaunlakan. At ang pipiliin ko sanang kapareha ay naging kapares ni Mira.


Though, I don't give a damn care kahit sino pa ang maging kapareha ko. Kung hindi lang ako galit kay Dalton dahil sa pagsusungit niya ng walang dahilan baka hindi rin ako magwo-walk out nang ganoon. Pakiramdam ko kasi gusto niya akong pahiyain. Kaya bago niya ako mapahiya ay uunahan ko na siya.

" May plano ako." Bulalas ko habang matalim an tingin sa malayo, ang hinlalaki nasa baba at ang hintuturo ay nasa pisngi habang marahan na hinahaplos sa aking balat.


"Ano naman? Ditching Dalton on our prom night?." Gulong tanong niya sa akin. Napatingin ako sakanya, umawang ang bibig ko dahil kahit papaano ay maganda ang naisip niyang paraan.

"Ditching him will make me a bad person, destroying the so called escort's dreamy prom night. Ang plan ko ay, hmm makipagpalitan ng kapareha." Sa ganoong paraan masasalba ko ang sarili sa anumang kahihiyan na kahaharapin ko.

"Huh? Paano mo gagawin iyon? Makipagpalitan ka Mira?" May punta naman siya, pero hindi ako makikipagpalitan Mira. If so, baka mabulilyaso pa ako.

"Hindi, hindi kay Mira. Maghahanap tayo ng mapagkatiwalaan." Kumunot ang noo ng kaibigan ko. Ngumisi ako, speaking of Mira.



Kakalabas niya lang ng Gymnasium, nakaleggings siya at perpekto itong nakahapit sa kanyang hita. Ang sexy niyang tingnan sa pares na suot crop top.


"So you mean, hindi natin siya mapagkatiwalaan?" Makahulugan nitong tanong habang diretso rin ang tingin sa babaeng sinalo ang lahat ng kagandahan.


Look at her, just like her ate. She's beautiful, May perpektong katawan, manipis at makurba. Maputi, may natural na kulay rosas na labi. Hindi nga lang singkit kagaya ng kanyang ate.

Bukod sa close sila ni Dalton, isa rin sa dahilan kung bakit ayoko sakanya ay dahil ate niya ang girlfriend ni.. tsk, nevermind.


"So paano, uuwi na ako. Bukas na lang ulit." Bumaling ako kay Donna nang makita isa-isa nang nagsilabasan ang mga dadalo sa prom.

Ngumuso ang katabi ko, alam kong may usapan kami ngayong hapon pero dahil sa nangyari kanina ay nawalan na ako ng gana.


"Bukas na lang, after lunch." Wala na siyang nagawa kundi sumunod. Tiningnan niya lamang ang kuko bago ako sinabayan sa paglalakad.


Hindi na kami bumalik ni Donna sa practice, sabado ngayon at buong araw ang practice. Sa katunayan wala pang naganap na sayaw, pagpapares pa lamang sa cotillion at sa entrance ang naganap.



Secretly Loving Mr. Lazzaro (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon