#ChapterOne
Glaiza's PovMula sa labas ng salamin ng sasakyan ay kitang kita ko ang mga naglalakihang bahay dito sa Differe Subdivision.
Nang makarating na ako sa tapat na pamilyar na bahay ay agad kong nihinto ang sasakyan, nakilala agad ako ng guard kaya agad niya namang binuksan ang gate. Pumasok ako sa loob ng bahay pagkatapos kong mag park ng sasakyan don sa garahe nila.Kita ko kong gaano kaganda ang loob ng bahay. Malinis at kumikinang kinang pa ang sahig halatang pinagpagurang linisin ng mga kasambahay."ATEEEEEE" sigaw ko ng makita ko ang isang pigura ng babae na nakatalikod sa direksyon ko. Hindi paman ito nakaharap ay alam kona, na siya ang ate ko. Lumingon naman siya sa akin at kita ko ang expression ng mukha niya, lumaki ang mata at bakas ang hindi parin maka paniwala na nandirito na ako, na naka uwi na ako sa pilipinas.
"Ate Glaira miss na miss na kita'' sabay sakap ko sa kanya, akala ko di niya ako yayakapin pero ganun nalang ang tuwa ko ng yakapin niya ako pabalik. Siguro na process na sa utak niya ang lahat na nandito na talaga ako sa harapan niya.
Humiwalay naman siya agad sakin at walang pasabing kinurot ako sa tagiliran, ngumiwi naman ako "Ikaw bata ka bakit hindi mo sinabi sa'kin na uuwi ka na pala ngayon, edi sana nasundo kita sa airport" natatawang lumayo naman ako sa kanya para iwasan ang susunod na kurot na mag la-landing na naman sa tagiliran ko. Fuckshit ang sakit huhu.
"Chill ka lang ate" iniharang ko pa ang dalawa kong kamay bilang shield ko ''Hindi mo na naman agad sinabi sakin na miss na miss mona pala ako" pang aasar ko sa kanya sabay taas-baba ng dalawang kilay ko.
"Tse. At sinong nag sabi sayo na na-miss kita aberr" pumamewang pa siya sa harap ko habang mataray na nakataas ang kilay. Di naman bagay.
"Ako? bakit ate may nakita kapa bang ibang taong kausap mo bukod sa akin" lumilinga linga pa ako sa paligid kunwari may hinahanap.
"Wala naman. Ikaw ba may nakita ka?" simpleng sagot niya
"Syempre wala, kaya nga ikaw ang tinatanong ko diba?"
"Yun wala naman pala eh. So bakit kapa naghahanap ng iba, eh alam mo naman na tayo lang dalawa ang nag uusap dito sa living room" pabiro niya pa akong inirapan at ginawa niya talagang soplada ang mukha niya. Pero kita ko naman ang pa sekreto niyang ngiti, na namimiss ko sa loob ng limang taon na hindi ko siya nakasama sa personal, through social media lang kasi kami nag uusap at nag kwe-kwentohan about sa mga personal naming mga routine o kong anong ginagawa namin ngayong araw. Yon na lang kasi ang way para maka pag communicate palagi sinula nong nag stay ako sa london to pursued my carrer in modelling, my dream.
Tinawanan ko naman siya "Halika ate may pasalubong ako sayo, at 100% sure akong magugusto mo'to or should I say magugustohan ng husband mo panigurado, hihihi" humahagikhik pakong ginaya siya sa sofa bago ko hilain ang isa sa dala kong maleta kanina na naglalaman ng pasalubong ko para sa mga love ones ko dito.
"Ano naman yang pasalubong mong yan Glai at parang excited ka yatang ipakita sa'kin? tsk tsk baka kalokohan na naman yan, wag mo lang akong subukan kundi baka lumipad ka papuntang mars" sulubong ang kilay na aniya pero bakas parin ang pagdududa sa boses.
''Tss kalokohan ka jan. Pag ito nagustohan ng asawa mo who you ka na lang sakin ate Glaira" pilit ko pang sineryoso ang boses at mukha ko para hindi talaga niya ako ma hindian, kahit sa kaloob-looban ko ay excited na excited na akong makita ang reaction niya hahaha.
"Sige nga ano ba yang pasalubong mo?'' kyuryoso niyang tanong. Yong mukha niya ay parang di na makapag hintay na malaman kong ano yung tinutukoy kong pasalubong.
''So ito na nga. Tadaaaaa'' winawagay way ko pa ang hawak kong sexy lingerine na kulay red.
" ___ " limang minuto na ang nag daan ay wala paring response si ate malamang sa alamang siguro na super shock siya. Yinogyog ko pa ang balikat niya para wala na talaga siyang kibo, pero ang kinaka gulat ko na lang ay biglang nalang siyang hinimatay. Tinago ko nalang ang lingerine mahirap na baka matuluyan hehe, pero syempre di ko yon hahayaang mangyari love na love ko kaya ang ate ko kahit pa mapag kunwari siya na mataray.

YOU ARE READING
MISTRESS
Romance𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑚𝑜𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖, 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑚𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑎. 𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑏𝑎𝑔𝑜 �...