Chapter 9

1.4K 5 0
                                    

#ChapterNine
Glaiza's Pov

Nong hapong yon ay tuluyan na akong na dis-charge sa hospital. Todo alalay pa nga sa'kin si ate pati na rin si Jhoven. Nagpapasalamat naman ako ng dahil 'ron dahil hindi nila ako pinabayaan sa panahon ng kahinaan ko.

At ngayon nandito ako sa sala nanonood ng Tom & Jerry hindi ko nga alam kong bakit sa tuwing naghahabolan si Tom at Jerry ay iiyak na lang ako bigla kahit wala naman talagang nakakaiyak sa palabas na'yon. Ganito ba talaga kalala ang mag buntis?kahit ang mga bagay na hindi mo gusto noon ay yon ang hinahanap at pinaglilihan mo ngayon. Tss,weird.

Todo punas naman ako sa mga luha ko habang nanood ng cartoon,kahit anong pigil ko ay hindi talaga gumagana. Dinampot ko yong chips na nasa bowl at akmang isusubo ng biglang may tumampal sa kamay ko kaya nahulog yon sa carpet.



"What's wrong with you?" malakas na sabi ko saka tumingala para makita kong sinong tumampal sa kamay ko.

"What's wrong with me? Tingnan mo nga kong ano yang kinakain mo, chips lang naman Glai, chips lang. Alam mo bang makasama yang mga junkfoods sa mga anak mo" galit na turan ni ate.

''Eh ano pa ba ang magagawa ko ate? Ito yung gusto kong kainin eh. Cravings ko 'to kaya kong pwede lang wag mo akong pakialaman." inis na turan ko tsaka padabog na tumayo sa sofa "Palibhasa kasi hindi mo alam yong pakiramdam ng mag buntis" bulong ko pa, bahala na kong marinig niya man o hindi.

"Aba!! Glai tama ka hindi ko alam kong ano ang pakiramdam niyong mga buntis dahil BAOG AKOOO MASAYA KANA" nangingilid na luhang sabi ni ate Glaira. "Concern lang naman ako sa pamangkin ko, kaya please alagaan mo naman sila" nakikiusap na dugtong ni ate.

"So, ang labas ngayon ay ako pa ang gumagawa ng masama ate." sabay turo ko sa sarili ko "Kong maka dekta ka kala mo naman hindi ko inaalagaan ang anak ko..Sa bagay hindi ka pala naging isang ina, kaya wala kang alam." nakangising ani ko. Kaya nakatanggap naman ako ng sampal sa kanya. Hinde naman ako makapaniwala habang hinawakan ang pisnge kong sinampal niya.

"Tama ka Glai, hindi ako magiging isang ina kaya nga pinagsabihan kita eh. Kong alam mo lang kong gaano ka'ka swerte, kasi ako matagal ko ng pangarap yan. Matagal ko ng pangarap na maging isang ina, kaya Glai alagaan mo naman ang sarili mo, hindi lang para sayo ang katawan na yan para din yan sa mga anak mo na nasa sinapupunan mo." umiiyak na turan niya. Don lang ako nahimasmasan sa mga nangyari, ako ang may kasalanan kaya umaabot sa ganito ang lahat. Gusto lang naman ni ate ang makakabuti sa mga anak ko, tapos ako namang makasarili ay minasama pa ang kabutihang pinakita niya.

"Pasensya na ate Glaira. Hindi ko sinasadyang saktan ka dahil hindi ko na maintindihan ang sarili kong emosyon kahit ako pa man ay hindi ko maintindihan ang sarili ko kaya please pag pasenyahan mo na ako ate'' pag hinge ko nang tawad saka siya hinawakan sa kamay "Intindihin mo naman ako ate'' dugtong ko.


"Naintindihan kita Glai" hinawakan niya pa ang isang bahagi ng mukha ko "Hindi galit si ate sayo" nakangiting saad niya pero bakas parin ang mga luha sa kanyang mga mata.


"Salamat ate, dahil kahit hindi ko naintindihan ang sarili ko ay ikaw ang umintindi sa akin." nakangiting sabi ko at hinawakan ang kamay niyang nasa pisnge ko pa "Hayaan mo ate simula ngayon ay aalagaan ko na ang sarili ko, para sa mga anak ko.'' masigla kong aniya, kaya ngumite naman siya ng matamis.



"Mag iyakan na lang ba tayo? hahaha" tanong ko sabay tawa kaya nakitawa na lang din siya.



Hinawakan niya ang mukh ko na sinampal niya kanina kaya napitlag naman ako "Sorry nga pala dito Glai. Napalakas yata yong sampal ko sayo kanina, namaga tuloy. Hinde ko man lang naisip na buntis ka pala, kaya sorry na bunso" nakangusong aniya ni ate Glaira kaya natawa naman ako sa hitsura niya. Para kasi siyang kabayong pato.



MISTRESSWhere stories live. Discover now