#ChapterSixteen
𝑮𝒍𝒂𝒊𝒛𝒂'𝒔 𝑷𝒐𝒗Isang linggo.
Isang linggo narin simula ng ilibing si Glaiven. Isang linggo narin akong nagmumukmok. Isang linggo narin simula ng hindi ako lumabas ng kwarto. Isang linggo narin akong hindi naliligo o nag-aayos ng sarili. Isang linggo narin akong hindi kumain kahit palagi naman akong dinadalhan ni nanay lomie ng pagkain. Isang linggo narin akong tulala at wala sa sarili at di nila maka-usap ng maayos.
Para akong buhay na patay sa sitwasyon ngayon. Buhay dahil humihinga pa ako, pero Patay dahil nadudurog ang puso ko at wala akong naramdaman kong ano, bukod lamang sa puso kong nasasaktan at nangungulila sa anak.
Narinig ko pa ang iyak ni Jhoiza sa labas ng kwarto. Kahit gusto ko man siyang maramdaman at alagaan ay di ko magawa dahil takot akong baka mawala rin siya sa akin gaya ng nangyari kay Glaiven.
Oo duwag ako. Pero masama bang ilayo ko ang anak ko sa akin para lang ma-protektahan ko siya laban sa katulad ko na sinusandan ng kamalasan.
"Patawarin moko anak" bulong ko sa hangin at nag umpisa na namang tumulo ang mga luha ko.
Litong-lito na ako. Nababaliw na yata ako sa sobrang pagkalito. Hindi ko alam kong anong tama kong gawin. Bakit ba lagi nalang akong nahihirapan kahit sa anong paraan. Ganito na lang ba talaga ang ikot ng buhay ko.
Mas umiyak ng malakas si Jhoiza kaya mabilis akong napatakip sa tenga. Hindi ko gustong marinig ang iyak niya dahil nasasaktan ako, naawa ako sa anak ko. Hindi ko man gustohin 'to ay wala na akong pagpipilian pa.
'𝘒𝘶𝘯𝘥𝘪 𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘺𝘶𝘢𝘯 𝘴𝘪𝘺𝘢'
Malakas na kalabog ng pintoan ang nakapagbalik sa akin sa katinoan. Tumayo naman ako at binuksan yon.
"Ano pong kailangan niyo nanay lomie?'' mahinang tanong ko.
Tiningnan niya ako ng may pangungutya pero nandon parin ang awa. "Hanggang kailan ka magiging ganyan Glaiza?'' deritsahang tanong niya.
Napalunok ako "Intindihin niyo naman po ako. Mahirap pa sa akin na tanggapin na wala na talaga ang anak ko" nangigilid na luhang anas ko.
"Naintindihan ka namin Glai. Kahit hindi ka namin kadugo ay para nang apo ang turing ko sa'yo. Kaya di ko kayang makita kang miserable." naawang saad niya at pakititigan akong mabuti "Tingnan mo ang itsura mo? Hindi ganyan ang Glaiza na nakilala ko. Ang Glaiza na nakilala ko ay isang matapang na kayang harapin ang dagok ng buhay kahit ano pa man yan. Ang Glaiza na nakilala ko ay isang palaban. Ang Glaiza na nakilala ko ay isang matatag na babae na kahit suongin pa man ang bagyo ay hindi parin matitibag. Saan na ba ang Glaiza na nakilala ko? Sa'n na ba ang Glaiza na 'yon?" dagdag niya kaya napaiwas na lang ako ng tingin.
"Parang di ko na po kayang ibalik ang dating Glaiza'ng nakilala ninyo. Hindi na po ako yun. Hindi na ako ang tulad ng dati." paos kong sabi.
"Glaiza. Please lang ayusin mo ang buhay mo" nahihirapang saad niya.
"Wala na nga ata akong planong mabuhay pa eh." wala sa sariling sabi ko.
Nagulat na lang ako ng isang malakas na sampal ang nakuha ko mula sa kanya. Di maka paniwalang napahawak pa ako sa kaliwang pisnge ko. Di ko inaasahang kaya niya akong saktan. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang mga mata niyang nag-aalab sa galit habang nakatitig sa akin.
Nanghihina naman akong napatingin sa mga mata niya.
"B-Bakit po nanay lomie?" naguguluhag tanong ko.
"Sana matauhan ka sa sampal na yan!" sigaw niya.
Lito ko siyang tiningnan.
"Hanggang diyan ka na lang ba? Hindi kana ba tatayo mula sa pagkalugmok mo? Glaiza naman. Hindi lang siya ang pamilya mo. Nandito pa ako, nandito pa kami ni Noel. Nandiyan pa ang anak mo. Nandiyan pa si Jhoiza na nangangailan ng kalinga at pagmamahal ng ina na ikaw lang ang makakapuna." galit na singhal niya kaya di ko maiwasang mapaisip.

YOU ARE READING
MISTRESS
Romance𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑚𝑜𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖, 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑚𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑎. 𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑏𝑎𝑔𝑜 �...