#ChapterTwenty-Two
𝑮𝒍𝒂𝒊𝒛𝒂'𝒔 𝑷𝒐𝒗Nang mag alas sais na ng hapon ay umuwi na kami sa mansion. Marami pa akong mga paper works na hindi ko pa na-review, hindi pa napirmahan ang ibang documents. Tataposin ko na lang siguro yun bukas. Pagkarating namin sa mansyon ay nakahanda na ang maging dinner namin sa dining.
"Lika na kayo Glai. Kain na tayo!" anyaya sa amin ni nanay lomie ng makita niya kaming paakyat na ng hagdan papunta sa kwarto.
Sumunod naman kami sa kanya. Nag bliss muna ang anak ko kay nanay lomie bago tumakbo papunta sa dining area kun saan nakahanda ang mga iba't ibang klaseng pagkain na hinanda ni nanay lomie at ng mga maid dito sa mansyon namin.
"Kailangan kong umuwi sa pilipinas Glai." agad saad ni nanay lomie.
"But why nanay lomie? Are you not happy that we will all here in canada? These past few years were happy right? So bakit pa natin babalikan ang magulong buhay natin dun sa pinas?" hindi magkaundagang sunod sunod kong tanong.
"Glaiza iha, makinig kang mabuti." napabuntong hininga muna siya ng malakas bago nagpatuloy sa pagsalita. "Siguro ngayon na ang tamang panahon para harapin mo ang mga masasakit na nakaraan. Hindi dapat palagi mo itong tatakbohan, harapin mo ito at tanggapin para narin maging malaya ka kong ano man ang humarang diyan sa puso. Glaiza maging magaan ang pakiramdam mo pag natutunan mo na yong tanggapin." aniya sabay turo sa dibdib kunsaan ang puso ko.
Alam ko namang tama siya, pero natatakot lang akong harapin yon baka di ko makayanan o baka makulong na naman ako sa isang nakaraan na alam kong di ko matatakasan.
Okay na ako eh! Okay na ako dito sa canada. Nakalimutan ko na ang sakit, nakalimutan ko lahat pero bakit pilit parin nilang pinaalala ang mga kagahapong di na dapat pang paulit ulit na balikan.
"B-but nanay lomie, d-di pa ako handa" mahinang usal ko at napalabi.
Ito talagang topic na ito ang pinakaayaw kong pag-usapan pa, dahil bumabalik parin yong kirot eh, tanggap ko namang wala na si Glaiven pero nandito parin ang sakit na di na mawala-wala kahit anong gawin ko.
"Kong ganon, Kailan ka magiging handa Glaiza?!" diretsahang tanong. Napakagat labi nalang ako at iniwas sa tingin niya.
"D-di k-ko po a-alam" nahihirapang sagot ko at nagmadaling umalis sa harapan nila.
Napahawak naman ako sa kaliwang dibdib ko. Tama nga ako nandon parin ang sakit.
Napadaosdos na lang ang ako sa pintoan ng aking kwarto pagkatapos ko itong sarhan. Napatingala naman ako habang tahimik na napahagulhol. Whoah!! hanggang kailan nga ba talaga ako magiging ganito?!!! limang taon na eh! for fuck sake!! for fucking 5 years!! the pain that I felt before are still the same.
Di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa kakaiyak.
Nagising nalang ako ng may narinig akong nag bulong-bulongan sa labas ng aking kwarto.
'𝙄𝙠𝙖𝙬 𝙠𝙖𝙨𝙞 𝙣𝙖𝙮 𝙚𝙝! 𝙋𝙞𝙣𝙖𝙖𝙡𝙖𝙡𝙖 𝙢𝙤 𝙥𝙖 𝙠𝙖𝙨𝙞 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙮𝙖'
'𝘼𝙗𝙖'𝙮 𝙙𝙞 𝙠𝙤 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙨𝙞𝙣𝙖𝙨𝙖𝙙𝙮𝙖. 𝘼𝙠𝙖𝙡𝙖 𝙠𝙤 𝙠𝙖𝙨𝙞 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙠𝙖 𝙢𝙤𝙫𝙚-𝙤𝙣 𝙣𝙖 𝙩𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙨𝙞𝙮𝙖.'
'𝙔𝙪𝙣 𝙣𝙖 𝙣𝙜𝙖 𝙖𝙠𝙖𝙡𝙖 𝙡𝙖𝙣𝙜 𝙥𝙖𝙡𝙖 𝙣𝙖𝙩𝙞𝙣 𝙮𝙤𝙣, 𝙢𝙖𝙡𝙖𝙮 𝙢𝙤 𝙢𝙖𝙨𝙖𝙮𝙖 𝙣𝙖 𝙥𝙖𝙡𝙖 𝙨𝙞𝙮𝙖 𝙙𝙞𝙩𝙤 𝙥𝙚𝙧𝙤 𝙥𝙞𝙣𝙖 𝙪𝙡𝙞𝙩 𝙢𝙤 𝙥𝙖 𝙨𝙖 𝙠𝙖𝙣𝙮𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙣𝙖𝙠𝙖𝙧𝙖𝙖𝙣 𝙣𝙞𝙮𝙖.'
'𝘼𝙡𝙖𝙣𝙜𝙖𝙣 𝙣𝙖𝙢𝙖𝙣 𝙖𝙩 𝙝𝙖𝙗𝙖𝙣𝙜 𝙗𝙪𝙝𝙖𝙮 𝙣𝙖 𝙡𝙖𝙢𝙖𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙮𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙜𝙩𝙖𝙩𝙖𝙜𝙤 𝙨𝙖 𝙢𝙜𝙖 𝙥𝙧𝙤𝙗𝙡𝙚𝙢𝙖 𝙣𝙞𝙮𝙖.'
Habang buhay na lang ba talaga akong magtatago? Tama naman kasi si nanay lomie eh, hindi ako tuluyang maging masaya kapag hindi ko kayang harapin lahat ng kinakatakotan ko noon palang.
Naligo at nagbihis na ako bago lumabas ng kwarto. Naiwan pa nga sa ere ang kamay ni Noel ng akma siyang kakatok sa pinto pero di natuloy dahil bigla na lang bumukas.
"What are you doing, Noel?'' kunot noo kong tanong kahit alam ko naman talaga kong ano ang rason ng pinunta niya.
"A-ah E-eh" kamot batok niyang aniya. "Ahmm chini-check ko lang talaga kong okay kana talaga." nag-alalang saad niya.
"Why? Im fine. Bakit naman ako di magiging okay?" tanong ko.
"Wala lang. Pasensyahan mo na si nanay lomie huh!" nahihiya niyang usal.
"It's okay. Nanay lomie's right. Hanggang kailan ko nga ba talaga di kayang harapin ang lahat ng masakit na nakaraan ko. Sa totoo lang gusto ko naman talaga yung harapin eh, pero natatakot lang talaga ako baka di ko makayanan. Kaya pasensya na kayo sa inakto ko kagabi." pagsabi ko ng totoo.
"Naiintindihan ka namin Lai." ani niya "Makayanan mo naman talagang harapin pero takot ka lang. Sana Lai dumating ang panahon na hindi kana takot at makayanan muna ang lahat ay sana makita ko na ang totoong ikaw, ang totoong ngite mo, ang mga tawa mo, sana makita ko ang lahat ng yan pag naging malaya na ang puso mo mula sa sakit ng nakaraan." nakangite niyang saad.
"Oo naman. Ang swerte ko talaga at nakahanap ako ng bestfriend na katulad mo, na iintindihin ako kahit gaano man kahirap na intindihin ang ugali ko, magbibigay sa akin ng payo, mga paalala mo sa akin ay tandang-tanda 'ko pa. Limang taon na pala tayong magkaibigan ano? at sana panghabang buhay na, di ko kasi alam kong kakayanin ko bang mawala ka, mawala ang bestfriend ko." matamis na ngiteng pagkwento ko.
Yinakap ko naman siya ng mahigpit, ramdam ko namang yumakap din siya pabalik. At nong kumalas na ako ay masaya ko agad siyang tiningnan sa mga mata. Pero wait what? tama ba ang nakikita ko na nasasaktan siya? sa anong parte ng sinabi ko ang nakasakit sa kanya, di ko maalala eh. Baka na malik-mata lang siguro ako, dahil pagtingin ko ulit sa mga mata niya ay ang saya at kinang lang ang nandon.
"Oo naman panghabang buhay tayong mag bestfriend. Kaya aasahan mong di kita iiwanan." nakangiting aniya sa'ka parang pinagdiin talaga ang salitang 'bestfriend' at parang may kasamang pait ang pagdiin niya dun sa words na yun.
Ano na 'ba talaga ang nangyayari?! Imahinasyon ko lang ba yun o totoo na!!! nagugulohan na ako!, pero bakit naman yun sasabihin ni Noel ng ganong klaseng salita eh wala naman siyang rason diba? wala diba?
Pwera na lang....
Pwera na lang kong may gusto siya sa akin.
Aishttt ang assuming ko naman sa part na naisip kong may gusto talaga siya sa akin.
"Una na ako Lai huh?! may pupuntahan pa kasi ako eh" paalam niya sa akin pero hindi na ako makasagot at mapamaang nalang habang nakatanaw sa papalayong bulto niya.
Alam ko namang maganda ako, hindi sa pagmamayabang pero yun ang totoo, at alam kong maraming nagka gusto sa akin.
Pero si Noel?!
Imposible naman yatang mahumaling at magkagusto siya sa akin. Kaibigan kami diba? Bestfriend pa nga kami to be exact, tapos paano kong tama pala ang mga hinala sa isip ko. I find awkward if I know someday what him feelings for me. Paano kong---the heck!
ARE YOU FREAKING INLOVE WITH ME NOEL?!!

YOU ARE READING
MISTRESS
Romance𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑚𝑜𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖, 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑚𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑎. 𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑏𝑎𝑔𝑜 �...