#ChapterEight
Glaiza's PovNagising ako sa isang puting silid. Nilibot ko ang paningin ko at don ko lang napagtanto lahat ng nangyari, nasa hospital pala ako. Napahawak naman ako sa tiyan ko and thanks god dahil ramdam ko pa naman na nandito pa yong baby ko. Napangiti naman akong hinimas himas ang tiyan ko at kinakausap sa isip ang anak ko na nasa sinapupunan ko.
'Thank you so much my baby dahil hindi mo iniwan si mommy, Thank you dahil binigyan mo pa ako ng chance na maalagaan ka, kahit nasa tiyan pa kita, ay mahal na mahal na kita. Sana matulongan mo akong makuha ang daddy mo anak, para sa paglabas mo makasama na natin siya at magiging buo na tayo'
Napangiti na lang ako sa mga iniisip ko. Kahit na alam ko namang mahirap mangyari yon dahil may asawa pa'rin siya. Nakatali parin siya sa iba. Kahit ganon pa man ang nangyari ay nagpapasalamat parin ako ng dahil sa pagkakamaling yon ay may nagawang tama, ang anak ko na dinadala ko ngayon.
''Gising ka na pala'' napalingon naman ako sa boses na pinanggalingan non. Nakangiting kong nilingon siya sa may pintoan ng kwartong 'to, may dala siyang prutas, natuwa naman ako dahil don, pero agad din nagbago ang saya ko at napalitan ng mapait ng ngiti ng makita ko kong sino ang kasunod niyang pumasok.
Bakit ba paulit ulit ba lang isinampal sa akin na tadhana na kahit kailan ay hindi siya magiging akin. Pinasaya lang ba niya ako sa panandaliang panahon tapos babawiin rin kong san nandon na ako sa tuktok ng kasiyahan at iiwan ako sa ere kasama yong saya na pinaramdam niya sakin. Bakit ba lagi na lang akong pinasaya at pinasabik sa mga bagay na sa una palang hindi naman pala magiging akin. Ganito na lang ba ako?ganito na lang ba ang destiny ko, na magdala ng anak mo, kahit ang totoo ay hindi naman pala ako ang mahal mo?
''How's your feeling Glai?'' nag-alala tanong ni Jhoven ng makalapit siya sa higaan ko.
Nginitian ko naman siya "Im fine, hindi na masyadong makirot yong tiyan ko'' hinimas himas ko pa yong tiyan ko saka siya tingnan sa mga mata "How's our baby?'' mahinang aniya ko. Kita ko naman sa mga mata niya ang kasiyahan ng marinig ang salitang 'baby' ngayon ko lang nakita ang mga mata niyang yan na kumikislap kislap pa, kagaya ng mga bituwin sa langit na nagni ningning, Siguro ganun na lang ang saya niya ng marinig na magiging ama na siya, na para bang yon na lang ang nagpa kompleto sa buo niyang pagkalalake, ang pagiging ama.
"Okay naman daw sabi ng doctor, mabuti na lang at matindi ang kapit ng baby at strong siya kagaya ng mommy niya'' matamis ang mga ngiting ginawad niya sa akin.
''Ahem, Glai ito oh fruits for you para mas magiging healthy pa ang baby mo" napalingon naman ako kay ate ng bigla siyang nagsalita sa likuran ni Jhoven, may bitbit siyang isang platito na may nakalagay na mga prutas na ini-slice siguro niya kanina, pero hindi ko man lang napansin kong anong ginagawa niya kanina dahil masyado akong nag focus kay Jhoven na ngayo'y nakatayo mismo sa harapan ko.
Nginitian ko naman siya at na-appreciate ko naman talaga ang pag-alala niya sa'kin ''Thank you ate" mahinang anas ko sa kanya ng makalapit na siya sa at binigay ang platito sa'kin na naglalaman ng prutas. Kinuha ko naman yon at kumuha ng apple tsaka yung sinubo.
"So, buntis ka nga?" tumango naman ako sa kanya "Who's the father?" tanong niya na nagpakaba sa akin, dahan dahan kong binalik ang apple na kinakain ko tsaka siya tiningala.
Sinulyapan ko naman si Jhoven na ngayon ay nakatitig sa'kin "H-hindi ko alam a-ate" kinakabang usal ko. Sorry ate kong nagsinungaling man ako sayo ngayon, gusto ko lang kasing proteksyonan ang magiging anak ko sa magulong mundong pinasok ko.
"Paanong hindi mo alam Glai?" nanlilisik na matang tanong niya.
"H-Hinde ko nga alam ate, okay? H-hindi ko matandaan. N-Nakainom ako ng time na may n-nangyari sa amin" frustrated na sabi ko at marahas na ginulo ang buhok ko, sa ganitong paraan ko lang kasi naisip na baka tigilan niya na ang pagtatanong, at itatanong pa.
Halos matumba naman siya sa kinatayoan niya ngayon "Glaiza" naawang usal niya saka naglakas loob na pumunta sa harapan ko, hinawakan niya ang mukha ko saka pinahid ang mga luhang hindi ko man lang napansin na tumotulo na pala.
"A-ate h-hindi k-ko na a-alam kong a-ano ang g-gagawin k-ko" humahagolhol na aniya ko, kaya mahigpit niya naman akong niyakap na para bang kino-comfort niya ako, na para bang sa yakap na yon ay mapagaan man lang niya ang pakiramdam ko. Palihim naman akong ngumise, Ganyan nga ate kaawaan mo lang ako dahil yang awa na yan ang magpapabagsak sa'yo. At pag nangyari yon ay mapapasakin na ang asawa mo. At sa wakas ay magiging isang pamilya na kami. Ako, si Jhoven, at ang magiging anak namin.
Hinawakan niya naman ang mukha ko "Nandito lang si ate para sayo ha?'' maluha luha naman akong tumitig sa mga mata niya saka dahan dahang tumango. Niyakap niya naman ako ulit.
'Salamat ate'
Tumingala naman ako at saktong nagtama ang mga mata naming ni Jhoven, bakas sa mga mata niya ang sobrang pag-alala sa kalagayan ko ngayon. Nginitian ko naman siya, na nangangahulugan na okay lang ako, na hindi niya na kailagan pang mag-alala sa akin ng sobra.
Sabay sabay kaming napalingon sa pinto ng bigla itong bumukas at iniluwa don ang babaeng naka coat na pang doctor. Nakangiting lumapit naman ito sa akin.
"Hello misis I'm doctora Vello. Kamusta na po ang pakiramdam mo misis?" nakangiting sabi niya.
"Miss lang po ako doc, saka okay na po ang pakiramdam ko doc, medyo may kirot pa po nang konti pero okay na po ako" tumango naman siya "Doc kamusta naman yong baby ko?" nag alalang ani ko.
"Healthy naman po yong babies niyo miss at wag kayong mag alala dahil safe na ngayon ang babies niyo, sa ngayon ay kailagan mo lang magpahinga para bumalik ang lakas mo" nakangiting salaysay ng doctor
"Babies po?" kunot noo kong tanong.
"Yes miss, Congratulations dahil twins po ang anak niyo" nakangiting aniya ng doctor "Reresetahan rin kita ng vitamins para mas maging healthy pa ang babies mo miss." dugtong niya.
"Salamat doc. Kailan mo pa ako pwedeng makalabas ng hospital?" tanong ko.
"Pwedeng mamayang hapon miss, marami pa kasi akong gagawing test para makasiguradong safe na talaga yong babies mo tsaka ikaw din, and by the way I have to go may mga pasyente pa kasi akong pupuntahan, tawagan niyo na lang ako kong may katanongan o kailangan pa kayo sa akin." aniya ni Doc Vello. Tumango naman ako sa doc kaya lumabas na siya sa silid.
"Narinig niyo yon ate? Twins daw ang baby ko" masayang turan ko. Tumingin naman ako kay Jhoven bakas din sa mukha niya ang sobrang saya pero hindi niya lang pinakita dahil nandito pa si ate.
"Masaya ako para sayo Glai, at alam ko rin na magiging mabuti kang ina sa magiging mga anak mo" nakangiting aniya ni ate. Bakas sa mukha niya ang galak pero hindi parin naitangging may dumaan na kislap ng lungkot sa mga mata niya at sigurado akong nalulungkot siya na hindi siya magkakaroon ng anak, kahit ilang prayers paman ang gagawin niya ay hindi na talaga magbabago ang katotohanang binigay ng tadhana, na hindi magkakaroon ng anak si ate Glaira. Pero ganun pa man sa kabila ng nangyari ay sobrang saya naman ni ate na magkakaroon na siya ng pamangkin. Sinu-suportahan niya ako palagi sa lahat ng bagay at yon ang pinagsasalamat ko ng sobra.
Nakangiti kong hinimas himas, ang tiyan kong wala pang umbok.
'Mga anak. Kapit lang kayong mabuti huh? dahil gagawin ni mommy ang lahat ng paraan para makuha natin ang daddy niyo. Mabuti man o masama ay gagawin ko para mabigyan ko lang kayo ng kompletong pamilya. Pangako yan ni mommy sa inyo, mga anak ko'
YOU ARE READING
MISTRESS
Romantik𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑚𝑜𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖, 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑚𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑎. 𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑏𝑎𝑔𝑜 �...