Chapter 12

1.1K 9 0
                                    

#ChapterTwelve
𝑮𝒍𝒂𝒊𝒛𝒂'𝒔 𝑷𝒐𝒗




Nagdaan ang mga araw, buwan simula noong umalis na ako sa bahay nilang mag-asawa. Simula rin ng araw na yon ay wala na kaming communication ni ate sa isa't isa ganoon din si Jhoven sa akin. At ngayong buwan na ito ay ang kabuwanan ko na at kahit ano mang oras o araw ay pwede na akong manganak.

Hindi naman takot na manganak lalo pa't meron na akong kasama pa sa bahay. Walang iba kundi si Nanay Lomie at ang apo niyang si Noel. Nagkakakilala kaming tatlo ng dahil sa aksidente na hindi namin aakalain na yun pala ang mag-uugnay sa aming tatlo.


**ᖴᒪᗩՏᕼᗷᗩᑕK**

Bakit ba ako umiiyak?

Dahil ba mamimiss ko si ate o si Jhoven?

Bakit ba ang hirap mamili sa dalawang taong naging mahalaga sayo?

Hindi ba pwedeng maging okay lang kami ni ate kahit malaman niyang nagka'relasyon kami ni Jhoven kahit mag-asawa pa sila?

Pero alam ko naman kong ano ang sagot sa tanong na yan eh. GALIT syempre yan talaga ang first emotion na mararamdaman mo pag nalaman mo na ang dalawang taong mahal mo eh niloloko ka lang pala.

Sino namang matinong taong maging masaya sa ganon hindi ba?

Syempre wala!

Liliko ko na sana ang kotse sa may kanan ng biglang may tumawid na babae. Agad ko namang preneno ang kotse pero di parin maiwasang nadali ng kotse ang babae kaya natumba ito. Agad naman akong lumabas ng kotse at pinuntahan ang babaeng hula ko ay 40 above na siguro ang edad dahil medyo base sa kanyang itsura ay may katandaan na siya.

Agad ko naman siyang diluhan "Okay lang mo ba kayo nanay?. May masakit po ba sa inyo? Kailangan niyo po bang dalhin sa hospital?" nag-alala kong tanong saka tsi-check kong yong katawan niya. Baka kasi may sugat siyang natamo eh!

"Okay lang ako iha. Salamat sa pag-alala" nakangiting saad niya. Grabe! Ang ganda ng mga ngite sa labi ni nanay kaya di ko tuloy maiwasang mahawa din sa matatamis niyang mga ngite.

"Sure po ba kayo?" nag-alala ko paring tanong.

"Oo iha. Okay na ako, tsaka pasensya na'rin dahil bigla bigla na lang akong tumatawid ng hindi tiningnan kong may paparating bang sasakyan" paliwanag niya sakin. Nagkamot- ulo na lang dahil sa eksplenasyon niya.

"Pasensya na rin 'ho dahil di'ko'rin kayo napansin. Malalim rin po kasi ang mga iniisip ko eh kaya parehas lang po tayong may pagkakamali." nakangiting sabi ko sa kanya kaya nginitian rin niya ako pabalik.

"Ayy Oo nga po pala nanay. Ako nga po pala si Glaiza. Ikaw po nanay ano ang iyong pangalan?" tanong ko kay nanay sabay lahad ng kamay.

Pinusan niya naman ang kamay niya gamit ang kanyang bestida bago tinanggap ang kamay ko. Kaya di ko tuloy maiwasang mahiya. "Ako naman si Lomie. Pwede mo rin akong tawaging nanay Lomie" nakangiting saad niya ramdam ko pang hinaplos niya ang aking palad "Abay! Kaylambot naman ng iyong palad iha" papuri niya naman sa akin kaya di ko maiwasang mailang.

"Nanay ano po bang ginagawa niyo ng ganito ka-aga?" tanong ko.

"Nagtitinda ng pandesal iha." simpleng sagot niya.

"Nasan po ba ang anak o di kaya'y apo niyo at bakit ika'y naglalako niyan?" kunot-noo tanong ko pa.

"Ahh yong apo ko kasi ay maysakit kaya ako mona yung naglalako nito para sa pambili niya ng gamot" malungkot na saad niya, dahilan para may parang kamay na humaplos sa puso ko.

MISTRESSWhere stories live. Discover now