#ChapterNineteen
𝑮𝒍𝒂𝒊𝒛𝒂'𝒔 𝑷𝒐𝒗Naalimpongatan ako ng bigla may mahinang tapik akong naramdaman. Umungol lang ako pero hindi ko lang yon pinansin at pinagpatuloy lang ang masarap na tulog ko. Pagod ako kaya hindi ko pa gustong bumangon lalo pang gusto kong mabawi ang mga tulog na di ko nagawa sa hospital. Ayaw kong maging pandang bruha pag lumaki pa ang eye bugs sa ilalim ng mata ko, pag hindi pa ako magpahinga ng maayos.
Mahinang tapik na naman sa pisnge ko "Glaiza gumising kana jan para matulog sa kwarto mo." sabi nong babaeng matanda na ang boses.
Huh? Di ko gets? Ano? Ikaw gets mo? Ginising niya ako para matulog. Anong pinagkaiba no'n? Natulog ako dito sa couch pero ginising ako para matulog!. Hyst pabayaan na nga lang. Tumalikod ako sa kanya at pinagpatuloy lang ang mahimbing kong pagtulog. Maya-maya pa ay.....
"MAY IPIS" sigaw ng lalaki kaya nahulog ako mula sa pagkahiga sa couch. Sinamaan ko ito ng tingin kaya pabiro naman itong nag face sign. Napabuntong hininga na lang ako at sinamaan pa siya ng tingin na para bang gusto ko siyang katayin.
"Bakit ka ba sumisigaw?" madiing sabi ko at mahigpit na kinuyom ang kamao.
"A-a-ahh p-pinapagising k-ka k-kasi ni nanay lomie. Bye!" utal na utal na sagot niya at mabilis pa sa alas kwatrong bigla na lang tumakbo papunta sa kwarto niya.
Wala na akong nagawa kundi humikab at bagot na bumangon. Tinatamad pa ako eh, lalo pa't feeling ko ang bigat bigat ng pakiramdam ko. Parang mahuhulog na yong mata ko sa sobrang antok, tapos ang walanyang mokong na'yon ginising pa ako para lang mang bwesit. Diba nila alam ang salitang privacy? Natutulog yong tao eh tapos gigisingin lang para patulogin ulit?! Myguhd! na saan na ba ang utak nila?!
"Nanay lomie pinagising niyo po daw ako sabi ni Noel" sabi ko ng makita ko siyang naglilinis ng lamesa.
"Ahh oo pinapagising nga kita, para don na lang sa kwarto ipagpatuloy ang tulog mo, baka sumakit pa ang likod mo sa couch." sagot niya at sinulyapan ako sandali sa'ka pinagpatuloy ang ginagawa niya.
"Ahh okay salamat po" tumangong saad ko "O nga pala nay, Umiyak ba si Jhoiza?" tanong ko habang nagpupunas ng mga plato at baso na basa pa, hindi niya pa siguro ito natapos.
"Oo, isang beses lang, pero wag kang mag-alala pinalitan ko na yong diaper tsaka yung lampin niya na may basa narin dahil sa pawis niya." sagot niya. Nginitean ko naman siya at tumango.
Ang swerte ko talaga at nakahanap ako ng pamilya sa katauhan nila. Kahit ano pa ang maging sitwasyon mo ay di ka nila iiwan at manatili lang sila sa tabi mo hanggang sa maging okay na lahat. Gaya na lang ni Noel kahit mahilig yong asarin ako ay paniguradong hindi yon aalis sa tabi ko. Isang pamilya na ang turing ko sa kanila at napaka swerte ko na gano'n din ang nararamdaman nila.
Kahit mayaman man ako at mahirap lang sila ay hindi yon naging hadlang parang maging isang pamilya kami diba? Dahil di naman estado sa buhay ang basehan ng pagiging pamilya, kundi pagmamahal at respeto dapat hindi ba?
"Oo nga pala iha. Kelan nga ba tayo aalis sa pilipinas?" tanong ni nanay lomie na nagbalik ng kaluluwa ko sa katawan.
"Mga susunod na mga araw pa siguro nanay lomie. Marami pa kasi akong aasikason tungkol diyan eh, magpapagawa pa ako ng visa at passport ninyong tatlo ni Noel at mga papeles na kakailanganin natin para do'n sa canada." mahabang sagot ko.
Napabuga naman siya ng hangin "Ang busy mo pala ano? Hyst kong may alam lang sana ako sa ganyan, edi matagal na sana kitang natulungan iha. Eh ano pang magagawa ko e grade 4 lang ang natapos ko dahil sa hirap ng buhay." nangulumbabang saad niya.
"Wala po kayong dapat ikabahala nay, ako na po ang gagawa ang aasikaso ng lahat para hindi na kayo mapagod. Alam niyo naman tumatanda na kayo kaya di na dapat kayo magkikilos-kilos." seryosong ani ko.
"Ano kaba iha. Ehersisyo ko na rin 'to para maging malakas pa ang mga mga buto ko sa katawan hahaha." biro niya pa at sinundan ng tawa.
Ang gaan pala ng pakiramdam pag narinig mo ang tawa ng taong mahal at naging parte ng buhay mo. Yong kahit masama ang loob mo basta marinig mo lang yong tawa nila ay para authomatic ng mawala 'yon.
"Ikaw talaga nanay lomie, mapag biro ka talaga." masayang puna ko.
"Aba'y oo naman Glaiza iha. Maikli lang buhay kaya dapat sinusulit natin ito." saad niya.
Maikli lang ang buhay. Tama. Gaya na lang kay Glaiven, kapapanganak ko palang sa kanya ng kinuha siya sa akin. Hays!
Napailing na lang ako.
"Ako na po diyan nanay lomie, alam niyo namang di ko gusto mapagod kayo sa mga gawaing bahay dito, e kung totoosin ay kaya ko naman ang mga gawain na 'yan nahihiya tuloy akong tinggnan kayo diyan na nanghuhugas ng plato habang ako dito ay sitting pretty lang." nahihiyang pag-amin ko.
"Weh? Sitting pretty talaga? Sure ka na diyan?Sure na sure na talaga?Diba sitting ugly ka kasi di ka naman pretty." biglang asar ng lalaki sa may bandang likuran ko.
Nilingon ko naman ito at nginisihan bago lapitan sa pwesto niyang nakasandig sa pintoan ng ref.
"Ah! Talaga? Di ako pretty. Sure ka'na niyan?" mapang-akit na aniya ko at nag lip bite pa, sa'ka nilapit ang mukha ko sa mukha niya.
"Hoy! tulaley ka na naman sa gandang taglay ko ano? ugly? really huh?" asar ko sa kanya pero hindi naman niya ako kinibo at nanatili lang nakatitig sa mga mata ko.
Malakas nalang akong napatawa ng halos maduling siya sa habang nakatingin sa mga mata ko.
"W-wag ka ngang tumawa. Wala namang nakakatawa ah." utal na saway niya sa akin pero imbes na sundin siya ay mas lalo pa akong tumawa.
"Pfttt anong hindi nakakatawa sa mukhang 'to?" aniya ko saka ginaya pa ang reaction ng mukha niya at ang mata niya naduling hahaha.
"T-tigilan mo nga yan" saway niya saka mahinang winaksi ako at padabog na naglakad papunta sa direksyon ni nanay lomie. Malambing pa siyang umakap sa likoran.
"Nanay oh? Si Glaiza inaway ako." sumbong niya at parang batang nagpapadyak sa sahig saka ako benilatan.
Nanlaki naman ang mata ko dun "Aba't--" hinubad ko ang sandal ko at akma sana siyang babatohin ng bigla na lang siyang yumuko at nagtago sa balikat ni nanay lomie kaya hindi ko na natuloy. Alangan namang babatohin ko siya eh madamay pa si nanay lomie.
"ARAYY---Masakit" daing niya ng bigla nalang pingotin ni nanay lomie ang tenga niya at ilabas mula sa kanyang likoran.
"Oh ano? Masakit? Masakit bang mapingot. HAHAHA wawa naman si Noel" pang-aasar ko at denelaan pa siya.
"Aba't mang-aasar ka pa ha." inis na aniya saka hinubad ang t-shirt niya para ibalandera ang kanyang katawan na para bang nagmamalaki. Napangise na lang ako ng akma siyang susugod sa akin pero bigla na lang hinabol ni nanay lomie ng kutos ang kanyang ulo kaya napasimangot tuloy siya bumalik sa dati niyang pwesto at sinamaan ako ng tingin, nginisihan ko naman siya na para bang nagyayabang na nanalo sa laro. Lumukot naman ang mukha niya at nag-iwas ng tingin kaya yon na ang hudyat para tumawa ako ng malakas.
"HAHAHAHA" malakas na tawa ko.
**baby cries**
Napatigil lang ako sa pagtawa ng marinig ko ang iyak na'yon. Napakamot-ulo naman ako at nagmartsa patungo sa hagdan. Narinig ko pa ang nakakaasar na tawa ni Noel.
Ako pa tuloy ang napahiya.
Kaasar.

YOU ARE READING
MISTRESS
Romance𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑚𝑜𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖, 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑚𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑎. 𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑏𝑎𝑔𝑜 �...