Prologue
"A-Ate I'm sorry." yan na lang ang tanging nasabi ko at napayuko dahil sa hindi ko siya kayang tingnan sa mga mata. Aaminin ko man o hindi ay alam ko sa sarili ko na nagkamali ako, nahihiya ako sa kanya, nasaktan ko siya. Pero isa lang ang alam ko. Nagmahal lang ako.
Oo alam kong malaking kasalanan yong ginawa namin sa mata man ng tao o sa mata ng diyos, alam kong mali, Pero ano pa bang magawa ko kong nagawa ko na, na may nasaktan na. Na pinagtaksilan ko na ang ate ko.
"Glaiza naman. Bakit sa lahat ng tao ikaw pa?! Ikaw pa ang gagawa sakin ng ganito, kapatid kita eh, mahal kita." humikbing sabi nito sabay himas sa dibdib niya para maibsan lang ang sakit na naramdaman.
"Sorry ate.....sorry talaga." yan lang ang paulit ulit na nasabi ko dahil hindi ko alam kong paano ko e-explain ang sarili ko sa kanya dahil ako rin mismo ay hindi din alam kong bakit ko yon nagawa sa kanya.
"Ang sakit Glaiza ang sakit na kahit sa panaginip ay hindi ko parin kayang makalimotan ang pagiging baboy niyo. Malinaw parin sakin lahat, malinaw parin ang nakita ko mismo sa mga mata ko ang bawat halik at haplos niyo sa isa't isa ni Jhoven, ang sakit eh na parang dinurog durog ang puso ko sa ilang piraso.'' humagulgol aniya ni ate habang napasalampak sa sahig, kahit gusto ko man siyang tulungan ay hindi na ako maka kilos mula sa kinatatayoan ko ngayon.
"Bakit Glaiza? bakit sa lahat na pwedeng maging kabit niya ay ikaw pa talaga? ang sakit sobra na gusto ko na lang mamatay sa sobrang sakit lalo ng malaman kong ikaw pala ang kinalolokohan ng asawa ko.....Bakit mo ba nagawa sa'kin to?nakagawa ba ako ng kasalanan sayo kaya gusto mokong gantihan? sabihin mo lang sakin Glaiza para alam ko. Para alam ko kong bakit ako nagawang pagtaksilan ng sariling kapatid ko." Nakatulala lang ako na nakatingin sa kanya at hindi maka imik habang walang humpay na pagtulo ng bawat luha.
Hindi ko inaasahan na ganito pala ang kalabasan ng lahat ng pagiging marahas at mapusok ko. Alam ko simula palang ng umpisa ay alam ko nasa laban na'to ay ako ang talo. Ako ang uuwing luhaan.
Kahit pinaramdam man sakin ni Jhoven na mahal niya ako ay hindi parin matatangging may asawa siya, na asawa niya ang ate ko. At ako ang walang karapatan na masaktan dahil isa lang akong anay na sumisira sa relasyon nilang mag asawa. Ang landi ko, na pati sa asawa ng ate ko ay bumubukaka ako. Pero masisisi niyo ba ako kong sabihin kong nagmahal lang ako, na nagpaka tanga lang ako sa taong pag-aari na nang iba.
Ang sakit... ang sakit maging isang kabet

YOU ARE READING
MISTRESS
Romance𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑚𝑜𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖, 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑚𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑎. 𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑏𝑎𝑔𝑜 �...