#ChapterThirty-Six
𝑮𝒍𝒂𝒊𝒛𝒂'𝒔 𝑷𝒐𝒗Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko, kung mag-aangat ba ako ng tingin para malaman kung sino 'tong matchong lalaking bigla na lang nanghila sa akin o hihilig pa lalo sa kanya para mas ma feel ko ang kanyang malapad at matigas na dibdib.
Aisht ang landi
Nagdaan ang ilang sandali ay di ko na kaya pang pigilan ang curiousity na kanina ko pa pilit na linalabanan. Kaya nag angat ako ng tingin at ganun na lang ang gulat at panlalaki ng dalawa kong mga mata ng makilala kong sino ang nasa harapan ko.
"Jhoven" mahina kung bulalas pero sapat lang para marinig niya yun.
"We need to talk, Glaiza." may diing saad niya.
Hindi ako makapaniwala na nandirito siya ngayon sa harapan ko, At ano naman kaya ang gusto niyang pag-usapan namin at siya pa mismo ang kusang lumapit sa akin.
"Wala tayong dapat na pag usapan, Jhoven, at'saka may anak kana kay Ate Glaira, kaya siya na lang ang pagbalingan mo nang atensyon ng sa ganun ay di kami ang ginugulo mo." mahinahon kong wika habang mahigpit na nakakapit sa lalaylayan ng damit ko.
Kinakabahan ako sa kung saan man ang patutunguhan ng usapang ito. At mahigpit ko ring pinipigilan ang aking sarili na huwag siyang yakapin. Ayokong maging marupok katulad ng dati, pero magagawa ko bang maging matatag kung siya na ang kusang lumapit sakin.
"We need to talk about our twins.. Right here, Right now" seryoso niyang aniya na ikinailing ko na lang.
'Wag kang papayag, Glaiza' ani ng munting tinig sa isip ko
Nababahala ako sa kung ano ang mangyayari, baka di ko na mapigilan ang sarili ko at bigla na lang akong magmakaawa sa kanya na ako na lang, na kami na lang ng anak niya ang piliin niya. At yun ang hindi ko hahayaang mangyari.
I once begging him before to choose me and our twins over my ate Glaira. I'm confident that time that maybe he will choose me because I had my ace after all. I'm bearing his child, I'm bearing Jhoven Piencenavez twins.
But I was wrong, because he choose ate Glaira despite that she can't give him a child because she's a barren. But in the second time, I was wrong again. When I'm back in the Philippines the painful revelation came, Ate Glaira once carrying his child, Clairhez Piencenavez is the fruit of their love.
At ang anak ko? Ayoko silang husagahan ng mga tao na ang alam lang ay ang humusga base sa mga nakikita at nalalaman nila.
Ayoko siyang matawag na bastarda, ayoko siyang madamay, ayoko siyang masaktan, ayokong gumulo ang buhay niya dahil lang sa pagkakamali ko, sa pagkakamali ng mommy niya.
Kaya ko siya prino-protektahan sa lahat, kahit habang buhay ko pang itatago ang pagkatao niya mula sa pamilya ko, kay ate Glaira, at sa mga mapanghusgang tao.
Pero paano ko naman siya pro-protektahan, kung ang ama niya mismo ang lumalapit sa akin. Paano ko siya pro-protektahan kay Jhoven kung may karapatan naman siya sa anak namin.
"Jhoven, May kailangan kang malaman." seryoso sabi ko.
"What is it?" kyuryoso niyang tanong pero di parin nakalusot sa tenga ko ang pagkakaba sa kanyang boses.
"Kailangan mong malaman ang katotohanan tungkol sa kambal natin." napalunok na lang ako sa sakit ng dumaan ang mga masasakit na senaryo sa isipan ko.
"About our twins? What about them? What the truth that I need to know?" sunod sunod niyang tanong.
Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya ng mas titigan niya ako. Ito na siguro ang oras para malaman niya ang buong katotohanan tungkol sa mga anak namin. Nakakaba man, nakakatakot man, pero kung hindi ko pa ipagtapat ngayon ang lahat. Kailan? kung siya pa mismo ang nakatuklas, kapag nagalit na siya sa akin dahil lang sa paglilihim ko sa kanya.
Takot? takot na lang ba ang palagi kung irarason kapag naipit na ako sa isang sitwasyon, sitwasyong mahirap ko nang lusutan. Pero ano ba ang mapapala ko, kung palaging takot lang ang uunahin ko.
Oo, aaminin ko, takot na takot ako na baka sa oras na malaman niya ang buong katotohanan ay bigla siyang magalit at kamuhian ako dahil sa kapabayaan ko. Takot ako na baka magalit siya sa akin, gaya ng galit at pagsisi ko sa sarili ko magpa hanggang ngayon.
Tama nang ako na lang, ako na lang ang galit sa sarili ko, dahil kong pati siya ay kamuhian din ako ay baka hindi ko na kayanin.
"Wala na si Glaiven." nakatulala kong ani habang nag uunahang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.
Napakasakit parin pala, kahit mga simpleng mga salita lang tungkol sa pagkawala niya ay para ng bilyong bilyong karayom ang tumutusok sa pagkatao ko.
"What do you mean? Who's Glaiven, Glaiza?" tanong niya sa akin.
Oo, nga pala hindi rin niya alam ang pangalan ng kambal namin. Pati ba naman ng pangalan ng kambal namin ay ipagkakait ko pa sa kanya?
''Glaiven is one of our twins, at wala na siya Jhoven, WALA NA ANG ANAK NATIN." paos na sigaw ko sa panghulihang salitang binitawan ko.
Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko ng makita ko ang galit sa abong mga mata nito. Sunod sunod ang aking pag lunok ng kumuyom ang kanyang dalawang mga kamao.
Galit siya, galit siya sa akin, ang kinakatakotan ko sa buong buhay ko ay magaganap na ngayon at wala man lang akong magawa upang bagohin iyon'. Kumbaga, kung sa panaginip ay isa itong bangungot, bangungot na kailangan kung magising dahil alam kung magiging malaki ang epekto nito sa akin.
Kung nasa magic world lang sana ako ngayon, ay unang hihilingin ko ang magkaroon ng kapangyarihan ng teleportation, para kahit anong oras at gusto ko ay pwede akong maglaho sa harap niya kung gugustohin ko, at haharap lang ulit sa kanya kapag kaya at handa na akong harapin ang galit niya. Pero nasa reality tayo, nasa reyalidad ako ngayon na kahit anong mangyari ay dapat magiging matatag ako at huwag magpadala sa mga masamang salitang ibabato niya, kahit alam kung malaki ang magiging epekto 'non sa akin ay dapat kayanin ko.
Napaatras na lang ako sa kinatatayuan ko ng maglakad siya papalapit sa akin. Pero mali yata ang aking pag atras, dahil agad ko din namang pinagsisihan, dahil napasandig ako sa pader ng wala sa oras.
Shit! I'm on the trap and I don't know how to scape!!
Lalo na't nasa harapan ko na siya ngayon, galit ang makikita ko sa kanya habang may namumuong luha, at kusa yung tumulo mula sa kanyang mga mata patungo sa kanyang pisnge.
Gusto ko sana siyang yakapin, para paga anin ang nararamdam niya, pero sino ba ang niloloko ko kung alam ko na ako ang may gawa niyan at alam ko sa panahon na 'to ay posibleng kinamumuhian niya ako. At isa pa, wala akong karapatang yakapin siya, hindi niya ako kaibigan, hindi niya ako asawa, dahil ina lang ako ng mga anak niya, kaya sa madaling salita, noon hanggang ngayon wala pa 'rin akong karapatan sa kanya.
"All this time—FUCK" napapikit na lang ako sa takot at gulat ng bigla niyang suntokin ang pader na nasa gilid malapit sa tenga ko.
Imbes na dapat mag alala ako sa sarili ko, ay mas nag alala pa ako sa kanya ng makita ko ang gasgas at kaunting dugo sa kanyang kamao. Hindi ko alam pero may parte sa puso ko na gusto kong gamutin ang sugat niya, pero mahigpit na lang ako napakapit sa gilid ng damit ko sa kadahilanang gusto kong pigilan ang sarili, sa kung ano pang katangahangang magagawa ko.
"Jhoven" mahina ngunit may bahid na pag-alalang boses ko.
Napako ako sa aking kinatatayuan, alam kong galit siya sa akin, alam kong sa oras na ito ay kinamumuhian niya ako, imbes na masasakit na salita ang ibabato niya sa akin, ang susunod na kanyang ginawa ang hindi ko inaasahan.
Kinabig niya ako at mahigpit na yinakap.

YOU ARE READING
MISTRESS
Romance𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑚𝑜𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖, 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑚𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑎. 𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑏𝑎𝑔𝑜 �...