#ChapterEighteen
𝑮𝒍𝒂𝒊𝒛𝒂'𝒔 𝑷𝒐𝒗Sa nagdaan na mga araw sa ospital ay ngayon lang naging magaan ang pakiramdama ko ng bumaba na ang lagnat ni Jhoiza na ipinag pasalamat ko ng husto sa diyos. Nagalit man ako sa kanya, pero di niya parin ako pinabayaan. Ilang beses pa akong lumuhod sa altar ng simbahan para lang humingi ng tawad sa pagkakamaling pagsisi ko sa kanya, sa lahat ng masakit na nangyari sa buhay ko. Alam kong nagkamali ako. Tama nga sila na pagsubok lang ang lahat at malalampasan natin yon basta't magtiwala lang tayo sa diyos, dahil di niya tayo pababayaan.
Sabi pa nga ng doctor sa akin. Pag nagtuloy-tuloy daw ang paghupa ng lagnat ni Jhoiza, ay pwede na daw kaming umuwi bukas ng hapon na ikanatuwa ko naman ng husto.
"Hoy! Glaiza! Tulala ka na naman. Siguro iniisip mo na naman ang gwapong si ako eh noh?" biro niya pa at bahagya niya pa akong hinampas ng mahina sa balikat na para bang baklang kinikilig.
"Baliw! Natulala lang mukha mo na agad ang iniisip. Hindi ba pwedeng nag-iisip lang ako kun'saan pwedeng ilibing ang mga papansin at mahanging katulad mo Noel." taray ko sa kanya. Nagpoot naman siya, awh ang cute---ang pangit mukhang pato. Hmp!
"Ansama mo naman sakin Lai. Di mo na ba ako lab?" parang batang sabi niya na sinabayan pa ng pag-nguso.
"Oo naman lab kita" nakangiting saad ko.
"Yiiieeee lab mo talaga ako---"
"Yup, LABahan ayiee" putol na saad ko sa kanya. Mas lalo lang humaba ang nguso niya dahil sa pang-aasar ko. Naka-cross arm niya pa akong tinalikuran at nagtatampong ngumuso.
"Uyy!! Galit ka?" tinusok-tusok ko pa ang tagiliran niya. Pero walang epekto dahil di niya ako pinansin at umusog pa ng kaunti palayo sa akin.
"Hmm. Sayang naman. Di'ka na namin isasama ni nanay lomie sa Canada. At tsaka nga pala Noel, doon na kami titira kaya maiiwan ka nalang dito sa pilipinas na nag-iisa. Wawa ka naman kung ganon." kunwaring lungkot-lungkotan ko. Unti naman naman siyang nilingon ako pero wala na ang nakabusangot niyang mukha kundi ang ngiteng aso niya na ang pumalit.
"Don na tayo titira?" masayang ani niya at parang batang pumalakpak pa. Abnoy!
"Oo dun na 'kami' titira. Ikaw lang ang maiiwan dito dahil nagtatampo ka nga diba" pang-aasar ko gamit ang galit-galitang tono at pinagdiinan pa talaga ang 'kami' na words.
"Sinong nagtatampo?" inosente nitong tanong. Kaya agad ko naman siyang binatukan.
"Ikaw. Pa-inosente ka pa ha!" lukot na mukhang sabi ko. "Oo nga pala totoo yung sinabi ko na sa canada na tayo titira." seryosong sabi ko.
"Ganon. Bakit mo naman Lai naisipang sa ibang bansa na lang tumira?" tanong niya na kinapait naman ng ngite ko.
"Gusto ko kasing mag move-on eh. Gusto kong kalimutan lahat ng masasakit na ala-ala ko dito sa pinas, at sa tingin ko naman ay di ko magawang kalimotan yon kung nandito pa'rin ako sa bansang 'to. Gusto ko ring alagaan si Jhoiza ng hindi pumapasok sa isip ko ang mga negative thoughts na mga bagay-bagay. Isa pa, alam ko rin sa sarili ko na hindi ako makapag-focus sa anak ko kong bigla ko na lang maalala ang mga alaalang hindi na dapat pang balikan." paliwanag ko.
"Ay taray mo sa may bandang move-on Lai huh, At ang bongga! mo dun sa part na na'sa ibang bansa mo pa gustong tumira para lang makalimot. Eh ako nga nasa bahay lang naka move-on naman ako. Ano pabang magagawa ko eh ganyan na talaga ang mga mayayaman nagagawa nila lahat ng gusto nila." opinyon niya. Kinasama ko naman ng tingin "Ito na nga tatahimik na." umakto naman siyang nagz-zipper sa bibig.
Paano kami nakipag-chika eh nasa hospital pa kame?. Ganito kasi yan, Nilipat ko na ang anak ko sa private room para hindi siya ma-infect ng kahit anong mga sakit sa mga pasyente sa labas. Alam niyo naman ang buhay hospital. Andaming tao at klase klaseng may sakit. Kaya sinigurado ko talaga na safe ang paglalagyan ko sa anak ko. Gastos ng malaki? but who give a fucking care, basta't nasa mabuting kalagayan ang anak ko ay wala nang problema sakin kahit gaano pa ka laki ang maging gastos dito sa hospital.

YOU ARE READING
MISTRESS
Romance𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑚𝑜𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖, 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑚𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑎. 𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑏𝑎𝑔𝑜 �...