#ChapterFifteen
𝑮𝒍𝒂𝒊𝒛𝒂'𝒔 𝑷𝒐𝒗Mugto ang mga mata habang nasa harap ang maliit na kabaong na na pinaglagyan ko sa anak ko. Nakakatulala lang ako sa habang nakatingin dito at hindi ma proseso.
'𝘞𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘴𝘪𝘺𝘢. 𝘕𝘢𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢 𝘯𝘢𝘮𝘢𝘯 𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘪𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭 𝘢𝘵 𝘮𝘢𝘩𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢 𝘴𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘬𝘰'
Bakit palagi na lang ako nasasaktan ng ganito? Wala naman akong balat sa pwet. Pero bakit kahit saan ako magpunta ay sinusundan talaga ako ng pesteng kamalasan na ito. Hindi na ba talaga ako titigilan ng karma huh?
Kaya nga mula sa ospital ay hindi ko man lang hinawakan ang natitira kong anak na si Jhoiza dahil natakot ako. Takot na takot ako na baka siya na naman ang sunod na kunin sa akin ng kapalaran.
Kasi lahat ng bagay na minamahal ko ay kinuha lahat sa'kin. Bakit ba lagi na lang akong naghihirap?
"Inom ka mona ng tubig Lai" sabay abot ng tubig sa aking harapan. "Mugto na naman ang mga mata. Hindi bagay sayo. Pumapangit ka na." sinubukan niya pang mag biro para lang gumaan ang paligid at para narin magka conversation kami ng matino.
"Kahit kailan ay di ako magsasawang itanong to sayo." napabuga siya ng hangin ng malakas "Kamusta kana?" himig ng pag-alalang aniya ni Noel
"Hmmm. Heto, di parin makapaniwala na wala na ang anak ko" simpleng saad ko at tumingala para mapigilan ang mga luha na gusto na namang kumawala sa mga mata ko.
"Magiging okay din ang lahat Lai. Basta't kumapit ka lang sa panginoon at wag na wag kang bumitaw sa pananampalataya sa kanya" nakangiting saad niya.
"Nananalig naman ako sa kanya ah" sagot ko.
"Ganyan dapat Lai--"
"Pero hindi niya parin tinupad ang dasal kong ibalik ang buhay ng anak ko." pinutol ko ang sasabihin dapat niya. Kita ko naman ang gulat na dumaan sa mata niya marahil nabigla siya sa mga pinagsasabi ko. "Tinalikuran ko na ang diyos simula ng talikuran din niya ako" galit na sabi ko.
Tinapik niya naman ang aking balikat kaya dun napabaling ang atensyon ko.
"Hindi niya kasalanan lahat ng nangyayari sayo Lai" mahinang usal niya.
Di naman ako makapaniwalang bumaling sa kanya "Di niya kasalanan? Eh di fine. Pero bakit di niya ako pinagbigyan?. Hiniling ko sa kanya naibalik ang buhay ng anak ko pero di siya nakikinig sa bawat pagsusumamo ko" galit na iyak ko.
Awa yan na naman ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Ganon na ba talaga ako kaawa-awa sa mga paningin nila?
"Lai? please lang wag mong ibaling ang galit mo sa diyos" sumamo niyang ani.
"Bakit ba? Di ba siya naman ang may likha ng lahat?! Kaya pwede niya ring ibalik ang buhay ng anak ko" hikbing aniya ko saka iwinustura ang paligid "Lumuhod ako papalapit sa kanya. Sinasamba ko siya. Nananalig ako sa bawat salita ng diyos. Pero bakit nong naghihirap ako ay parang nawala siya. Nong humiling ako sa kanya ay di niya ako pinagbigyan. Masama na ba akong tao?! kapag sinabi kong galit na galit ako sa kanya." humagolgol na turan ko at inihilig ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Niyapos niya naman ako gamit ang kaniyang mga bisig.
"May dahilan lahat. May dahilan ang lahat kong bakit nangyayari sa'yo ito. Diba pagkatapos ng hirap ay saya naman ang kapalit? Baka ganon. Tene-testing kalang ng tadhana para malaman mo kong kailan ka maging mahina at kung kelan ka magiging malakas. Pagsubok lang lahat ng ito Glaiza. Balang araw makukuha mo 'rin ang ligaya na inaaaam-asam mo mula pa noon. Magtiwala kalang sa kanya, magtiwala kalang sa diyos. Manalig ka lang." nakangiteng saad niya at hinahaplos haplos ang buhok ko kaya di ko maiwasang mapapikit.

YOU ARE READING
MISTRESS
Romance𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑚𝑜𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖, 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑚𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑎. 𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑏𝑎𝑔𝑜 �...