#ChapterThirty-Three
𝑮𝒍𝒂𝒊𝒛𝒂'𝒔 𝑷𝒐𝒗Love is a set of emotions and behaviors characterized by intimacy, passion and commitment. It involve care, closeness, protectiveness, attraction, affection, and trust. Love can vary in intensity and can change over time.
When we love someone, we experience, we share the same thoughts and experiences as when we like a person. But we also experience a deep sense of care and commitment towards that person.
Being "in love" includes all the above but also involve the feelings of sexual arousal and attraction. However, research into people's own views of love suggests that not all love is the same.
Hys, Glaiza. Just focus to take care of your daughter, okay?
Bakit ba kasi napakahirap para sa akin na kalimutan lahat ng nangyari ng oras na iyon. Yong mga nakadadarang na halik, mga napakainit na mga haplos sa isa't isa ay tanda ko pa lahat ng yon.
Iniisip niya kaya ako? Yong nangyari sa amin? Hys, Glaiza don't be stupid again to that man. For him, You are nothing.
Wag ka nang maghanap pa ng mas mataas pa sa kaya niyang ibigay. Pampalipas oras. Yan lang naman ang puwang mo para sa kanya diba?
Masakit man isipin pero yun naman talaga ang napakasakit na katotohan. In love, there's a one-sided love. Hindi ibig sabihin na mahal mo siya ay dapat mahal ka'rin niya. Hindi ibig sabihin na gusto mo siya ay sayo na siya. Dahil hindi lahat ng pag-ibig ay nasusuklian ng pagmamahal. Hindi pwedeng turuan ang puso niyang mahalin ka din pabalik, dahil ang puso ay kusa yang titibok pag nakita at nahanap mona ang isang taong nakalaan at nakatadhana para sa'yo.
"Glaiza''
Napitlag at muntik na akong mahulog sa upoan ko nang marinig ko ang boses ni Noel na para bang inis na inis. Nang tingnan ko ang kanyang mukha ay hindi pala parang lang dahil inis na inis nga siya.But who?
"What?" irita kong sabi.
Wag ngayon please lang Noel. Hindi ngayong bad mood ako, baka may masabi pa akong hindi mo magugustuhan habang wala pa ako sa sarili ko.
"Oh? Ba't ka naiirita? Di ka naman inaano jan ah". takang tanong niya.
"Psh, whatever." irap ko sa kanya habang naka talikod "What do you need?." sabay buga ko ng hangin bago siya balingan ng tingin.
"Ewan ko ba sayo Glai maghapon ka nalang tulaley diyan, pati anak mo di mo na pinapansin kaya ayon nagtampo tuloy." pangongonsensya niya sa akin, hindi ko alam pero parang may bumara sa lalamunan ko ng marinig ko ang sinabi niyang yon.
'Kasalanan mo 'to Jhoven eh.' inis kong sigaw sa isip ko.
Kung hindi lang sana siya pasok ng pasok sa isip ko. Kung hindi sana siya takbo ng takbo sa imagination ko, edi sana hindi nagtatampo ang anak namin hindi sana ako matulala ng ganito. Hys hindi ba siya napapagod kakatakbo sa isipan ko.
"Where is she?" nag-alalang tanong ko.
"Ayun nandon sa kwarto niya, nagtalukbong ng kumot. Nagtatampo yata sayo." ani niya pero bigla na lang kumunot ang noo niya habang nakatitig sa akin, kaya agad naman akong nagtaka. "But---wait, what do you thinking the whole day, Glaiza? Your not your usual self Glai? What happened? May problema ka ba na hindi mo sinasabi sa amin?". kunot noo niyang aniya sa akin habang bakas parin ang pagtataka sa boses niya.
"Nothing Noel." kinakabahang usal ko pero kahit ganun pa man ay hindi ko yun pinahalata sa kanya.
Call me a lier, but I don't want my bestfriend to be hurt because of my own doing. Not now that he have feelings for me.
And I know he will understand me for my own reason but still ayoko parin siyang masaktan.
Ayokong masaktan yung taong palaging nandyan para sa akin, yung taong handang pasukin ang magulo kong mundo para lang muling pasayahin ako. Yung taong laging nandyan ng mga panahong gusto ko nalang sumuko pero hindi niya ako iniwan bagkos ay chi-ner-up niya pa ako at sinabing magiging maayos lang ang lahat dahil hindi nagbibigay si god ng problem kung wala namang solution ito.
"Aray ano bang problema mo?!" irita kong ani habang masama parin ang tingin sa kanya dahil bigla niya lang akong binatukan.
Napakamot naman siya sa batok at hinawakan kung saang parte ang binatokan niya kanina.
"Sorry na Glai." kinurot niya pa ang pisnge ko at pinisil na para bang pinanggigilan. "Bigla ka na lang kasing natulala dyan eh, kaya yun lang ang naisip kong solusyon para bumalik yang utak mo dito sa earth. Ano ba kasing iniisip mo jan? at bakit bigla na lang lumipad yang utak mo papunta sa mars, neptune, jupiter, venus, at kung saan-saang lupalop pang lugar." sarkastiko niyang tanong habang nakataas pa ang dalawang kilay dahilan para kumunot ang kanyang noo.
"Ano ba?". tinanggal ko yung kamay niyang pumipisil sa pisnge ko. "May iniisip lang kasi ako kaya ako nagkaka ganito." seryoso sabi ko.
"Ano ba kasi yang iniisip mo at bigla ka'na lamang natulala dyan?" he asked.
"Tsk. Basta." maikli kong ani at tinalikuran siya at umakyat na sa itaas para puntahan ang kwarto ng anak ko.
Kinatok ko muna ang pinto pero walang sumagot sa akin kaya pinihit ko na lang ang siradura at binuksan ang pinto, sumalubong sa akin ang madilim na kwarto at tanging lampshade lang ang nagbigay liwanag sa bawat sulok ng kwartong 'to.
Nilapitan ko siya at umupo sa gilid ng kama paharap sa kanya. Ibinaba ko nang kaunti hanggang sa kanyang leeg ang kumot na nakabalot sa kanya.
Nang makita ko ang kaniyang mukha ay hindi ko na napigilang haplusin ang kaniyang mukha ng puno ng pag-alala, bakas sa mga natutuyong mga luha sa kaniyang mga pisnge ang pruweba na umiyak nga siya dahil sa lubos na pagtatampo sa akin.
Ba't ba ang tanga mo Glaiza? How can you do that to your own child?
"I-I'm sorry baby girl." mahinang kong aniya habang hinahaplos ang kaniyang pisnge, pinatakan ko siyang ng halik sa noo bago ngumiti ng mapait.
Alam kong madadamay ka Jhoiza kung sakali mang magka-gulo ang lahat. Ayoko man kitang saktan ay alam kong mangyayari at mangyayari parin ang mga kinakatakutan ko. Pero habang hindi pa nangyayari yon ay susubukan ko ring ilayo ang loob ko sa ama mo.
Dahil alam kong yun naman talaga ang tamang gawin simula't una palang.
Aalis na sana ako mula sa pagkakaupo ng bigla siyang nagmulat ng mata.
"M-mommy." gumaralgal na ani Jhoiza.
"Yes baby girl?" malumanay kong sabi at lumapit pa sa kanya ng husto at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri.
"Mommy, please stay here. Tabi po tayo." mahinang aniya at ngumite sa akin ng matamis kahit papikit pikit pa dahil sa antok.
Oh my baby girl is cute when she used to speak tagalog language.
"Yes baby. You don't need to please me because I will do that." nakangiting sabi ko at tumayo na para lumipat sa kabilang parte para doon humiga pagkatapos yumakap ako sa kanyang likuran.
"Thank you mommy." mahinang aniya at kahit nakatalikod siya sa akin ay alam kong nakangiti siya habang sinasabi iyon.
Maya-maya pa ay alam kong natutulog na siya kaya hindi ko narin napigilan ang mga talukap ng mga mata ko nang kusa itong sumara. At sa huling sandali ay muli na naman akong napangiti bago ako kainin ng dilim.

YOU ARE READING
MISTRESS
Romance𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑚𝑜𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖, 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑚𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑎. 𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑏𝑎𝑔𝑜 �...