#ChapterFourty
𝑮𝒍𝒂𝒊𝒛𝒂'𝒔 𝑷𝒐𝒗How can you get yourself out to this kind of situation?
Paano mo tatakasan ang mga taong palagi mong iniiwasan?
Ito yung tagpong nakakasakit ng puso eh, Yung tipong wala kang pweding gawin kundi tanggapin nalang yung mga mangyayari at susunod pang mangyayari, Yung tipong di ka pwedeng mag reklamo kasi sa una palang ay wala ka naman talagang pinanghahawakang karapatan.
I know that I have become a masochist now, but is bad to wish that this scene would never happened. The scene that will make me realize that I will never able to give my daughter a complete and happy family.
Because the family that I wish for my daughter is now here in front of us where we both are not part of and will never be part of it.
Being ex-mistress is not easy, lalo pat may naging anak kayo ng lalaking minahal mo, and at this point I don't care about myself anymore because my daughter Jhoiza is my top priority and I will do everything to make her happy, na maibibigay ko sa kanya ang lahat except sa ama niya kasi ang father's love talaga ang di ko kayang ibigay sa kanya.
"Is she your daughter?" Ate Glaira asked me again when I couldn't answer her first question. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok ng nakitang kong mariing siyang nakatitig sa akin na parang hinahalukay ang pagkatao ko.
"Yes, Ate. She's Jhoiza Zane, My Daughter..." aniya ko.
Kahit balik baliktarin ang mundo o gumuho man ito, ay di ko parin kayang i-deny ang anak ko.
"She looks like you, Glai..." mahinang aniya at ngumiti sa akin ng matamis.
"Yeah..." I smiled sweetly at Ate Glaira before turning my gaze to my daughter who stared at Jhoven. While her cousin on her side was teasing her. Mas lalo lang lumaki ang ngiting nakaukit sa labi ko dahil sa ka-cute-tang pinakita nilang dalawa.
"It's good to see you happy again." ani Ate Glaira "At masaya din ako para sa iyo, I'm happy to see your real smile without fakeness and pretense, unlike before..." She sincerely said and pat my head like she used to when where a kid.
"Masayang masaya ako ngayon kesa noon, Ate. I had a best and happy childhood before but everything change in a snap..." I looked at the blue skies while maintaining my usual voice and not let it crack even a little. "But, let it go, because what happened has happened and it can't be changed..." I smiled painfully at the skies bago tumingin sa dalawang batang nagtatalo kung sino sa kanilang dalawa ang dapat kargahin ng ama nila.
"Glaiza" mahinang saad ni Ate kaya napabaling ako sa kanya.
"Hmmm?" I hummed at naghihintay kung ano pa ang sunod na sasabihin niya.
"If it's given a chance..." huminto siya sa pagsasalita at napalabi. "Do you still want our family to go back to the way it was before? bumalik sa dati na masaya pa tayong apat na sabay na magkakasalo sa hapag-kainan habang nagku-kwentohan, no problems, no pain, no troubles, no fights..." nanganga-usap ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
I smiled bitterly and sigh "If it's given a chance? Yes, I'll always look back our happy memories Ate Glaira, pero may mga time talaga na kahit gusto nating balikan ang masayang ala-alang yun ay di na talaga pwede, because past is past and it's still in the past. The pain they've caused me where still feel fresh, masakit pa ang mga sugat sa puso ko dahil sa ginawa nilang pagtaboy at pag-abandona sa akin..." napabuntong-hininga na lang ako at napaiwas ng tingin sa kanya.
I'm very sensitive when it comes to this topic, mostly kasi ayaw ko talagang pinag-uusapan ang tungkol sa mga magulang namin. Madali kasi akong ma-apektohan, masaktan at magalit pag binabanggit na ang pangalan nila.
"Glaiza" mahinang tawag ni Ate sa pangalan ko. "Kailan mo ba sila mapapatawad?" bumuntong hininga siya ng malalim. "Hanggang kailan ka magtatanim ng galit sa kanila? sa mga magulang natin." mahina niyang tanong pero di parin nakaligtas sa pandinig ko ang lungkot sa boses niya.
"Ewan, hindi ko alam.." napaiwas na lang ako ng tingin at napakagat labi, para di niya makita ang mga namumuong luha sa aking mga mata.
"Glaiza" hinintay ko muna ang susunod niya pang sasabihin. "Nakita or nahanap mo na ba ang ama ni Jhoiza?" tanong niya, kaya gulat at nanlalaki naman ang mga mata kong tumingin sa kanya. Bumuka-sara pa ang bibig ko para sana magsalita pero kahit anong gawin ko ay talagang walang boses na lalabas.
"A-a-ate?" nanginginig pa ang labing aniya ko.
"Kasi diba-" di na niya tapos ang susunod niya pang sasabihin ng bigla siyang nilapitan ng asawa niya.
"Let's go, malapit na ang oras para sa klase ng mga bata. This is not the right time and right place para mag kwentohan kayo..." ani Jhoven.
Kaya napatingin naman ako sa paligid namin, at ngayon ko lang napansin na andito padin pala kami sa may gate. Sobrang nakakahiya dahil andami ng taong nakatingin sa amin, mapa istudyante man, magulang ng mga bata at Yaya ay sumusulyap na sa pwesto namin at paminsan-minsan ay kumukuha ng mga litrato. Ba't ngayon ko lang 'to napansin?
Sumunod nalang kami ni Ate Glaira kay Jhoven ng pumasok na ito sa school. He holds his two children in his hands. Anak niya kay Ate at ang anak niya sa akin. It's complicated isn't it? nakakalito man pero wala na tayong magagawa dahil nangyari na ang mga nangyari.
11:55 AM
Nang nakauwi na kami sa bahay, dahil nga ay isa pa siyang kinder ay half day lang ang kanyang naging klase, 7:45 AM ang starts ng klase niya at mag e-end ito ng 11:35 ng umaga. Tomorrow, I know that I won't be the one who to look after her until her class is over, I'll just drop her and Yaya Josie at school and pick them up or Noel if I'm not busy managing the J.G clothing lines company branch here in the Philippines, because that is the main reason kung bakit ako umuwi at nanatiling nag stay dito sa pinas.
At gaya nga nang promise ko sa kanya ay ibibigay ko ang mga paborito niya kung makikinig siya sa teacher niya, at dahil naging behave nga ang baby Jhoiza at may 5 stars pa ay ibibigay ko sa kanya ang mga gusto niya.
"Mwah" she give me a kiss in my cheeks, may spaghetti sauce pa ang kanyang labi kaya dumikit ito sa aking pisnge. "Thank you, mommy.." matamis na ngiting aniya habang hawak niya na ngayon ang malaking fried chicken.
"You're always welcome, Baby.." sabi ko at marahang pinunasan ng panyo ang mga dumi na nagkalat sa gilid ng kanyang bibig. Ang dugyot ng batang 'to pero ang cute.
After we finished eating lunch, I told her I was going to meet one of my close friends. My baby Jhoiza, agreed and insisted that I should get ready for the meet up with my friend whom I haven't seen for years.
Nandito na ako ngayon sa may garahe ng tambayan naming magba-barkada habang pina-park ang kotse ko. Binuksan ko ang pintoan ng kotse at bumaba, sinarado ko muna ito bago tiningnan ang bahay na nasa harapan ko ngayon. Almost 6 years narin na hindi nakatapak ang mga paa ko sa tambayan naming ito.
Rinig ko pa dito sa labas ang kantshawan, asaran, at tawanan ng mga kaibigan ko. Napa-iling nalang ako, gaya parin ng dati, walang nagbago. I hope Lemia wasn't here, para di masira ang mood ko dahil lang sa pagmumukha niya.
Nag doorbell muna ako, dahil di ako makapasok agad ng dire-diretso dahil nakalimutan kong dalhin yung spare key ko.
Naghintay muna ako ng ilang minuto bago nagbukas yung pinto, matamis na ngiti naman ang bumungad sa akin, but later on ay di ko na namamalayan na may lumanding na palang sampal sa kanan kong pisnge. Di naman ako makapaniwalang nakatingin sa taong nasa harapan ko.
What the fuck?

YOU ARE READING
MISTRESS
רומנטיקה𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑚𝑜𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖, 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑚𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑎. 𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑏𝑎𝑔𝑜 �...