Chapter 17

665 6 1
                                    

#ChapterSeventeen
𝑮𝒍𝒂𝒊𝒛𝒂'𝒔 𝑷𝒐𝒗

Kinakabahan akong nagpabalik-balik sa paglalakad habang hinihintay ang test result tungkol sa kalagayan ng anak ko. Uupo-tatayo at maglakad lakad ulit, yan ang ginagawa ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Napakit na lang ako ng mariin at sinandal ang ulo sa dingding kunsaan ako nakaupo ngayon.

Hindi ko alam kong anong gagawin ko pag may nangyari masama sa anak ko. Siya na lang ang tanging meron ako. At hindi ko kakayaning pati siya ay mawala sa akin dahil pag nangyari yon ay paniguradong mababaliw ako ng husto.

My Jhoiza. Magpalakas ka. Gusto pa kitang mayakap at makasama.

Agad akong tumayo ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok don ang doctor na matagal ko ng hinintay kanina pa. May dala siyang brown envelope na sigurado akong naglalaman yun ng test result ng anak ko.

"Kamusta na po ang kalagayan ng anak ko doc?" madali kong tanong ng nandito na siya sa harapan ko.

"Well, base sa test result niya ay meron siyang dengue and she need a blood negative AB." napatanga naman ako sa sinabi ng doctor. Saan naman ako makakuha ng ganong klaseng dugo eh blood O ang dugo ko.

"Pero doc hindi kami match ng dugo ng anak ko." nanghihinang sabi ko.

"Kung hindi sayo match ang dugo ng anak mo. Its big possible na ka match niya ang dugo ng daddy niya or may kamag-anak kayong ganyan ang type ng blood." paliwanag ng doctor.

"I don't know doc. Maski ama niya ay di ko alam kong magmama-match ba sila" nanlulumong usal ko.

Ayaw ko ng gulo pero kung yon lang talaga ang paraan para maligtas ang anak ko ay gagawin ko. Kahit luluhod pa ako sa paanan ni 'Jhoven' gagawin ko para lang di mawala sa akin ang anak ko.

"Talk to him. And tell him about condition of your child. Malay mo at parehas sila ng blood type." payo ng doctor kaya pilit naman kong tumango.

"Thank you doc"

"Okay. By the way I have to go. I have many patient to check. Excuse me." paalam niya kaya wala akong nagawa kundi ang tumango na lang.

"What Im supposed to do Noel? Hindi ko ka match ang anak ko. Saan naman ako kukuha ng dugo para lang masalinan siya." naghe-hestirikal kong sabi sa kanya.

''Everything will be ok Glaiza. Just calm down." aniya saka mahinang tinapik ang balikat ko para pagaanin ang pakiramdam ko.

"Just calm down? Paano ako kakalma kong alam kong nanganganib parin ang buhay ng anak ko? Kasalanan ko 'to eh. Kong hindi sana ako naging makasarili. Kong hindi lang ako naging pabayang ina, kong naalagaan ko lang siya ng tama ay baka wala siya sa hospital ngayon eh di sana siya na dengue." umiiyak na lintanya ko at hinilamos ang mukha gamit ang aking mga palad.

"Hey, di mo kasalan Lai kaya please lang wag mong sisihin ang sarili mo. Mabuti pang mag-isip na lang tayo ng paraan kong paano tayo hahanap ng dugo na maka match kay Jhoiza" sabi niya at hinihimas ang likod ko para patahanin ako.

"Tama ka Noel" pinunasan ko ang mga luha sa pisnge ko. "Hinde dapat ako maging mahina dahil kailangan ako ng anak ko ngayon. Magpakatatag na ako at mag-isip kong paano ako kukuha ng blood AB- para lang maging okay na ang kalagayan ni Jhoiza. Hindi ko dapat siya sukuan. Handa akong magbayad ng malaking halaga para lang sa kapakanan ng anak ko. Siya lang ang natitira sa kambal ko kaya gagawin ko ang lahat para lang wag niya akong iwan." matatag na sabi ko.

"Ganyan nga Lai. Magpakatatag ka para sa anak mo, dahil sayo lang siya kumukuha ng lakas." saad niya at ngumite pa ng bahagya. Nginitian ko naman siya pabalik at tumayo na mula sa pagkakaupo.

MISTRESSWhere stories live. Discover now