#ChapterTwenty-Five
𝑮𝒍𝒂𝒊𝒛𝒂'𝒔 𝑷𝒐𝒗"Mag-iingat kayo dito huh? Sunod din kayo sa akin doon!" bilin sa amin ni nanay lomie.
Nandito kami ngayon sa airport dahil ngayon na ang flight ni nanay lomie pabalik ng pilipinas. Gusto ko pa sanang pigilan ang desisyon niya ngunit nahihiya na ako at lalo na't wala na akong lakas ng loob para baliin ang desisyon niya. Susuportahan ko nalang kung ano man ang magiging desisyon niya. Mamimiss ko mula sa araw na 'to ang presensya ni nanay lomie dahil aalis na siya at paniguradong ilang araw pa muli kaming magkikita pero sa bansang pilipinas na.
"Opo nanay. Kayo din mag-iingat din kayo dun lalo na't malayo kayo sa amin." sabi ni Noel at niyakap si nanay.
"Oo naman apo. Ikaw rin Glaiza sana makauwi ka sa bansang pinanggalingan natin at saka wag mo ng unahin ang iyong takot dapat harapin mo ito para wala ng bumagabag sa iyo." nakangiting aniya ni Nanay lomie.
"Yes po nanay, your right aasahan po ninyo na susunod din kami nila Noel doon sa pilipinas. May mga aayusin lang sa company ko pagkatapos non ay susunod din kami. May branch din naman dun ng company ko sa philippines kaya dun na lamang ako mag work para di na tayo magkahiwa-hiwalay pa." nakangiteng sabi ko sa kanya. Kita ko naman na lumiwanag ang mukha niya siguro marahil ay parang good news yung narinig niya mula sa akin.
"Mabuti naman kung sa ganoon. 'O sya mauna na ako sa inyo at dahil lalarga na ang eroplano." paalam niya.
Mahigpit ko naman siyang niyakap at ganun din si Noel.
"Paalam nanay, sa pilipinas na lang tayo magkita." sabi ko at tumango naman siya at naglakad na, nilingon niya muna kami sandali kaya agad naman akong kumaway sa kanya, nginitian niya naman ako at nagpatuloy na.
Nang mawala na siya sa aming paningin ay sa'ka lang kami nakapag-desisyon na pumunta na sa J.G company. Marami pa kasi kaming tataposin at a-atend-an na meeting para sa investment and deal to the other's company for partnership.
'Ms. Alcaresz is so very beautiful in and out'
'Good afternoon boss'
'Have a good day maam'
'She's adorable'
'Yeah'
Bulong bulongan at bati ng mga employee's ko sa akin ng makitang papasok na ako sa company. Nginitian ko naman sila at bahagya pang kinayawan. I'm not ignorant if they'll great me.
Nang makapasok ako sa office ko ay agad naman akong umupo sa swivel chair at pinaikot ito paharap sa salaming bintana. Napabuntong hininga ako, marami na naman kasi akong tra-trabahoin ngayong araw na ito, buti nalang at wala akong apointments ngayon kaya medyo di hectic ang schedule ko, bawas stress din kaya hindi ako magmumukhang haggard for today and looking fresh padin HAHAHA.
"Tawa-tawa po dyan" muntik na akong mahulog sa swivel chair ng biglang nag salita si Noel sa.likuran ko.
"Tangekk para kang kabute, kung saan-saan lang sumusulpot." pagmamaldita ko at inambahan ng malakas na batok ngunit di umabot dahil ang tanggad niyang nilalang tsaka nakaupo lang ako, wala lang tinatamad lang akong tumayo ba't ba.
"Uii anong kabute na biglang sumusulpot eh kanina pa ako nandito nakatayo sa likuran mo habang sinusundan kong san ika'y nakatanaw sa bintana. Tinawag din kita pero parang anlalim yata ng iniisip mo kasi di mo'ko pinapansin eh." paliwanag niya.
"May isip ba na nasisid? Parang wala naman yata akong nabalitaan na ganon na nasisisid ng tao ang brain. By the way it's very eww and disgusting to think about that topic." pag-inarte ko at umakto pang nasusuka.

YOU ARE READING
MISTRESS
Romance𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑚𝑜𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖, 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑚𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑎. 𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑏𝑎𝑔𝑜 �...