Chapter 30

587 5 0
                                    

#ChapterThirty
𝑮𝒍𝒂𝒊𝒛𝒂'𝒔 𝑷𝒐𝒗



"MOMMY"

Sabay kaming napa baling sa batang lalaki na kasalukuyang tumatawag sa mommy niya. Ang cute cute at ang gwapo gwapo niya sa suot niyang mini-suit, ang sarap niyang ibulsa at iuwi na lang sa bahay.

Ngiting ngiti ako habang pinagmamasdan siyang naglalakad papalapit sa table namin. Ewan ko ba, pero nung makita ko ang mukha ng batang nasa harapan ko ay bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko, na para bang gusto ko na lang siyang yakapin ng mahigpit dahil sa sobrang tagal naming nagkalayo.

Nagkahalo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon, yung emosyon na sobrang sobrang saya, pero meron ding parte na nalulungkot ako, na gusto kong umiyak sa mga balikat niya habang yakap yakap ko siya. Yung emosyong yun ang hindi ko maintindihan sa ngayon, nakakagulo naman talaga na mararamdaman mo sa ibang bata ang nararamdaman mo noong una mo pang nasilayan ang anak mo.

Napatayo na lang ako ng makalapit na siya sa pwesto namin bigla siyang lumingon sa akin at ngumiti ng matamis. Ngingitian ko na sana siya pabalik, pero nauwi na lang yun sa ngiwi ng bigla niya akong lampasan.

"Mommy, I'm hungry. I want to eat some food."

Nang bumaling ako ay ganon na lang ang pagkabigla at pagkagulat ko ng makita kong nakaupo siya sa hita at nakayakap sa leeg ng ate ko habang nakanguso. So, wait-----

Don't tell me---- Is he my sister's son? My nephew? But why I'm feeling jealous towards them, seeing them close and sweet, make me want to borrow my sister position right now.

There's a foreign feeling on me that just want to carry that child of her, that I want him to be mine. That I want him to be my son.

'Damn Glaiza. Stop your nonsense thoughts, inagaw mo na nga sa ate mo si Jhoven noon diba? Pati ba naman ang anak niya ay kukunin mo rin' pilit na sumisigaw ng isip ko.

"Oh Glai, What are you doing there?". ngumiti naman ako ng pilit ng tinawag ng ate ko ang pangalan ko. Bumalik na lang ako sa pagkakaupo at pilit na pinapasigla ang awra ko.

"Naghahanap lang ako ng signal." palusot ko at mukha namang tumalab dahil ngumiti naman si ate at tumango bago ibaling ulit ang atensyon niya sa anak niya.

Nakita ko pa ang biglang paglingon ni Jhoven sa direksyon ko kaya hindi ko mapigilang kabahan, bakas kasi ang ka-seryosohan na makikita mo base sa expression ng mukha niya, yun bang klase nang tingin na binabasa ang bawat kilos at reaksyon mo.

Ako lang ba? o nag a-assume lang ako sa mga bagay na wala naman talagang kasiguraduhan. Iwinaksi ko na lang ang mga iniisip ko at naglakad patungo sa direksyon kung nasaan ang ate ko.

"Glai. I want you to meet my son, your nephew." pakilala ni ate anak niya. Ngumite naman ako ng biglang tumitig ang mga inosenteng mata ng pamangkin ko sa akin.

"Hi baby. What's your name? cutie pie." lapit ko sa kanya at pinanggigilan ang matataba niyang pisnge.

"H-hello po." nahihiyang aniya at kumaway ng maliit bago sumubsob sa leeg ng ate ko.

Tumawa naman ako ng mahina tsaka hinawakan ko naman ang maliliit niyang kamay at bahagya pang pinisil at saka siya nginitian "Don't be shy to your tita Glaiza, baby." sabay haplos ko sa buhok niya at ginulo ng bahagya. "So, what's your name?." tanong ko.

"My name is Clairhez Piencenavez, T-Tita Glaiza." nakangiting pagpapakilala niya at yumuko ulit dahil di napigilan ang hiya.

Lumuhod naman ako sa harapan niya para magpantay kaming dalawa. Nilagay ko naman ang kamay ko sa baba niya at tinaas ang mukha niya dahilan para magtama ang paningin namin.

MISTRESSWhere stories live. Discover now