#ChapterTwenty-Seven
𝑮𝒍𝒂𝒊𝒛𝒂'𝒔 𝑷𝒐𝒗Nang makarating kami sa bahay ay agad naman akong bumaba pagkatapos e-park ni Noel ang kotse. Siya nadin ang nag insist na magbuhat kay Jhoiza, hanggang ngayon kasi ay natutulog parin yong anak ko.
Pagkapasok ko ay agad naman akong sinalubong ng isang mahigpit na yakap ni nanay lomie.
"Namimiss ko talaga kayo kahit ilang araw ko lang kayong hindi nakita." malambing na ani nanay lomie at bumitaw sa pagkayakap sa akin at inaalayan akong pumasok sa bahay kahit kaya ko naman talaga.
"Hmm ako nga rin po nanay eh, miss na miss ko na po yung mga luto ninyo. Tsaka nanay kamusta mo pa kayo dito nong wala pa kami?" tanong ko.
"Ok lang naman Glai. Nakakaraos parin hahaha" biro pa niya.
"Haha ikaw talaga nanay." tawa ko na lang.
"O? nasaan na yong apo ko at si Noel. Glaiza?" kunot-noo niyang tanong.
"Nandon pa po sa labas, nahuli lang sila dahil natulog si Jhoiza habang nasa byahe kaya binuhat na lang ni Noel. O! andyan na pala sila." sabay baling ko sa pinto ng makita kong papasok na si Noel habang buhat buhat ang anak kong natutulog.
"San koba 'to ihihiga Glai?" tanong niya at nilingon mona ako.
"Don nalang muna sa kwarto ko." sabi ko kaya't tumango naman siya bilang tugon.
Sinundan ko pa siya ng tingin hanggang sa tuluyan na siyang maka akyat sa hagdan.
"Oo nga pala nanay. May pasalubong ako sa iyo, siguro mamaya ko na lang yon ilalabas, medyo pagod pa kasi ako at may kaunting jetlag pa." sabi ko sa kanya, tumayo at nag-unat ng bahagya.
"O siya sige, magpahinga ka nalang doon. Gigisingin na lang kita kapag kakain na." saad niya kaya tumango naman ako at pumanhik para magpahinga.
Nagising ako ng may narinig akong tatlong katok sa pinto.
"GLAIZA GISING NA, KAKAIN NA." sigaw ng kung sino, na nasa may labas ng pinto ko.
"Hmmm. Wait a minute. I'll fix my self first." sigaw ko din pabalik.
"OKAY HINTAYIN KA NALANG NAMIN SA BABA." sigaw din niya bago ko narinig ang yabag niya paalis sa kwarto ko.
Bumangon na ako at nagbihis bago bumaba. Nadatnan ko silang tatlo na nakaupo habang hinihintay ako.
"Hmm how's your sleep baby?" malambing na tanong ko at hinagkan muna siya sa noo bago ako umupo sa tabi niya.
"It's okay mommy." sagot niya "Mom, I want that one" sabay turo niya sa fried chicken "And that one too." sabay turo niya naman sa spaghetti, bago humarap sa akin at nag puppy eyes. "Mommy, I also want to eat rocky road ice cream pweashhh" malambing niyang saad at nilagay ang dalawang kamay sa baba niya at nagpapacute sa akin.
I smiled sweetly and pinch her cheeks "Okay baby, but not to much huh? Ice cream are not good to your health kaya dapat kunti lang ang kainin mo." bilin ko sa kanya at ginulo ang kanyang buhok.
"Mommyyyyyy" saway niya sa akin kaya tumawa naman ako at nilagyan na ng fried chicken at spaghetti ang plato niya.
Tumayo naman ako at naglakad papunta sa ref at kumuha ng ice cream bago bumalik sa hapag-kainan.
"Let's eat na." anyaya ko sa kanila.
At nagsimula na kaming kumain, puro lang kami tawaan habang pinag-uusapan ang mga past namin na nakakatawa o nakakahiyang pangyayari sa buhay namin. Hays sana lagi na lang kaming ganito, yun bang parang walang kaming problema at masaya lang palagi. Hanggang sa...
YOU ARE READING
MISTRESS
Romansa𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑚𝑜𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖, 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑚𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑎. 𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑏𝑎𝑔𝑜 �...