#ChapterTwenty
𝑮𝒍𝒂𝒊𝒛𝒂'𝒔 𝑷𝒐𝒗
Sa mga sumusunod na araw ay lagi na lang akong busy sa pag-ayos ng mga papeles lalo na yong visa at passport na gagamitin naming apat, kay Jhoiza lang ako natagalan dahil bago pala siya ipinanganak tapos sasabak na agad sa paliparang panghimpapawid, nagpa-book na akong ticket papuntang canada at susunod na linggo na ang flight namin.
Busy sa mga papeles at pag-aalaga ng anak, yan lang ang naging routine ko sa mga nagdaang araw. Hectic man dahil sa sobrang busy ay di ko parin napapabayaan ang anak ko. Kahit busy man ako palagi ay ginagawa ko parin ang dapat gawain ng isang ina.
"Magpahinga ka mo'na iha. Alam kong pagod ka." puna ni nanay lomie. Tinangoan ko mona siya. "Kumain ka na ba?" tanong niya.
"Tapos na po nanay lomie, kumain na po ako dun sa resto na nadaan ko kanina." sagot ko, tumango naman siya.
Aakyat na sana ako ng hagdanan ng mapahinto ako at muling nilingon siya.
"Kamusta nga pala si Jhoiza ng iwan ko siya rito sa bahay?." tanong ko. Yan na ang tanong na paulit ulit kong ginagawa kapag darating ako sa bahay pagkatapos kong mag-asikaso ng importanteng mga bagay.
"Okay naman siya. Umiyak lang siya pag nagugutom o di kaya'y basa ang diaper niya at kong gusto magpakarga. Naku hindi ka talaga makapagsimula ng gawaing bahay pag hindi mo siya nakarga hanggang makatulog siya dahil paniguradong hindi ka niya patatahimikin." paliwanag niya.
"Eh yung pusod niya nanay? nalaya na ba yung naka clif?" dalawang tanong ko.
"Hmm. Malapit na, basta palagi mo lang lagyan ng alcohol yong pusod niya hanggang sa malaya. Pwede mo narin hubadin ang bigkis pag nalaya na yong pusod niya" mahabang paliwanag niya.
Tumango naman ako "Sige po. Mabuti na lang at palage kayong nar'yan nanay lomie dahil hindi ko alam ang gagawin ko lalo pa sa sitwasyon kong isa lang single mother at walang katuwang sa buhay." buntong hininga ko.
"Aba'y mahirap nga yan iha. Pero pag lumaki na yang si Jhoiza ay mabawasan narin yong mga pro-problemahin mo. At alam kong mapalaki siya ng mabuti dahil mabuti rin ang kaniyang ina at don mulang mararamdaman na maging proud sa sarili mo dahil napalaki mo siya, na nasa tamang daan ang tinatahak." nakangiteng saad niya.
"Yep, I'll make sure of that nanay lomie." paniguradong aniya ko.
"Mabuti naman sa ganon."
"I'll go to my room,Im tired already, May I excuse nanay?" paghingi ko sa kanya ng permiso.
"O sya sige maghinga kana, alam kong napagod ka." tumangong saad niya.
Sumenyas pa akong aakyat at nagtungo nasa kwarto ko. Madaan ko pa ang guestroom. Binuksan ko pa ang pinto. Gusto ko munang silipin ang anak ko bago ako pumanhik sa sarili kong kawarto.
"Pasensya kana anak ha? Kung palaging wala si mommy noong mga nagdaang araw. Busy lang kasi ako. Pero wag kang mag-alala pagnaayos na ang lahat ay palagi mo na akong makikita araw-araw. Alam ko namang may pagkamalabo pa yang mga mata mo dahil kumakailan ka lang ipinanganak, pero nararamdaman mo naman ang presence ni mommy diba? I love you baby, always remember that." pagkausap ko sa kanya at nilaro ang isa niyang kamay bago kinitilan ng halik sa noo.
Ganito pala ang feeling no? Kahit pagod na pagod na ang katawang lupa mo, kapag nakita mo lang ang maamong mukha ng anak mo ay parang mawawala lahat ng pagod na yon. Parang authomatic na lahat ba. Kasi yung pagod mo ay napapalitan ng saya kaya nakakalimutan mo na lang magpahinga at gusto nalang titigan ang anak mo, mula sa pagkagising niya hanggang sa matulog na siya. Gusto mo lang tingnan ang bawat galaw niya na para bang yon na ang naging mundo mo. Masarap ang pakiramdam na maging ina, yong takot at saya ay parang naghahalo sa system mo. Takot dahil baka di mo magawa ng mabuti ang responsibilidad mo at Saya, alam mong para kang nasa cloud nine kapag nakikita siya tapos yung puso mo bigla na lang gumaan dahil sa sobrang tuwa habang nanggigil na tinitigan siya.
YOU ARE READING
MISTRESS
Любовные романы𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑚𝑜𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖, 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑚𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑎. 𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑏𝑎𝑔𝑜 �...
