Chapter 2

2.8K 18 0
                                        

#ChapterTwo
Glaiza's Pov







Nagigising ako ng maaga na dala dala ang konsensya. Na nakagawa ako ng isang pagkakamali na alam kong ikakasakit ng nag iisang taong alam kong naging totoo sakin, ang ate ko.

Nagpunta ako sa shower and thanks god dahil may tubig na ulit. Tinupad nga ni ate ang sinabi niya sakin na ipapa ayos niya na ang tubig dito sa kwartong to.

Nagbihis na ako ng isang white spaghetti at black short na nasa kalahating hita ko. Kaya masyadong na exposed ang cleavage ko dahil sa laki ng dibdib ko na halos gusto ng kumawala sa bra ganon din ang makinis at mahahaba kong hita na klarong klaro rin. Sanay na kasi akong ganito palagi ang suot ko lalo na't pag nandito lang ako sa bahay.

Lumabas na ako sa kwarto at bumaba na para kumain ng almusal. Habang papunta ako sa dining area ay may mga kasambahay pa akong nakasalamoha binabati rin nila ako ng 'good morning' nginingitian ko na lang sila bilang kapalit hindi naman kasi ako ignorante para hindi sila pansinin, pati rin yong nag iisang driver na titig na titig sa akin but who care's eh sanay naman akong palaging tinititigan. Sa ganda kong to.

Nakarating ako sa dining at nakita ko si ate na naka upo habang nakikipag usap sa asawa niyang parang walang interes sa kweni-kwento niya, malalalim ang iniisip eh ang hirap sisidin. Niyakap ko na naman si ate sa likod at malambing na hinahalik halikan ang magkabilang pisnge niya. Napitlag naman siya sa kanyang kinaka upoan marahil sa gulat ng may biglang yumakap sa kanya, sino namang hindi diba?eh busy siya sa pag kwe kwento sa asawa niyang nasa outer space ang utak.

''Good morning ate'' malambing na saad ko at muling hinalikan siya sa pisnge bago pumunta sa upoan ko bali magka harap kami ni ate Glaira at yong asawa niya yong parang superior dahil na nasa pagitan namin, ng table.

''Morning din Glai'' bati pabalik ni ate ''Nga pala Glai ito nga pala ang asawa ko si Jhoven. Jhoven si Glaiza kapatid ko,  Glaiza ito naman si Jhoven asawa ko'' pag i-introduce  niya sa asawa. Nilahad ko naman ang kamay ko upang makipag kilala. Tinanggap niya naman yon kaya napangiti ako.                                                          
"Nice meeting you" simpleng saad ko at ngumiti ng matamisa sa kanya. Kinagat ko namang ang pang ibabang labi ko nang maramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko na para bang nagsasabing 'kahit kailan hindi niya bibitawan ang kamay ko, imbes ay higpitan pa ito para hindi na ako makawala sa kanya' pero sa palagay ko lang yon.

May kasabihan nga na ang assuming ay hindi lumiligaya kaya bawal ang mag assume para bawas sakit narin. Kasi the more na mag assume ka sa isang bagay ay para mo na ring sinasabing handa kang masaktan tapos kapag nasaktan kana sasabihin mo na ang sakit at hindi mo na kaya. Kaya bawal talaga mag assume o umasa sa isang bagay na wala namang kasiguraduhang magiging sayo.

For example kong magka gusto man ako kay Jhoven tapos gusto kong akin lang siya kahit asawa niya na ang ate ko. Ay para lang akong tanga na kumuha ng bato at pinukpok sa ulo. Para rin ako tanga na hinahabol ang usok para pilit na pinapasok at ikulong sa pamamagitan ng mga kamay ko kahit alam ko na ang usok na yon ay makakalaya lang, mawawala at sumama sa hangin para magiging isa.

Gaya lang ng pang aagaw ng asawa ikaw ang kamay na handang ikulong sa mga palad mo ang usok kahit alam mong pagmamay-ari na siya ng hangin, Hindi rin magtatagal ang usok na pinanghahawakan mo dahil kailan ay hindi naman yon magiging sayo. Mawawala lang yon sa isang iglap kahit gaano mo pa yon kinakapitan lalo na yong mga pangako ay parang usok mag e-stay sayo pero pag daan ng ilang sigundo or minuto ay mawawala rin sayo at hindi na matutupad pa kahit umiiyak kapa ng dugo kakaasa na babalikan ka ng usok na yon, na babalikan ka niya.

Kinuha ko naman ang kamay ko mula sa pagka hawak ni Jhoven at pinaglalaruan ang hintuturo ko gamit ang aking dila habang hinihintay ang pagkain na pinapaluto ko sa mga maid.

MISTRESSWhere stories live. Discover now