Chapter 43

625 9 5
                                    

#ChapterFourty-Three
𝑮𝒍𝒂𝒊𝒛𝒂'𝒔 𝑷𝒐𝒗







Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama mismo sa mukha ko, napalingon nalang ako sa gilid ko ng maramdamang may mabigat na kamay ang nakadagan sa bandang tyan ko.

What I have done this time?

Klarong-klaro at naglalaro pa sa isipan ko ang mga nangyari kagabi. Kahit sabihing lasing ako ng time na yun, ay gising naman ang diwa ko at alam ko kung ano ang mga pinang gagawa ko.

Napa hilamos na lamang ako ng mukha. Nagkamali na naman ako.

Umupo at umusog ako at hinawakan ang napakaamo niyang mukha, siya ngayon ay kasalukuyan pang natutulog.

Tinitigan ko siya. "Ba't ba kahit anong gawin kong pag-iwas, ay babalik at babalik parin ako sayo. Ano bang meron sayo Jhoven? Paulit-ulit nalang akong nagkamali para lang maka piling ka." binaybay ng daliri ko ang kanyang mukha hanggang sa napunta ito sa mamulamula niyang labi.  "Bakit ba hanggang ngayon ay ikaw parin. Bakit ba kahit anong gawin kong paglimot sayo ay bumabalik parin itong pesteng nararamdaman ko. Kunting sabi, kunting paramdam mo ay bumibigay agad ako. Lima. Limang taon na pala ang lumipas pero mag pa hanggang ngayon ay ikaw parin." pinahid ko ang mga tumulo kong luha sa kanyang pisnge. "Oo, tangina. Ikaw parin. Ikaw parin ang laman ng puso at isipan ko." tumingin ako sa kisame. "Tangina, Mahal parin kita." bago ulit tumingin sa kanya. Pero ganun nalang ang gulat at panlalaki ng mga mata ko ng makitang gising na pala siya.

Hindi agad ako naka kilos at tela na estatwa na, pero nung natauhan na ako ay agad akong umusog pero bago ko paman nagawa ay nahawakan na niya ang mga kamay ko at mas hinila papalapit sa kanya.

"J—Jhoven." utal kong sabi.

"Did I heard it right? Do you still love me?" tanong niya sa akin, kita ko sa mga mata niya ang pagkislap ng pag asa roon, iniwas ko nalang ang patingin ko sa kanya at napakagat labi nalang.  "Hmm." I don't know what should I say. Will I answer his question truthfully? or I will lie again? gaya ng dati.

"Glaiza." puno ng pagsusumamo ang tono ng kanyang boses. He grabbed my chin just to face him. I tried to avoid his eyes, but he caught my gaze and that when the tears I had been holding back started to flow.

"J-Jhoven, mali 'to." mahina kong aniya at iniwas ulit ang tingin kanya. "Maling mali 'to." bahagyang iniyuko ang ulo, ngunit itinaas niya ulit yun.

"Walang mali sa ginagawa natin, Glaiza. Mahal mo'ko at mahal din kita, nagmamahalan tayong dalawa. Walang mali roon." sinabi niya ang mga salitang binibigkas niya habang nakipagtitigan sa mga mata ko.

"May asawa ka na." Ani ko.

"Pero ikaw ang mahal ko. Ikaw ang ina ng mga anak ko." sagot niya.

"May anak ka din sa kanya." balik kong sagot.

"Handa ko siyang hiwalayan para sayo." nangingilid ang mga luha ko nang sabihin niya yun sa'kin. Hindi ko in-expect na bibitawan niya ang mga katagang iyon. Hindi ko din in-expect na all of these years ay ako naman talaga ang totoong mahal niya. Pero bakit nagawa niya parin akong saktan? Bakit di ako ang pinili niya? kung ako naman pala talaga ang mahal niya, in the first place. Nagugulohan ako.

MISTRESSWhere stories live. Discover now