#ChapterFive
Glaiza's PovAng sarap talaga ng tulog ko ka gabi kaya mga alas otso na ako nagising, kahit kaunti pa lang ang tulog ko ay parang ang energetic ko yata ngayong araw nato. Ganito ba talaga ang feeling kapag nadidiligan? you know what i mean.
Yong feeling na para ka lang lumulutang sa hangin sa sobrang gaan ng pakiramdam mo. Yong tipong wala kang ka problema problema sa buhay. Yong tipong ngingiti ka lang mag isa pag may maalala ka. Yong tipong kahit mataponan ka ng juice ay isawalang bahala mo lang yon at lalagpasan para hindi masira ang magandang araw mo.
Lumabas na ako sa kwarto pagkatapos kong maligo at magbihis. Pakanta kanta pa akong naglakad pababa sa hagdan.
Thanks to god dahil hindi na makirot at nakapaglalakad na'ko ng normal, takot na takot talaga ako kagabi dahil akala ko ay di na ako makakapag lakad pa. Tapos tatanongin ni ate kong bakit daig ko pa ang lumpo na hindi makatayo. Eh ano naman ang isasagot ko sa tanong niya? Na si Jhoven ang may gawa non dahil nakipag chukchakan ako asawa niya. Di malamang nabuko na kami, end of the world na ang peg.
''GOOD MORNING ATE'' sigaw ko ng makita ko siya na naglalakad papunta sa dining na may hawak pang isang bowl ng fried chicken, my fav. Inilagay niya naman yon sa mesa bago ako nilingon at naglakad papunta sakin saka pumamewang sa harap ko.
''Ikaw talagang bata ka, kong makasigaw 'kala mo naman ang layo layo ko sayo'' singhal niya sakin sabay kurot ng tagiliran ko, awtsusu ang shakit talaga pramisss.
''Ate ang sakit naman non'' reklamo ko habang hinihimas ang tagiliran ko at alam kong nag iwan yon ng marka ng kuku.
''Buti nga sayo'' inismidan niya pa ako bago bumalik sa lamesa, pakendeng kendeng pang naglalakad.
Pumasok si Jhoven sa kusina na na basang basa pa ang buhok halatang kakaligo palang. Napalabi naman ako at napa iwas ng tingin. My goshh ang hot niya.
Nakita ko pa sa pheripinal vision ko na sinalubong siya ni ate ng halik sa labi. Pasimple kong hinawakan ang may bandang kaliwang dibdib ko, nakaramdam naman ako ng kirot dahil sa eksenang yon. Alam kong walang mali sa mag asawa na maghalikan pero bakit labag sa loob ko na makita ko silang ganon.
''Halika ka na Glai, kain na tayo'' yaya sakin ni ate Glaira, wala naman ako sa sariling sumunod sa kanya ''Bakit bigla ka na lang yatang tumamlay? diba ang saya saya mo pa nga kanina'' pansin niya sakin sabay haplos ng buhok ko. Inipit niya pa sa tenga ko ang buhok ko na bahagyang nakatabon sa mukha ko.
''Wala lang ate, may iniisip lang ako'' nginitian ko pa siya ng pilit. Kahit sa kaloob looban ko ay selos na selos na ako. Gusto ko man sabibin na sa susunod ay wag silang maghahalikan ni Jhoven sa harapan ko, pero sa huli ay nakagat ko lang dila ko kasi don ko lang napagtanto na wala pala akong karapatang mag demand.
Ako lang kasi yong may mali. Ako yong may kasalanan sa kanya, tapos ako pa yong mag lakas ng loob na humingi ng demand. Para ano? para hindi ako masaktan? para hindi na'ko mag selos sa kanila? eh ano pa bang magagawa ko eh ako yong naki papel sa pagsasama nila. Kumbaga ako yong anay na unti unting sumisira sa relasyon nila.
''Heto Glai favorite mo, pinasadyang ipaluto ko talaga yan sa mga katulong para lang sayo'' aniya saka ako pinaglagyan ng fried chicken sa plato. How's sweet. Ang bait talaga ng ate ko sakin dahil kahit kailan ay di niya ako makalimutan. Di katulad ko. Napabuntong hininga na lang ako.
''Mahal mo talaga ako ate no?'' wala sa sariling tanong ko, nilingon naman niya ako at kinunutan ng noo siguro na w-weirdohan siya sakin, pero still nginitian niya naman ako. Yung ngiti na gustong gusto kong makita palagi sa kan'ya, sana lang di ako ang maging dahilan ng pagkabura ng ngiting yan.

YOU ARE READING
MISTRESS
Lãng mạn𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑚𝑎𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑡𝑎𝑙𝑎𝑔𝑎 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑔𝑠𝑖𝑠𝑖𝑚𝑢𝑙𝑎 𝑚𝑜𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖, 𝑏𝑎𝑔𝑜 𝑚𝑎𝑝𝑢𝑛𝑡𝑎 𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑎. 𝑀𝑎𝑦 𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑑𝑖𝑛 𝑛𝑎 𝑢𝑚𝑖𝑖𝑏𝑖𝑔 𝑡𝑎𝑦𝑜 𝑠𝑎 𝑚𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑜 𝑏𝑎𝑔𝑜 �...