┋KABANATA 4: Please, Master

64 1 0
                                    

[KEN'S POV]

"Stell? Pwede ka ba?" Tanong ko rito, kinuha niya ang bago na tila nag-mamadali bago umiling

"Hindi e, sorry. Mahirap ang Thesis, I-tatry ko sumilip at turuan ka kapag may Time. Sorry talaga" ana niya bago Kunin ang bago nag mamadaling tumakbo papalabas ng canteen.

Mukhang wala na kong mahihingan ng tulong. Si Josh at Pablo nasa Rap Club, si Stell nag-quit na sa Music Club since mag-fofocus daw sa thesis. Si Justin mag-kaiba kami ng Vibe at mukhang walang Interest na sumama saakin.

Alam kong sumagi na sa isip nyo na, Bakit hindi ka mag-patulong kay Nicole? Chance mo na rin para makasama sya. Well, Nakakahiya man sabihin pero natotorpe ako.

It Just-Gusto ko syang kasama para asarin sya, Hindi 'yung humingi ng tulong sakanya. Tsaka, Tutulungan ba nya ko? Sa dami dami ng atraso ko sakanya.

Alam mo 'yung feeling na nangunguna 'yung pride mo kaysa sa Pagtingin mo sa taong mahal mo?

'Yung feeling na, Gusto kong humingi ng tulong sakanya. Pero nangunguna 'yung pride mo na, Nahihiya ka kasi andami mo nang ginawang katarantaduhan sakanya.

Napabugtong hininga ako noong ako na lamang ang naiwan dito sa lamesa namin. Si Justin umalis na rin. Si Josh at Pablo hindi nag-pakita ngayong Lunch.

Almost 12:30 in the Noon na. Wala kaming Lessons sa Dance Club, Ang Mission namin ay Kabisaduhin ang Sayaw. Mahirap pare, Hindi kaya ang isang Linggo.

Hindi ako gano'n kagaling, I still have a lot of things to learn. Ayokong maging pa-bida na akala mo kung sinong magaling kaya sknasabi ko 'to.

I'm not good at Everything.

"Lonely 'yarn?" Napaharap ako sa Gawing Kaliwa ko noong narinig ko ang isang pamilyar na boses.

Si Nicole.

Dala dala ang Laptop niya ay Tumabi siya sa Upuan ako bago pang-asar na siksikin ako. 'Yung puso ko-Fuccç Ang Lakas ng Tibok shet.

Ano ba-Tumigil ka na! Shemayyy paano ba patigilan 'to?! Arghhh

"Ano ba 'yan! Lumayo ka nga sakin-" ana ko pero natatawa nya itong pinutol.

"Bakit? Naiilang ka? Asus, Wag kang mailang-Tandaan mo, Ako pa humawak ng kamay mo nung tinutuli ka" natatawang ana niya matapos buksan ang Laptop nita.

"Aba gago ka! Ikaw kaya nag-representa!" Pagdedepensa ko sa sarili ko. Eh First time ko e! Syempre natatakot ako. Akala ko noon tatanggalan ako ng pag-kalalaki.

"Sus, Sabihin nating nag-representa ako. E sinong nag-sabing "Wag kang Umalis sa Tabi kooo, Sige naaa Bann" Akala mo kinakatay na biek e" Natatawang pang-aasar niya.

Ban, Ang tagal ko nang di sya natatawag na Banban.

I looked at her na parang na-beast mode bago sya tumingin rin sakin at napatawa. Pinag-titinginan na kami rito dahil ang lakas ng tawa nya.

Pfft. Cute.

"May problema ka Lodi?" Tanong niya, I sighed. Sa Totoo lang, Andami. Isa na do'n kung paano ako aamin sa nararamdaman ko sakanya.

"Mukhang Hindi mo alam kung paano mo kakabisaduhin 'yung sayaw ah" Gulat akong napalingon sakanya noong sinabi nya 'yan. Teka-Pano n'ya nalaman? Wala naman nag-sabi sakanya ah.

"Oh, Gulat ka na naman. Call me master para sabihin ko sayo kung pano ko nalaman" Pag-mamayabang na ana niya bago ako napasimangot.

"Joke lang, Ito naman Kenji-"

"Wag mo nga kong tinatawag na Kenji" Pag-puputol ko sakanya. Ayoko, May-naaalala ako. Sobrang nakakahiya, 'tas sa harapan pa nya.

"Kenji-"

"Vanessa!" Sigaw na pag-puputol ko muli na ikinatawa nya.

"Oo na, Pfft. 'wag mo lang akong tawagin sa Fullname ko. Katakot ka e" ana niya, Tinatawag ko lang naman sya sa Fullname nya kapag galit na ko-pfft.

"Gusto mo turuan kita?" Tanong niya, Oo gusto ko. Kaso-Nakakahiya.

"Ayoko"

"Edi don't! Ikaw na nga yung tuturan e-"

"Joke lang, Sigee naaa" wala sa sariling pag-puputol ko kay Nicole. Tae, Wala akong takas dito ah.

"Ayoko, Pilitin mo muna ako" ana niya, Ang cute nya talaga. Sige na nga.

"Hayst, Sige na Nicole. Pwede bang Turuan mo ko? Please~" Ana ko, Ang cringe argh!

"Ayoko, Isa pa Kenji-"

"Agrh! Sige na Ban~" pagpuputol ko muli na ikinangiti nya.

"Sige na nga, Dun ka sa Dorm ko" ana niya. Isip bata talaga. Pfft. Cute.

TO BE CONTINUED. . .

✦ Selflessly Devoted To You┋SB19 KEN【2022|✓】Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon